Chapter 45

90 8 0
                                    

I can see my own breath

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I can see my own breath. Sobrang lamig dito. Nandito ako sa–hindi ko alam kung saan ito. Naka upo ako sa isang upuan habang napapalibutan ng mga nakasinding kandila. Sobrang dilim, wala namang hangin pero sobrang lamig. Para akong nasa freezer.

Sinusubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Wala akong matanaw sa paligid, kadiliman lang. Tanging sa puwesto ko lang talaga maliwanag.

Mabuti na lang at hindi ako matatakutin sa dilim. 

"Ang gandang pagmasdan ng mga mata mong kumikinang sa apoy, Vivianne. Katulad nitong kwintas." Isang lalaki ang biglang na lang lumabas mula sa kadiliman. Inilabas niya mula sa kawalan ang kwintas na ibinigay sa akin ni Mama.

Marahan siyang lumapit sakin kaya mas lalo kong nasilayan ang lalaking nasa harapan ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makilala kung sino ito.

"D-Dad?" Tinignan niya ako at ngumiti. "Imposible…" bulong ko sa kawalan habang diretsong nakatingin sa kaniya, inaalam kung siya nga ba ito.

He looks like dad but taller and paler. At tsaka ang mga mata niya, kapag natatamaan ito ng liwanag ng kandila ay nagiging mala sa ahas ang pupil nito.

"You are the best gift that I have given to someone–your mom. But not for her. I already gave Ravina what she asked and it's my turn to take what I deserve." Pumwesto siya sa likuran ko at marahang ikinabit sa leeg ko ang kwintas. 

Ramdam ko ang lamig nito na dumadampi sa leeg ko. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng tila may humihinga sa leeg ko. "My daughter," bulong niya sa tainga ko.

Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Pero lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko.

Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Mariin akong napalunok ng hawakan niya ako sa leeg. 

Patago kong ginalaw ang daliri ko. I can move now. Nang medyo nilayo niya ang mukha niya sakin ay humugot ako ng lakas ng loob para itulak siya palayo sa akin sabay tayo.

Napa atras siya at nasanggi ang isang nakasinding kandila na ngayon ay nakatumba na sa sahig. 

May isang pintuan na bumukas sa likuran ko. It's the kitchen. I can see the kitchen from here. 

Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang dahan-dahang humahakbang patalikod. Nakatingin lang siya sa akin kaya ng medyo nakalayo na ako ay mabilis akong tumakbo patungo sa nakabukas na pintuan.

"VIVIANNE!"

Dahil sa nakakatakot na sigaw na ginawa niya ay lalong bumilis ang mga binti ko sa pagtakbo. Nang makarating ako sa pinto ay agad ko itong isinara at ikinandado.

Sunod-sunod na malalakas na paghampas ang nagmumula mula sa likod nito. He's trying to get in. 

"Wait…what the?" Pinagmasdan ko ang paligid. Wala ako sa kitchen, nasa Tailor Shop ako.

Kinikilabutan ako sa mga mannequin na nagkalat dito sa kuwarto. I swear to god kapag may gumalaw na mannequin dito.

May nakita akong malaking salamin sa sulok. May kuryente dito kaya maliwanag. Pinagmamasdan ko lang ang sarili ko habang suot ang kwintas. It looks beautiful and expensive. No wonder why mom kept it. 

"Who's that?!" I can hear someone, parang umiiyak. "I swear to my shit I am done with this!" Sa inis ko ay isa-isa kong itinumba lahat ng mannequin na mahahawakan ko hanggang sa may natanaw akong damit ng maid na katulad ng uniform nina Lola Abi. 

Agad ko itong nilapitan. Nakatakip ito ng puting tela pero sumisilip mula dito ang kulay navy blue na laylayan. Isama mo pa ang pamilyar na disenyong nakaukit dito. 

Puwersa kong inalis ang nakabalot na puting tela dito. Agad akong napa atras ng malaman kung ano–sino ito. Her skin is porcelain but her eyes, her eyes are moving, it's crying. 

"T-Tessa?" Tawag ko dito. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko for 2 seconds ng gumalaw ang itim ng mata niya at tumingin sa akin without moving her head.

She began making the sobbing sound. 

"M-May iba pa ba?" Kahit natatakot na ako ay kailangan kong itanong. Ay shit, paano nga ba siya makakapagsalita? "Move your eyes to the left if yes, and to the right if no. May iba pa ba?" I asked.

She moved her pupils to the left, which means yes. Shit. Lahat ba sila nandito? 

Napasapo ako sa noo ko habang ang isa kong kamay ay nasa baywang ko. "This is stupid, this is stupid."

Nai-stress na ako, natatakot, naguguluhan, ano ang sunod nito? A ghost? A three-headed dog?

Pinagmasdan ko ang mga mannequin na binabalutan ng puting tela. Magkakasama sila sa isang sulok dito sa fitting area, talagang itinago sa likod ng iba pang mannequin. Isa-isa ko silang tinanggalan ng balot bago tignan. They opened their eyes.

"This is not happening," mahinang saad ko at hindi makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon.

These are people. Sino iyong mga nasa mansion? Sino iyo– "Mang Martin?" Tinitigan ko ang pigura ni Mang Martin. It's him. Nakatingin lang siya sa akin. 

Natatakot akong hawakan sila dahil baka mabasag o masaktan ko sila. 

"Anong gagawin ko? Habang buhay na ba kayong ganiyan?" Tanong ko sa kanila as if kaya nilang magsalita.

Nakita kong umikot ang mata ni Ate Marie na nagpakunot ng noo ko. Seriously?

"Do you know me?" Tanong ko sa kanila pero lahat sila ay tumingin sa kanan. 

They don't know me. So, those people in the mansion. Who are they? Lalo lang nadadagdagan ang mga tanong sa utak ko. 

Kahit na ang creepy nila tignan ay para lang din akong nakikipag usap sa isang normal na tao. Unlike noong nasa mansion ako. Maybe that's the reason why I don't feel right around them.

Naagaw ni Lola Abi ang atensyon ko. Nakatingin siya sa lamesa at hindi inaalis ang tingin dito. Napansin niya sigurong tinitignan ko siya kaya tinignan niya ako at sumunod ay sa lamesa.

Lumapit ako sa lamesa. May mga notebook dito pero isang pamilyar na papel ang umagaw ng atensyon ko. Natatabunan ito kaya isa-isa kong hinagis kung saan-saan ang mga notebook.

Yes, I am letting my intrusive thoughts for now because I am really this close to losing my cool.

Pinagmasdan ko muna ito. "It's from Dad."

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon