Chapter 40

82 9 0
                                    

I want to go outside, I want to go outside

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I want to go outside, I want to go outside.

"Tap tap tap tap." Tinakpan ko ang bibig ko. I'm mimicking the sound, no–it's getting into my nerves now. "I hate it. I hate it!"

Sa inis ko ay naihagis ko ang notebook ko sa kung saan man. The window, it's open. Tumayo ako mula sa pagkaka upo at agad na nilapitan ang bintana, binuksan ko ang glass at sumilip sa labas.

Sobrang dilim, at ang lamig ng simoy ng hangin. Wait– that's him. The gut that I've been talking to. 

Sisigaw na sana ako para maagaw ang atensyon niya pero baka marinig ng mga kasama ko dito.

Dire-diretso lang siyang naglalakad papasok ng gubat, walang flashlight o kahit ano. Maybe ay kabisado na biya ang daan dahil nga doon siya nakatira.

Tinignan ko ang kama ko, maybe it works, just like sa mga movie. Walang pagdadalawang isip kong tinanggal ang kobre-kama, kumuha rin ako ng mga kumot sa drawer at pinagbuhol-buhol sila para humaba.

I made sure na nakabuhol ito ng maayos dahil ayaw ko pang mabalian ng buto. Itinali ko ang dulo sa isang paa ng kama, hindi naman ako ganon kabigat kaya for sure hindi bibigay ito. 

Sumilip muna ako sa ibaba mula sa bintana para masigurado na walang tao bago ihagis ang pinagdugsong-dugsong kong tela. Mukha namang abot siya sa ibaba.

May pagdadalawang isip sa utak ko pero…pero ito na kaya wala ng atrasan. 

"Okay, kaya ko ito." 

Huminga ako ng malalim bago tumuntong sa bunganga ng bintana. Mariin akong kumapit sa tela bago alisin ang pagkakaapak ko sa bintana. 

Naramdaman kong umurong ng kaunti ang kama ko pero konti lang naman. Hindi ako gymnast o akyat bahay kaya nahihirapan akong kumapit sa tela.

Unti-unti akong bumaba. May madadaanan akong binta kaya sana lang talaga walang tao dito. 

Hindi ako tumitingin sa ibaba, patuloy lang ako hanggang sa maramdaman ko na ang lupa. Binawi ko ang hininga ko at wala nang oras pang sinayang. 

Kumaripas ako ng takbo papasok ng gubat, yes gubat. Ang sabi niya ay dito lang siya nakatira kaya doon ako pupunta.

I know he's still a stranger but I don't have a choice. Ayaw kong mag stay sa mansion kasama sila. Walang direksiyon ang pagtakbo ko. Sana walang aswang dito o anuman.

Nang makalayo ako ay binagalan ko ang takbo ko dahil sobrang dilim ng paligid. Muntik pa akong matalisod dahil sa ugat ng puno.

"Saan ba iyon?" Nawawalan na ako ng pag-asa kung saan ang bahay niya. 

Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makakita ako ng…cabin! Is this his house?

"Vivianne?" 

Tinignan ko ang nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?"

"H-Hi. Is this your house?" Tanong ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Right?"

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Baka hanapin ka ng Auntie mo. Hindi ka na dapat lumalabas ng ganitong oras," aniya at nilapitan ako. "Galing ako sa labas para kumuha ng kahoy. Tara sa loob? Lalamukin na tayo dito sa labas."

Nauna siya sa pinto ng cabin at pinagbuksan ako kaya pumasok na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil medyo mainit dito, may fireplace din kasi. 

"Upo ka. Gusto mo ng kape?" Aniya. 

Umupo ako sa kahoy na sofa. "Hindi na, okay na ako dito. Salamat." Pinagmasdan ko ang paligid. "Luma na pala ito, ano? Aren't you afraid na bigla na lang masira itong cabin?"

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. I almost forgot na bungisngis nga pala ang taong ito. "Hindi naman. Mukha lang itong luma pero matibay ito."

Umupo siya sa kahoy na sofa na kaharap ko malapit sa fireplace. Itong fireplace lang yata ang gawa sa bato dito. Ngayon ko lang din napansin na wala siyang dalang mga kahoy na sabi niya ay kinuha niya sa labas.

Maybe nilagay niya lang kung saan. 

"Ano ngang ginagawa mo dito ng ganitong oras? Masyadong delikado na sa labas ng ganitong," aniya at tumingin sakin.

"Ikaw talaga ang pinuntahan ko," saad ko. Kita kong kumunot ang noo niya pero hindi siya nagsalita. "Puwede bang mag-stay muna dito until dumating si Dad? Ilang araw na lang naman."

"Dito? Kasama ang taong hindi mo pa naman lubos na kilala kaysa sa kadugo mo na may malaking mansion at masasarap na pagkain?" 

Nagulat ako sa nga sinabi niya. It never slips in my mind. "I just-"

"VIVIANNE!"

"I think that's your Auntie." Tumayo siya at lumapit sa pinto kaya sinundan ko siya pero nanatili akong nasa likod niya. 

Nakita ko si Mang Martin at Ate Marie na kasama si Auntie. "Give her back." Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ang boses ni Auntie Ravina. Nakakatakot ito, halata sa boses niya ang galit at pagka seryoso.

"I didn't take her. Siya ang kusang pumunta dito," aniya. 

Pumasok ako sa loob. Ayaw kong lumabas, ayaw kong bumalik sa mansion at sa kwarto na iyon!

Tinignan ko ang bagay na nahulog mula sa lamesa na nasa gilid ng pinto. Lumuhod ako para isa-isang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.

Wait–this paper. They look familiar. 

"Vivianne!" Sa gulat ko ay nabitawan ko ang papel na hawak ko. Tumayo at lumapit sa pinto. Nasa labas na pala siya. "Vivianne, darling," ani Auntie. Ravina. Wala na iyong nakakatakot na boses niya kanina. Kalmado na siya. Paano niya nagagawa iyon?

"H-Hindi ako sasama pabalik sa mansion." Pinilit kong hindi mautal.

Kahit madilim at liwanag lang ng isang ilaw ang nagbibigay liwanag sa paligid na nagmumula sa lampara na nakasabit sa isang puno ay kita ko ang pagbabago ng mga tingin ni Auntie Ravina.

Hindi siya mukhang galit kaya mas lalo akong kinabahan. Seryoso lang ang mukha niya, wala akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata niya.

"Sasama ka sakin pabalik ng mansion, Vivianne. Huwag mo akong hayaan na kaladkarin kita pabalik." 

Tinignan ko siya na nasa tabi ko at umiling. 

"Ayaw niyang sumama. May sarili na siyang desisyon at hindi ko naman siya pababayaan dito."

"Hindi ikaw ang kausap ko!" Sigaw ni Auntie na nagpa-atras sa akin dahil sa gulat.

Sobrang lamig ng hangin, pakiramdam ko ay maninigas ako dagdag pa ang kaba na nasa dibdib ko.

"Marie!" Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit si Ate Marie kay Auntie at may ini-abot na isang bagay. Kinasa ni Auntie Ravina ang shotgun na hawak niya at itinutok sa kasama ko. "I did it before and I'll do it again."

"W-What? You did what?" Naguguluhang tanong ko sa kanya pero nakatuon ang atensyon niya sa kasama ko. 

"Siguro dapat ay sumama ka na sa Auntie mo."

"Huh?!" Gulat ko siyang tinignan. Pero siguro nga ay tama siya dahil baka gawin nga ni Auntie ang sinasabi niya.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa direksiyon ni Auntie. Ang bigat ng bawat hakbang ko, kasing bigat ng pakiramdam ko. Parang hindi ako makahinga.

"Wait-"

Huminto ako sa paglakad. Saglit na nawala ang pandinig ko nang marinig ang malakas na ingay na ginawa ng baril. 

"Take her home."

Naramdaman ko ang pares ng kamay ni Mang Martin na humigit saakin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. B-Binaril ba siya ni Auntie?

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon