Chapter 3
"Uhh.. Thank you nga pala for saving me kanina," I said. Matapos kasi yung kanina ay hinila niya ako kung saan at isinakay sa kotse niya. Kanina pa siya nagda-drive at sobrang tahimik pa that's why I decided to break the silence.
Pero lumipas na lang ang ilang minuto ay hindi pa rin niya ako sinasagot. Wala man lang 'You're Welcome'.
Napapaisip nga ako kung pipi ba siya o ano. Kaso narinig ko naman siyang nagsalita kanina which confirmed na hindi naman siya pipi. Pero alam mo yung nakakairita na ang katahimikan niya? Parang gusto ko tuloy isiping may binabalak siya sa akin. God, wag naman sana. Hindi pa ako handang matusok.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pero hindi niya naman sinagot. Nakakainis tuloy. Parang wala akong kasama. Nagmumukha ata akong tanga dito na salita nang salita.
I just stifled a sigh. Kung ano man ang binabalak niya, bahala siya. Kung gusto niya akong pagsamantalahan, magpapaubaya na lang ako. Kahit hindi pa ako handang mabutasan, keri lang. Ibibigay ko na lang nang buong landi ang katawan ko. Tutal gwapo naman siya. Kaya hindi na lang ako magpapaka-choosy.
Napansin kong huminto na ang kotse. And when I looked around, nasa isang mataas na lugar na kami. Jusko. Mukhang nagiging tama na ang hinala ko. Mapupunit na nga ata ang hymen ko.
Nagmadali siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan at tinulungan akong makababa.
"Salamat," sabi ko na hindi niya pa rin pinansin. Aww most behave.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig. Ito na talaga. Goodbye virginity na.
"To relax?" He answered. Oh my! Nagsalita na siya!
May kung ano siyang kinuha sa likod ng kotse niya. Maya-maya ay may inabot siya sa aking coke in can samantalang beer naman 'yong kanya.
"Ang unfair naman ata. Coke lang sakin tapos beer sayo?"
"Why? Umiinom ka ba?" He asked and I shook my head. Pero gusto kong tumikim.
"Girls shouldn't drink liquor," he said and I scowled.
"So lalaki lang dapat? Ay ang unfair!" I retorted at bigla naman akong kinabahan nang sinamaan niya ako ng tingin. Ayan na naman ang emotionless face niya.
"Sabi ko nga, dapat kayo lang," sabi ko na lang as I took a sip on my coke.
"I'm Blue," he suddenly said.
"I'm Kristina Sharmelle Rivera, Kristy for short," I said and offered my hand for shake hands pero tiningnan niya lang ito. Kaya binawi ko na lang ang kamay ko. Ang arte.
"Since I saved you earlier," he grumbled at napatingin agad ako sa kanya. At humihingi siya ng kapalit. Oh my God! He's going to take my virginity!
"I'm sorry pero hindi ko pinamimigay ang virginity ko!" I mumbled. Bakit pa kasi kailangang magpaalam? Kung gusto niyang hingin ang virginity ko, sana ginawa niya na lang. Nakakaloka.
"You're a virgin?" He asked. I nodded my head as reply. "By the way you dressed, I thought you're not," he added and it made my eyes grew wide.
"Grabe ka kung maka-judge ha? Pinasuot lang sa akin 'to ng best friend ko," I said defensively.
Hindi siya nagsalita for a while. Para siyang may kung anong iniisip.
"I've lost my sex life and it's been 2 years," he suddenly stated. Sex life pala ang hinahanap mo. Edi sana kumuha ka na lang ng prostitute.
"Wala akong paki diyan sa sex life mo. Kung gusto mong kunin ang virginity ko, kunin mo na!" I muttered.
And it was too late when I realized what I said. Hala. I didn't meant what I said. Patay na.
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.
