Chapter 32

2.7K 75 6
                                    

Chapter 32

Naging masaya ang bakasyon ko kahit hindi kami nakapag-bakasyon. Busy kasi si Blue kaya kahit nag-ayang magbakasyon si Gelo ay hindi ko napaunlakan kasi ayokong iwan si Blue mag-isa sa condo.

Madalas rin akong umuwi sa amin pero isa o dalawang gabi lang akong nananatili doon at bumabalik rin sa condo para may makasama si Blue. Madali ko kasi siyang ma-miss kaya umuuwi agad ako. Kahit siguro malayo ang pupuntahan ko, kapag na-miss ko siya ay uuwi at uuwi pa rin ako.

Hindi naman ako nabo-bored maiwan sa condo kasi madalas ring tumambay si Gelo doon kaya may nakakausap ako. Minsan andun rin si Kristy pero madalas rin siyang wala kasi magkasama sila ni Raymond.

Kaya bago ang pasukan ulit ay lumabas kami nang sama-sama para namnamin ang huling araw ng bakasyon.

"Oh? San si Blue?" Tanong ni Kristy nang makitang si Gelo ang kasama ko.

"Nasa work pa," sagot ko. Medyo malungkot ako. Pero medyo lang kasi nag-promise naman si Blue na susunod siya.

"So what's up for today?" Tanong ni Gelo.

"You'll see," sagot naman ni Keanna.

Isa-isa na kaming sumakay sa kotse ni Raymond. Siya kasi naatasang mag-drive ngayon. Nasa tabi naman niya si Keanna samantalang kami ni Gelo ay magkatabi sa likuran.

Sina Raymond at Keanna na rin ang nag-decide kung saan kami ngayon at kung ano ang gagawin namin kaya wala kaming idea anong mangyayari ngayong araw. Ang importante ay magiging masaya kami.

Nakatingin lang ako sa binatana, minamasdan ang bawat nadadaanan namin. Kung bakit naman kasi sobrang busy na tao ni Blue eh.

"Oh, ba't ka malungkot?" Narinig kong tanong ni Gelo. Agad akong napatingin sa kanya saka siya tipid na nginitian.

"Masaya ako. Di lang halata," I replied.

"Masaya daw? Eh mukha ka ngang walang gana sa buhay," he commented. Wala na akong maisagot. I just ended up rolling my eyes at him. Kinurot niya naman ang ilong ko kaya nasapak ko siya sa braso. Kaso ako ata ang nasaktan.

"Wag mo kasi akong sinasapak. Alam mo namang matigas ang muscles ko," he said laughingly. Kinuha niya ang kamay saka iyon hinilot-hilot.

Ang hambog rin talaga ng isang 'to eh. Sarap sapakin ulit. Kaso wag na. Ako pa rin naman ang masasaktan.

Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa bintana. Hanggang sa makatulog ako.

Nagising na lang ako nang gisingin ako ni Gelo. Wala na si Keanna at Raymond, nakababa na ng sasakyan. Napansin ko namang naka-park kami near a coffee shop na hindi ko masyado familiar.

"San na tayo?" I asked. Hindi ko kasi alam kung anong lugar na ito. Iti-text ko sana si Blue para ma-update naman siya kung nasaan kami ngayon.

Kaso nagkibit-balikat lang siya saka bumaba na ng sasakyan.

Sumunod ako sa pagbaba at dumiretso sa loob ng coffee shop. Naabutan ko pang pumipila sina Keanna at Raymond. Si Gelo naman ay dumiretso ng Comfort room.

"Hanap ka na lang ng table, Kristy. Kami na oorder," sabi ni Keanna na agad ko namang sinunod.

May bakanteng table for four sa isang corner kaya doon na ako naupo para hintayin sila. Nang matapos naman sila sa pag-order ay saka namang pagdating ni Gelo.

"San na ba tayo?" Tanong ko.

"Secret," tanging sagot ni Keanna. Nang si Raymond naman ang tinanong ko ay hindi rin niya ako sinagot. Kaya hindi na ako nagsayang pa ng enerygy magtanong kasi hindi rin naman nila ako sinasagot.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon