Chapter 38

2.8K 69 5
                                        

Chapter 38

"Okay ka lang, Kristy?" Tanong ni Keanna nang makita ako. I couldn't answer. Okay lang ba ako? Okay lang ba sa akin ang pagtago ni Blue sa katotohanang may asawa siya? She's an ex, yes. Pero may karapatan akong malaman 'yon.

Okay lang ba sa akin na malamang may anak na pala siya? Okay lang ba sa akin na sa lahat ng oras na pwede kong malaman lahat nang 'yon ay nagkataon pang sa araw pa ng kasal namin?

Did I do something so bad to deserve this?

Ilang segundo pa ang dumaan bago ako nakasagot.

"Okay lang ako," I answered. Oo na. Ako na ang sinungaling. But I won't let this thing ruin my dream day.

"Sigurado ka?" Keanna queried. Bakas sa mukha niyang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Ganoon ba ako ka-transparent?

"I will manage," sagot ko. Iyon lang ang sinabi ko saka nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasunod ako ngayon kay Marielle na papalabas ng rest house.

"Teka," pigil ni Keanna. Napatigil ako sa paglalakad. "Anong pinag-usapan niyo 'nong babae?"

Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"Kristy, anong pinag-usapan niyo?" She asked again.

Hindi ulit ako sumagot. Ano bang dapat kong sabihin? That I'm going to be Blue's second wife at ngayon ko lang nalaman? That I'm so stupid for not knowing anything? Or that Blue became a jerk for hiding the fact that he was already married to a girl and that they have a child together? What does that make me?

Ngayon ay dapat masaya ako at itong araw lang na ito ang iisipin ko. Pero ko hindi ko iyon magawa. Marami pang mga bagay ang bumabagabag sa akin ngayon.

May hindi pa ba ako alam? May dapat pa ba akong malaman?

"Andito na po 'yong kukuha ng video," nakangiting sabi ni Marielle. Nakita ko ang isang team na papalapit sa amin. "Are you ready, Miss Kristy?" Tanong niya sa akin, still with a smile.

I wish I can still smile like her after this.

Maybe I'll deal with this later.

So I took a deep breath and nodded.

Nilingon ko si Keanna and gave her a smile.

"I'll be fine," sabi ko.

Humarap akong muli sa team ng photographers na papalapit sa amin. Some of them are already setting up everything.

"Anak."

Nakita kong papalapit ang parents ko sa akin. And I suddenly felt guilty. Wala naman akong ginagawang masama pero pakiramdam ko meron. I shouldn't be the one feeling guilty kasi hindi naman ako ang nagtago and I have no idea about it.

My Mommy is already teary-eyed while approaching me. Si Daddy naman ay hindi masyadong nakikitaan ng emosyon but I know he feels something right now.

"Okay ka lang?" Tanong ni Mommy. Maybe there's something on my face kaya panay tanong ang mga tao kung okay lang ba ako. Tumango lang ako bilang sagot.

"We'll head there now. We'll wait for you, okay?" Mom murmured.

Sina Mommy at Daddy ang maghahatid sa akin sa altar. They'll wait for me half-way to the altar. Because as they say, importante pa ring may solo time akong maglakad sa aisle. So I'll be walking and in the middle of the long aisle ay doon ako hihintayin ng parents ko.

Both of them kissed me before they headed back to where they're supposed to be. Samantalang nasa likod ko lang si Keanna at ilang bride's maids ko at nakaalalay sa akin.

Hindi naman ganoon kalayo ang paggaganapan ng ceremony mula sa rest house. Konting lakad lang ang gagawin namin. Plus they put special floors on the venue para hindi kami mahirapang maglakad sa buhangin.

Few minutes and the entourage began. Ilang metro lang ang layo ko mula sa nagsisilbing entrance ng venue. Maraming mga bisita ang naroon na. Ang ilang kasali sa entourage ay nakahanay na rin sa harap ko kaya hindi ko pa nakikita si Blue at hindi niya rin ako nakikita.

I looked around and saw how beautiful the venue is. Sobrang ganda. It was the exact decorations and arrangements I always dreamed for my wedding. I was surrounded with lots of pinks and flowers. And I can also see the happy smiles of our guests.

Hindi ko na napigilang mapaluha. I don't know if it's because of the overwhelming view I am seeing right now or the things I learned about Blue and his ex-wife and child. Naghalo-halo na lahat.

Samantala isa-isa nang naglakad sa aisle ang mga guests. And I should feel excited pero bakit parang wala akong maramdaman? Days ago, I was so thrilled and excited for this day to come pero bakit ngayon tanging sikip sa dibdib lang ang nararamdaman ko?

"Marami na akong nakitang brides na hindi pa nagsisimula sa paglalakad sa aisle ay sobra na ang iyak. Ganoon talaga, Miss Kristy. Let's be thankful at waterproof ang make up niyo," Marielle said. Nasa gilid ko na siya ngayon. She was smiling. Na para bang isa sa pinakamaliligayang araw niya ay ang maka-witness ng wedding.

I'd like to think this is tears of joy. Pero malayo sa joy ang nararamdaman ko ngayon.

Few moments and it was my turn to walk on the aisle.

All eyes were on me. Na para bang hinintay talaga nila ang moment na ito.

I looked ahead and saw Blue standing near the priest. He was smiling at me. Iyong ngiti niyang para bang wala siyang tinago sa akin. He was smiling like nothing's wrong. While here I am, confused and hurting.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi 'nong Levy sa akin.

Blue has an ex-wife.

He has a child.

Nabaling ang tingin ko sa parents kong naghihintay sa akin sa gitna ng aisle. They were smiling while there are tears on their eyes.

Tiningnan ko si Daddy and I couldn't help but shed tears. He's looking at me lovingly. And there's the guilty feeling I'm feeling again.

Lumaki akong may Daddy, na kompleto ang pamilya. And I couldn't even imagine growing up without him. Kailangan ko siya. At nandoon siya habang lumalaki ako.

And when I looked at Blue, I couldn't help but think about his child.

Paano niya nagagawang ngumiti nang ganito gayung alam niyang may anak siyang maisasantabi?

Blue is a responsible man. Nakikita ko 'yon sa tuwing magkasama kami. Alam kong mahal niya ang anak niya. Pero ikakasal na siya sa akin. We'll have our own family soon. At ayaw ko ng kahati. Ayaw kong makihati.

Pero kaya ko bang agawan ng ama ang isang bata?

Hindi kaya ng konsensya ko.

Mahal ko si Blue. Pero hindi ko kayang may isang anak na nasasaktan because his dad has his new family.

Anak rin ako.

Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Wala na akong halos makita kaya napahinto na ako sa paglalakad. I tried to wipe my tears away and when I looked around, I saw everyone with those looks I can't even describe.

Nakita kong papalapit si Blue sa akin.

God, his face.

When I saw his face, I couldn't help but think about the kid.

The kid who needs a complete family.

I tried to compose myself and looked in front. Ilang metro pa ang layo ni Blue mula sa akin when I signaled him to stop.

Tinanggal ko ang belo sa ulo ko saka siya tiningnan nang diretso sa mata.

He stopped on his track. Kahit ang parents ko ay nasa pwesto lang nila, probably confused of what's happening.

My tears continued to fall as I looked at Blue.

Mahal kita, Blue. Kaya kitang ipaglaban. Pero hindi ko kayang may isang batang nasasaktan. The kid needs you more than I do.

Mahal ko siya. Pero hindi sa lahat ng oras ay tamang ipaglaban ko siya.

So with a tear-stained face, I ran away.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon