Chapter 20
Hindi ko kinaya si koya. Muntik na akong mapanganga. Buti nalang ay hindi tuluyang nawala ang isip ko. Pero in fairness naman, he sounds sincere.
"Come on," he mumbled. Ano daw?
"Ano yun?" I asked. May sinabi ba siya? Wala akong narinig. Ganito na ba kalala ang pag-space out ko?
"I mean, talk. Say what you want to say. Because I think something's bothering you. Ano yun?" He stated and I was taken aback. Wow. Ang daldal rin pala ng lalaking 'to.
"Ganyan ba tayo ka-close?" I suddenly said, which made him laugh. Aba, ginawa pa ata akong clown nito.
"Ganyan ka ba ka-straight to the point?" He queried. And why is he even answering my question with another question? Aba.
"Nice ka rin, koya ha?" I blurted out sarcastically. Tinawanan niya lang ulit ako. Nice.
"I don't know why but I find you cute," he suddenly commented. Sandali. Hindi ko ata kinaya comment niya.
Ibubuka ko pa sana ang bibig ko pero tinakim ko rin agad. Wala akong masagot. Buti nalang ay dumating na si Keanna. Thank you naman!
"Naks. You seem close now. Anong ganap?" Keanna whispered. Kunot-noong tumingin ako sa kanya. I saw her wiggling her brows na para bang nang-aasar. I rolled my eyes at her. Isa pa 'to.
"Bago ka mang-echos ng buhay ng iba, isipin mo muna sarili mo, girl. Mamaya na meet up niyo ng parents ni Raymond," I murmured. Bigla ay sumimangot ang mukha niyang kanina lang ay nakangisi.
"Ni-remind mo naman eh. Sinusubukan ko pa namang makalimutan," she mumbled. She then took a sigh and look at me. Akala ko ay nakawala na ako sa kanya. But I was wrong.
"So close na nga kayo?" She whispered again.
"Eh nakipagkaibigan eh," I whispered back.
Nilingon ko si Gelo and he smiled at me. He even smiled at Keanna too. Mukha naman siyang mabait kaya wala naman sigurong problema kung makipag-kaibigan man ako. At least now, aside from Keanna, may iba nang mangungulit sa akin.
--
It was lunch break and ready na akong umalis kasama si Keanna nang may kumalabit sa akin. It was Gelo.
"Can I join you for lunch?" He asked.
"Sure. Walang problema," I replied. Kaya sabay na kaming umalis ng classroom and went somewhere to eat. Buti na lang at hindi umalis si Keanna para sumama kay Raymond. Busy raw kasi since they're finalizing something for their final project. Bilis ng panahon. Parang kahapon lang 'nong nagsimula ang sem.
"What do you want to eat? Ako na bibili since mahaba-haba ang pila," Gelo presented. Napalingon ako sa may counter at marami ngang nakapila. Nakakapagod pa naman tumayo roon. Kaya pumayag na ako saka sinabi sa kanya ang gusto ko. Ganun na rin ang ginawa ni Keanna.
"Is that all?" Gelo asked after we said our orders.
"Yup," Keanna answered. Tumango lang ako sa kanya.
"Okay. Wait for a while ladies. Your order is coming," Gelo murmured before finally leaving. Napakunot na lang ang noo ko sa kanya dahil sa pagka-weird niya. May baliw-baliwan rin palang side 'yon.
Paglaalis ni Gelo sa table at agad akong kinalabit ni Keanna.
"In fairness, mabait naman pala 'yon. Nagkamali lang tayo ng first impression," she said. "Okay. Pasok na siya sa barkada."
"Nagulat nga ako 'nong kinausap niya ako kanina," I mumbled. Nagkwentuhan lang kami sandali. Wala pa ngang 10 minutes ay nakabalik na si Gelo sa table with the orders, which is quite surprising kasi minsan inaabot kami ng kalahating oras sa pag-order.
"Bilis mo ata ah?" I commented after he put the tray on our table.
"Nadala sa charm," he replied, with a smug smile on his face. Ay, mayabang rin.
"Tindi nito. Samahan mo na kami tuwing kainan ha? Para hindi kami magutom," Keanna said jokingly which made him laugh. Umupo na rin siya sa seat beside me and we began eating.
"Nga pala, may girlfriend ka ba? Baka mamaya niyan may sumugod na sa amin dito at sabihing nilalandi namin ang boyfriend niya? Nako, may boyfriend rin ako ha," Keanna said and he chuckled. Nilingon ko siya and waited for his answer.
"Wala. So walang susugod sa inyo," he said smilingly. Napatango na lang ako and continued eating. Si Keanna naman ay napakalaki ng ngisi. Medyo creepy na rin ah.
"Nginingiti-ngiti mo diyan?" I asked. Looks like she has something in mind.
"Wala. May naisip lang ako," she replied hurriedly. Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang patuloy rin ang pang-iinterview ni Keanna kay Gelo. Kulang na nga lang ay magpafill-up siya ng bio-data.
"Mukhang ako ata ang nai-interrogate ngayon ah?" Gelo commented nang mapansing puro tungkol sa buhay niya ang pinag-uusapan. Eh kasi curious rin kami kung saan siya galing at kung paano siya napadpad dito. Mamaya niyan alien pala 'to at naligaw lang dito sa Earth sa paghahanap ng something.
"Keri na 'yon. Ikaw ang bago dito eh," Keanna replied and he chuckled. Mukhang napapadalas ata ang pagtawa niya ah?
Inungkat pa namin ang tungkol sa buhay ni Gelo nang dumating si Raymond at pumasok sa eksena. Pinakilala naming sila sa isa't-isa at maya-maya ay agad nang dumikit sa kanya si Keanna at kumapit na parang Koala. Napangiwi tuloy ako at mukhang napansin pa iyon ni Gelo kasi siniko niya ako at tinawanan.
"Inggit ka?" He teased and I hurriedly shook my head. Syempre hindi! May Blue na ako and even if hindi kami ganyan ka-sweet eh okay na ako. Baka maumay lang ako agad kapag nasobrahan sa sweetness.
"Asus. Kunwari pa 'to," he mumbled.
"Ano namang ikukunwari ko 'no? Eh hindi naman ako naiinggit. Nakakadiri nga silang tingnan. Akala mo naman ilang dekada hindi nagkita," I responded and he laughed again. Ang sipag naman atang tumawa ng lalakeng 'to. Hindi tulad ni Blue na poker face lang, pero keri na.
"Huy narinig ko 'yon ha," Keanna butted in. "Makaalis na nga lang. Nakakahiya naman sayo," Keanna said saka hinila patayo si Raymond.
"Uy saan kayo pupunta?" Agad na tanong ko.
"Maghahanda na ako for later. Kailangan maganda ako pagkaharap sa parents ni Raymond."
"May klase pa tayo uy. Gaga," I murmured.
"Aabsent na muna. Pakisabihan si Prof nagpa-palpitate ako dahil mami-meet ko na parents ng boyfriend ko mamaya kaya hindi ako makakapasok," she answered. "Ikaw na bahala sa best friend kong naiinggit, Gelo ha? Pakainin mo ng maraming sweets para magka-sweetness naman sa katawan. Toodles!" She stated before finally leaving us. Baliw talaga.
"Kita mo 'yon? Kita mo 'yon? Baliw talaga," I mumbled. Nang lingunin ko si Gelo ay nakatitig lang pala siya sa akin habang nakangiti. Ginagawa niya talaga akong center of entertainment niya eh.
"Isa ka pa," I grumbled which made him look away.
"Anong ako?" He asked.
"Ginagawa mo kong center of entertainment mo. Kaya mo siguro ako kinaibigan 'no?" I said and he chuckled again. Hobby niya atang tumawa. Namumula pa siya.
"Hindi ah. Nakakatuwa ka lang talaga. Are you aware you're making someone to be into you just by your words?" He suddenly said na hindi ko inaasahan. At sino naman kaya 'yang someone na 'yan?
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.
