Chapter 39
One whole week. Isang linggo kong hindi kinausap si Blue. Kahit ang pamilya ko at mga kaibigan ay hindi ko kinausap. Ang tanging ginawa ko lang buong linggo ay tumunganga at mag-isip ng susunod na gagawin.
Lagi kong naririnig na nasa labas si Blie at gusto akong makausap but I never gave him the chance to talk to me. Ayaw ko munang makausap siya. Ayaw ko munang makita ang mukha niya. Kasi sa tuwing nakikita at naaalala ko ang mukha niya, nasasaktan ako.
Hindi nga natuloy ang kasal namin. I ran away. Hindi nila ako napigilan. Umuwi ako ng bahay at doon nagmukmok.
I know my parents are angry because of what I did. Marami kaming mga kamag-anak ang lumuwas pa talaga para lang pumunta sa dapat ay kasal ko. Lahat sila ay nag-abala. I don't even know kung anong iniisip ngayon ng parents ni Blue. Siguro ay galit rin sila sa akin kasi iniwan ko ang anak nila sa altar. Though I'm not sure about it.
Ilang beses akong sinubukang kausapin ng parents ko, maging ni Keanna. Pero niisa sa kanila ay wala akong kinausap. Wala silang alam sa mga nalaman ko. But they didn't ask me, or maybe not yet. Hinayaan nila muna akong mapag-isa.
Sobra akong nasasaktan because Blue didn't say anything about it to me. Maybe I was wrong too because I didn't let him explain or whatever. Nadala ako ng emosyon. But for me, it was a good decision na hindi ko muna itinuloy ang kasal. Because what if everything that girl Levy said are true? Paano kung totoong may bata nga akong maaagawan ng ama? Hindi ko kaya 'yon. And I don't want to marry someone who can't say everything to me. Ayaw kong makasal sa taong may itinatago sa akin. I want an honest and open relationship with someone I will be with for the rest of my life.
Now that a week has already passed, I decided to finally talk to Blue. Kailangan ko siyang makausap at kailangan kong marinig ang lahat ng totoo mula sa kanya. Kailangan kong maliwanagan kung bakit niya itinago sa akin lahat ng 'yon o kung totoo ba talaga lahat.
Even if that means knowing the truth and hurting because of that truth.
"Kristy..." Napatayo si Blue nang makita akong papalapit sa kinauupuan niya sa isang restaurant. He looked thinner now. Kita ko rin ang mga eyebags sa ilalim ng mga mata niya. He seemed stressed. And I wouldn't ask why. Alam ko naman kung bakit. We both know why.
Agad akong lumapit at umupo sa upuang kaharap niya.
"What do you want-"
"Sabihin mo sa akin ang lahat."
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Ayaw ko nang mapahaba pa ang usapan na 'to. I want everything to be straight to the point.
"Levy told me she told you everything." Hearing the girl's name caused a twitching pain in my chest.
"Totoo ba lahat?" I asked. Ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko maging ng mga kamay ko pero hindi ko iyon alintana. I was more focused on our conversation na kahit ang mga tingin ng mga taong nandito sa restaurant ay hindi ko na naisip.
Hindi agad nakasagot si Blue and I suddenly felt like crying.
"Yes."
One word and my whole world collapsed.
Nagsitulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kaya agad akong napayuko.
"I'm sorry," he said.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang pangingilid ng mga luha ni Blue. Gusto ko iyong punasan. I don't want to see him cry. Pero hindi ko iyon nagawa. I just stayed still on my seat. Once in a blue moon lang magpakita ng emosyon si Blue. And I hate to see those emotions at a time like this.
"Bakit mo tinago sa akin?" I queried. Akala ko hindi na sasakit ang dibdib ko. Akala ko hindi na ganito kasakit. Hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng malalaman ko. But even if I readied myself, wala iyong epekto.
"I wanted to tell you everything, but I couldn't. I didn't have the guts to tell you," nakayukong sagot niya.
"Wala kang guts to tell me? Pero may guts kang i-pursue ako kahit na may asawa't anak ka na kailangan ka? Sana hindi mo na lang ako ginulo eh. Nananahimik ako. Lumayo na ako sa 'yo pero lapit ka nang lapit."
Nagpatuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Ang akala ko ay hindi ako makakapagsalita kapag nasa harap ko na si Blue. But I just did. Nasabi ko sa kanya ang mga hinanakit ko in the middle of my breakdown.
Inabot ni Blue ang mga kamay ko and he held it tight.
"But I chose you. I chose you because I love you," he said. Hindi ko inalis ang mga kamay ko sa mga kamay niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Gustong-gusto ko siyang hawakan pero hanggang dito lang muna ang kaya kong gawin ngayon.
"Si Levy..." Nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak. "Kamukha ko."
Levy's face flashed in my mind. It was too much of a resemblance.
"Mahal mo pa ba siya?" I asked. It was so hard for me to ask it. Kasi hindi ko kakayanin kung ang sagot niya ay mahal niya pa rin si Levy.
Hindi siya nakapagsalita. Nakayuko lang siya at nakatingin lang rin sa mga kamay namin.
Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. At kasabay 'non ay ang pagsikip ng dibdib ko.
"I love you, Kristy."
"Hindi 'yon ang sagot sa tanong ko, Blue!" Halos pasigaw na sabi ko. Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng restaurant. Pero nawala na ang pakialam ko. I didn't mind those people's stare.
"Tinatanong kita kung mahal mo pa ba si Levy. Oo o hindi lang ang sagot, Blue!"
"I loved her, Kristy. She was my first love. She had my first baby but she lost it. We lost it. She got depressed. Our marriage became a mess. I tried to fix everything. But she said she didn't want me anymore," mabilis na sabi niya.
Natigilan ako. I didn't know about it.
"I gave her what she wanted. But she didn't tell me she was pregnant again. And then I found you. And then she came back and... I love you, Kristy."
Gusto ko sanang maniwala. Ang sarap maniwala na totoong mahal niya ako. Pero hindi nagsisinungaling ang mga mata.
"Mahal mo ba ako kasi ako 'to? O mahal mo ako kasi kamukha ko si Levy at nakikita mo siya sa akin?" I asked. Ayaw kong itanong 'yon sa kanya. Gusto ko na lang itigil na ang usapan namin, yakapin na lang siya at ipatuloy ang kasal namin. But everything's just too complicated.
Hindi siya nakasagot. And that alone, speaks a lot of things.
"Mahal mo pa siya?" Pigil-hiningang tanong ko. "Please. Please be honest this time. Mahal mo pa ba siya?"
I want to slap myself but I want to slap Blue more. How could he drag me into this? How could he dare use me?
Nakita ko ang mariing pagpikit ng mga mata niya and when he finally opened his eyes ay diretso iyong tumitig sa akin.
Saka siya dahan-dahang tumango.
And God.
It hurts.
It hurts a lot.
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
Chick-LitThings happen when it's supposed to happen.
