Chapter 18
"What just happened?" Nanlalaki ang matang tanong ni Keanna. Ni hindi ako makasagot. I was still in shock. Hindi ko alam kung paano magre-react. What just happened?
"Girl, may namumuo ba?" Bulong ni Keanna sa may tenga ko na nagpagising at nagpabalik sa akin sa huwisyo.
"Ano ba, wala!" I almost shouted. Napatingin tuloy sa akin ang mga taong nasa paligid namin. Double kill.
"Shet, so narinig nga talaga tayo?" She asked.
"What do you think?" I replied sarcastically. Agad akong napalunok. Mukhang wala na ata akong mukhang maihaharap sa kanya at sa mga kaklase kong naka-witness ng nangyari kanina. Ano na naman ba itong gulong pinasok ko?
"Baka isipin 'non bet natin siya," Keanna murmured.
"Neknek niya! May Blue na ako!" I lashed. Masyado naman atang makapal ang mukha niya kung isipin man niyang bet namin siya. In fact, may Blue na ako and I already thought of saying him what I really feel. Ayaw kong malipasan ng panahon kasi baka wala nang mangyari. Naniniwala kasi ako na kapag gusto mo, dapat mong gawin lahat para makuha ang kung ano man 'yon.
And I know I want Blue.
"May Raymond na rin ako, ano!" She hurriedly said.
"Let's just forget what happened," I said, full of confidence and my chin up. "Tara na sa caf," I said and she followed. There's no use in thinking about that Gelo. He's just some random guy who wants to be a part of my dilemma.
Habang papasok ng cafeteria ay natanaw ko ang isang lalaking mag-isang nakaupo sa isang table sa sulok habang kumakain ng pasta. Tae, pati dito ba naman?
"Oh my," I heard Keanna uttered. Sigurado akong nakita niya rin ang nakikita ko. "What are we gonna do?" She asked.
"Nothing. We don't have to do anything, Keanna. Let's show him we're not guilty," I said. Tama. Dapat ipakita namin sa kanya na hindi kami naaapektuhan sa presensya niya. Dapat ipakita namin na hindi kami guilty and that we didn't do anything wrong.
"So we're staying here?" She asked, confused.
"Exactly," I answered.
"Ehhhhh. Girl, I feel anxious na nga about sa meet up namin ng parents ni Raymond tapos idadagdag pa natin iyang isang 'yan," she stated.
"Eh kung hindi ka lang naging madaldal, edi sana wala tayo sa sitwasyon na 'to," I told her. Ang daldal niya kasi. Kaya ayan, dumaldal rin ako. Ayaw rin kasi papigil ng bibig na 'to minsan eh.
"Aba, kung makapagsabi ka namang madaldal ako eh ikaw nga itong tanong nang tanong ng mga bagay na tungkol sa kanya. Sinagot ko lang naman ang queries mo, ano," she rebutted.
"Okay, okay. We're both at fault here. So wag na tayong magsisihan," I just said. Inilibot ko ang mga mata ko para maghanap ng table na bakante. And when I saw one, it was just a few meters away from that guy Gelo. It won't hurt to sit on that table, would it?
Hinila ko na si Keanna na dada pa rin nang dada. Nang makarating sa may table ay pinuwersa ko na siyang maupo sa upuang nakaharap kay Gelo. Nanlaki pa ang mga mata niya at sinubukang tumayo para lumayo but I was able to stop her.
"Stay put," I said in gritted teeth. Aba, hindi siya pwedeng tumakas at iwan akong nag-iisa dito. Pareho kaming may ginawa kaya kami napunta sa ganitong sitwasyon. We should be together in surpassing this.
"Wag na wag kang aalis diyan," I said. Kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang manatili sa upuan niya.
"Order lang ako. Dito ka muna para walang makakuha ng table natin. Saka ka na mag-order pagkatapos ko," I instructed. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumayo na sa kinauupuan ko para mag-order ng pagkain.
After ordering ay agad na akong bumalik sa table. Syempre, dahan-dahan lang akong naglakad. Kahit naman pinapakita ko kay Keanna na matatag ako eh natatakot pa rin ako. Ugh. Paano ba kasi kami napunta sa sitwasyon na 'to? And what are we doing? Para kaming mga batang binabantayan ang mortal enemy namin. So childish but whatever.
"Order ka na," I said to her. She stood up from her seat. Hindi pa man nakakaalis ay nakita kong papasok si Raymond ng caf na ikinasaya ni Keanna. She hurriedly ran to her boyfriend and hugged him like she never saw him for years. Lakas maka-PDA ng mga 'to.
Nilingon ako ni Keanna and grinned at me.
"We're eating somewhere else," she said at hindi pa man ako nakakapagsalita ay iniwan na nila ako. My eyes grew wide. Shet. This is trouble.
Before I could even react, naramdaman kong may umupo sa upuang nasa tabi ko. Sinasabi ko na nga ba eh.
Dahan-dahan kong nilingon 'yon at hindi nga ako nagkakamali. He smiled at me... teasingly.
"Shet, may klase pa pala ako," I mumbled as I hurriedly stood up from my seat and ran away.
Nang makalayo sa caf ay doon palang ako nakahinga. Para akong criminal na hinahabol ng mga pulis. Ugh. And because of that, I wasn't able to eat my lunch at dumiretso na lang sa susunod na klase.
Pero kung minamalas ka nga naman, I think he took every subject I have at talagang magkaklase kami sa lahat ng subjects ko. But I made sure I sat away from him. Shet talaga.
Matapos ang klase ay para pa rin akong criminal na hindi mapakali dahil baka nasundan ng mga pulis. Nakaka-paranoid.
Lingon ako nang lingon kung saan. At ganun na lang ang gulat ko nang mabangga ako.
"Blue?" I almost shouted. Thank God it was him.
"Are you okay?" He asked. I sighed in relief. Thank you po Lord!
"Okay lang ako. Ba't ka nandito?" I asked.
"I need a company," he answered. Company. Sige lang. Go ka lang nang go, Kristy. Kahit pa kainuman ang hanap niya ay wag ka nang mag-inarte at gora ka na.
"Okay," was all I said.
He took me somewhere. Nang makababa sa kotse, that's when I recognized where we are.
It's the place we went together on our first meeting.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko. He was just standing there, his hands on his pocket. He was staring at the night sky at parang may malalim na iniisip.
Hindi niya ako sinagot and that's when silence invaded us.
Ilang minutong katahimikan at ni wala man lang sa amin ang nagsasalita. But I find it very comforting sa hindi malamang dahilan.
Maybe this is the right time to say what I want to say.
I took a deep breath and looked at him.
"I'm starting to have feelings for you, Blue," nahihiyang sabi ko. Napapikit pa ako matapos sabihin 'yon. First time kong magkagusto sa isang lalaki and I never thought I'll be the first one to confess, sounds odd but who cares?
Ngunit hindi niya ako sinagot... which crushed my heart into tiny little pieces.
-
Merry Christmas! :)
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.
