Chapter 37
"Sino ka?" Agad na tanong ko. Hindi ko siya kilala. Kapatid ko ba siya? Ito ba 'yong moment na malalaman kong may kapatid ako sa labas? Bakit iba sa pakiramdam?
Ilang segundo rin kaming nagtitigan na para bang wala sa amin ang gustong magsalita. Kaya minabuti ko nang basagin ang katahimikan.
"You're Kristina, right?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. "I'm Levy," pagpapakilala niya. Iniabot niya pa sa akin ang kamay niya for shake hands pero tinitigan ko lang 'yon. She then smiled awkwardly at me saka binawi ang kamay.
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Kinakabahan na tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong pakay niya.
"Can we talk?" Tanong niya. Napansin ko ang pagtingin ni Marielle, the assistant organizer sa wrist watch niya.
"Sorry pero ikakasal kasi ako ngayon. Wala akong oras para makipag-usap," mataray na sagot ko. Hindi ko alam pero kusang nagtataray ngayon ang katawan ko. Tatalikod na sana ako pero agad siyang nagsalita.
"About that," mabilis na salita niya. "This is important. Please," she pleaded. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, nakakunot ang noo.
"Five minutes," agad na sabi ko. Napansin ko ang pagtingin niya sa kay Keanna at Marielle.
"Pwede bang tayo lang dalawa?" Tanong niya sa mahina na boses. Napabuntong-hininga na lang ako saka tumingin kina Keanna at Marielle, the assistant organizer. Pareho ko silang tinanguan. Naintindihan naman nila iyon kaya sabay silang umalis sa amin though Marielle reminded me again na magsisimula na ang ceremony so I have to be quick.
Nang makaalis ang dalawa ay pinapasok ko sa kwarto 'yong Levy at doon kami naupo.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," simula niya. "Si Blue." Pagbanggit niya pa lang ng pangalan ni Blue ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Anong kinalaman ni Blue dito? Is there something I don't know? At talagang sa araw ng kasal ko pa malalaman?
"He's my ex husband," dagdag niya. Parang may kung anong kirot akong naramdaman dahil sa narinig ko. Totoo ba ang sinasabi niya?
Ex husband? May asawa si Blue? And I didn't even know anything about it? Hindi niya sinabi sa akin. And not telling is close to lying.
Hindi agad ako nakapagsalita. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. I tried uttering a word pero walang lumalabas sa bibig ko.
God, bakit masakit?
"I'm so sorry for telling it now. Ayaw ko namang magulo ang kasal niyo, but I couldn't take it anymore. May anak kami, Kristina."
Ang kaninang masakit kong dibdib ay mas lalong sumakit ngayon.
Of all the things na pwede kong malaman, bakit ito pa? Pwede namang kapatid ko na lang siya. Mas matatanggap ko kung anak siya ni Mommy o ni Daddy sa labas. Mas matatanggap ko kung kadugo ko pala siya at ngayon ko lang nalaman. But why this? At bakit sa lahat ng panahon ngayon pa na handa na akong mangako na makasama si Blue for the rest of my life?
Bakit niya tinago sa akin? Why? And he has a child?
"I'm so sorry," I heard Levy said. I couldn't see her face kasi nakayuko na ako ngayon, my tears falling non-stop.
"Sorry kung ngayon mo lang nalaman. Sorry kung ngayon pa kung kailan araw ng kasal mo. Sorry ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sa 'yo. But my child is sick, Kristina. Hindi ko kayang makitang lumalaban siya sa sakit niya without his dad. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan tapos ang daddy niya may bago nang pamilya," she said. This time, she's also crying. "Kasalanan ko because I didn't fight for him before. Pero gutso ko ulit mabuo ang pamilya namin, Kristina. Please."
Wala akong masabi. Hindi ko alam anong gagawin. Everything I just knew is too much. Parang ayaw mag-sink in ng lahat sa utak ko. It's like my brain is rejecting everything. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya.
But a child is involved here. Kaya ko bang makipag-kompetensya sa isang bata? Sa isang anak?
But she's an ex now! Kung may pananagutan man si Blue, iyon ay ang anak lang nila. Wala na sila. And she should not be here begging for me to give up on Blue. Ayaw niya palang mawala pero bakit hindi niya ipinaglaban?
Hinawakan niya ang mga kamay ko and cried in front of me.
"Kristina, please. I know you have a good heart. This is the only chance left for me to fix my family," umiiyak na saad ko.
Nang marinig ko ang sinabi niya ay bigla na lang akong natawa saka binawi ang kamay ko mula sa kanya.
"Your only chance left? Wala nang chance. Ako na ang pakakasalan niya. Whatever is between the two of you, it's over. Kasi ako ngayon ang pakakasalan niya," nanginginig na sabi ko.
Tama. Ako na ang papakasalan ni Blue. Ako ang pinili niya. There's no way I would let this girl ruin whatever Blue and I have.
"Are you sure pakakasalan ka niya because he loves you?" She suddenly said. Nabigla ako sa sinabi niya pero agad naman akong nakabawi.
"Mahal niya ko kasi ako ang papakasalan niya."
"Hindi ibig sabihin pinakasalan ka, mahal ka na. He's just using you, Kristina. You should wake up."
"Anong ibig mong sabihin?" Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Ang sikip-sikip na ng dibdib ko.
"He's just marrying you because he thinks he loves you kasi magkamukha tayo. Don't you see it? Pero hindi Kristina. I am the one he loves. Hindi ka niya mahal."
Nagsitulo muli ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahikbi na lang.
"Hindi niya magagawa sa akin 'yan. Blue loves me," matigas pa rin na sabi ko kahit na ang sakit-sakit na ng dibdib ko.
"I hate to say this but Kristina, wake up! He's just using you because he's not over me yet."
"Ikaw ang gumising!" Halos pasigaw na sabi ko. "Panira ka eh. Ang kapal ng mukha mong pumunta dito."
Nakita kong parang natigilan si Levy. May kung ano akong nakita sa mga mata niya. Guilt? I don't know.
"Babae rin ako, Kristina. I don't want you to suffer kaya sinasabi ko sa 'yo ang lahat. Hindi ko intensyong sirain ang kasal mo. Pero may ipinaglalaban rin ako," she said.
Pareho kaming napalingon ni Levy nang may kumatook sa pinto at sumilip si Marielle.
"Miss Kristina, late na po kayo sa ceremony. Naghihintay na po sila," Marielle said.
Mahal ko si Blue. He found me. We both found each other. At hindi ako papayag na masira kaming dalawa.
That was my cue to say something to Levy. Kaya nilingon ko siya.
"It's too late, Miss Levy. Wag mo nang ipaglaban ang kung ano man. Kasi nahuli ka na nang dating," I said.
"May anak siya, oo. Kaya kong tanggapin 'yon because I love him. At ipaglalaban ko siya," I murmured before I left the room and her crying.
--
How's the update? Say something po. Wag lang masyado harsh. Hehe :)
-Eessa

BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.