Chapter 6
We're already on our way to my dorm. At kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko. Kinikilig kasi ako. Ewan. This is new to me. Hindi ko kasi makalimutan ang mga sinabi niya kanina. Para akong kinikiliti.
So, may boyfriend na pala ako. Damn. Ganito pala ang feeling? Wala mang ligawan na nangyari kasi diretso agad sa churvahan, hindi ko pa rin maialis sa isip ko yung mga sinabi niya. My gosh! Daig ko pa ang kiniliti eh.
"What's with the smile?" He suddenly asked. Agad akong napatingin sa direksyon niya. Nakatingin lang siya sa dinadaanan namin at ang expressionless talaga ng mukha niya.
"Wala. May naalala lang ako," sagot ko.
Bigla ko na lang naalala ang damit na suot ko ngayon. Okay lang naman sigurong magtanong?
"Uhm... Blue,'' I muttered.
"Hmm?"
"A-ano kasi..."
"If it's about the dress and underwears, it's okay. Sayo na 'yan," sabi niya. Binibigay niya na ba sa akin 'to kasi marami naman siyang ganito?
I suddenly smiled. Siguro kailangan rin niya ng girlfriend para pagtakpan ang kabaklaan niya. Kaya siguro nakipagdeal siya.
"Kunwari ka pa Blue ha?" Nangingiting sabi ko. "Siguro kaya ka pumayag na maging boyfriend ko para hindi mahalata ng iba."
"What?"
"Wag kang mag-alala. Your secret is safe with me," I said then giggled. Sayang. Kinilig pa naman ako sa banat niya sa akin kanina. Pero keri lang.
"What are you talking about?"
"Alam mo ikaw, ang in denial mo. Why hide your real self? Dapat proud ka sa sarili mo, loud and proud."
Hindi na sumagot si Blue. Kaya nilingon ko siya. At nakita kong kunot na kunot na ang noo niya.
"Come on, Blue. I know why you have these dresses in your closet. May mga underwear ka pa nga na pangbabae eh. It's because you're gay," I stated and he suddenly step on the brakes. Muntik na akong tumilapon! Buti na lang at naka-seat belt ako.
"Ano ka ba naman, Blue?! Dahan-dahan ka nga. Muntik ng lumabas sa katawan ko ang ovaries ko! Pag ako hindi nagkaanak, hahanapin talaga kita at ipapa-salvage!" Sigaw ko. My gosh. Baka hindi pa ako makauwi nang buhay sa dorm.
"I'm gay? Who told you?" He asked. Mukhang nagalit ata kasi na-discover ko ang secret niya.
"Nalaman ko lang. But don't worry, hindi ko naman sasabihin kahit kanino," I said.
"What the hell," he mumbled and I smiled sheepishly at him.
"Hindi ko naman ipagkakalat. Atin-atin lang 'to-"
I wasn't able to finish my sentence because he kissed me. He kissed me, so hard that I couldn't breathe. Pero kahit na halos mawalan na ako ng hininga ay okay lang because his lips just tastes so good. Parang ayaw ko na lang huminga at mas gugustuhin ko na lang na halikan siya. Tae. Ang landi.
He parted our lips after a few seconds. At para namang tumutol ang buong sistema ko. He's now staring at me intently. Parang gusto ko tuloy matakot.
"B-bakit?" I queried. Masyado pa rin kasing malapit ang mukha niya sa akin. Konting galaw, pwedeng magkadikit ulit ang mga labi namin. Para namang hindi pa ako nahahalikan. Tae. Pa-demure ako masyado.
"Is that enough to prove to you that I'm not gay?" He asked and I raised a brow at him.
"Hindi ka talaga bakla?" I asked.
"Why do you say so?"
"Eh kasi nga ang dami mong damit pangbabae sa closet mo. Tapos sino namang gagamit 'nun eh ikaw lang naman nakatira doon?"
"Tss. Stupid,'' he grumbled. Sa wakas ay inilayo na niya ang mukha niya sa akin.
"Excuse me? I'm not stupid!" I lashed. Kung maka-stupid naman 'to, parang genius.
"Those dresses aren't mine. Some of my girls left those so I just kept it," he replied at napanganga naman ako. Grabe. Ganun na ba karami ang naiuwi niyang babae? Kasi marami talagang dresses ang nandoon!
"Taray! So marami ka na talagang naiuwing babae ha?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Nakakaloka. Hindi lang pala ako.
Hindi niya naman ako sinagot. He just started the engine and the car roared to life. Kaya tumahimik na rin ako, baka kung ano na naman ang masabi ko. Baka hindi lang halik ang makuha kong prize, I mean, punishment pala.
Pagkarating sa dorm ay agad akong nagpaalam kay Blue saka tumakbo papasok sa loob. Bigla akong nataranta. My God! Malapit na akong ma-late!
Keanna saw me entering the lobby and she was about to approach me pero inunahan ko na siya.
"Wag muna ngayon, Keanna. Mali-late na ako! Mamaya na ang interrogation!" I mumbled.
Nagmadali agad akong pumasok sa kwarto at nagbihis. After more or less 30 minutes ay natapos na ako sa pag-aayos ng sarili. Tinakbo ko na naman ang palabas sa dorm at naabutan ko pa si Keanna.
"Bakit ka pa nandito?" I inquired. Nakaupo lang kasi siya sa sofa sa lobby at naglilinis ng kuko.
"At ikaw? Bakit ka naka-uniform?" She asked back and I glared at her.
"Bakit hindi ka pa nakabihis? Mali-late na tayo!" I muttered.
"Bakit naman ako magbibihis? Eh wala naman akong pupuntahan. Walang pasok ngayon!" She replied at para akong binagsakan ng napakaraming debris. Halos mawalan na ako ng hininga kakatakbo tapos walang pasok?!
"Paanong wala?" Tanong ko. Napaupo na lang ako sa sofa kasi nanginginig na ang mga tuhod ko.
"Di mo na-receive ang text ko? I forwarded the Bloc Leader's text saying walang pasok ngayon," she said. Agad ko namang kinuha ang phone sa bag ko at hindi ko nga nabasa. Ang tanga Kristy, ang tanga.
"Crap," I grumbled. Masyado kasi akong nagpadala sa mga nangyari kagabi.
Ibinalik ko ang tingin kay Keanna and she's now staring at me intently. Mukhang alam ko na kung ano ang kasunod nito.
"Now, tell me what happened last night," seryoso niyang sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
Well, gaya mo, hindi na ako virgin.
Tiningnan ko lang si Keanna. Sasabihin ko ba?
Gosh, ang landi ko kasi. Hindi ko rin napigilan ang kati.
I was biting my lips while staring at Keanna. And suddenly, biglang nag-flashback lahat ng nangyari kagabi. His touch, his kisses, his... his everything. Parang hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang mga halik niya.
And I suddenly felt the sore down there.
Tangna. Hindi na nga talaga ako virgin.
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.
