Chapter 5

8.5K 210 6
                                        

Chapter 5

Palihim akong ngumingiti habang inaamoy ang kili-kili ng natutulog na si Blue. Ang bango-bango kasi! Parang baby. Kahit hindi na siya maligo ay keri na.

Hindi ko mapigilang mamula dahil sa pinaggagawa ko. Ang baboy ko na ata. Dagdagan pa 'yung nangyari. Jusko. Nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

Dahan-dahan kong inalis ang kaliwang kamay niya na nakapulupot sa may tiyan ko. 'Yung kanang kamay niya naman ay hinihigaan ko. Hindi ba siya nangangawit dahil sa pwesto na 'to?

Bago ako tuluyang tumayo ay pinagmasdan ko muna ang gwapo niyang mukha. And I can't help myself from smiling. Ang gwapo niya kasi. Tapos ang peaceful pa ng mukha niya.

Dahan-dahan na akong bumangon. At muntik na akong makasigaw nang makita ang sarili ko. Wala pala akong ni isang damit na suot. Patay. Tapos naalala ko pang hindi ako nakauwi kagabi at naka-uniform pa ako. Ang sagwa naman atang umuwi nang naka-uniform kaya lumapit ako sa closet niya para maghanap ng damit na pwede kong suotin. Kahit 'wag na akong mag-underwear, hindi naman siguro mapapansin. Pero nang buksan ko ang closet niya ay nagulat ako. May mga dress kasi ng babae. At may mga underwears pa. Di kaya... Bakla si Blue?!

Napatakip ako ng bibig dahil muntik na akong sumigaw dahil sa mga tumatakbo sa isip ko. Pero kung totoong bakla siya, bakit ang galing niyang humalik at chumurva?

Gosh. Ano ba itong pinasok ko? Bakla pa ata ang nabigyan ko ng virginity ko. Parang gusto ko tuloy magsisi. But by merely thinking about how he was able to give me pleasure gave me enough reason not to regret. Keri lang kahit bakla siya. At least may ano siya.

I shrugged it off my mind at namili na lang ng underwear at dress na susuotin. And after choosing what to wear ay dumiretso ako sa bathroom at pinakialaman muna ang gamit niyang pangligo. Pero in fairness ha, puro panlalaki ang gamit niya dito sa bathroom. At all blue pa. Lakas makamahal sa pangalan ah.

Habang nagsasabon sa katawan ay bigla ko na namang naramdaman ang mga halik niya sa likod ko. Nakakaloka. At nararamdaman ko rin ang mga haplos niya sa dibdib ko. My gosh ha, nag-iinit na ako dito sa bathroom. Nakakalurks talaga ang aking imagination at mukhang totoo.

I opened the shower para magbanlaw at matanggal naman itong init na nararamdaman ko. But heck, parang may humawak sa ano ko.

I looked down there at napasigaw ako nang may makita akong kamay. Pinalo ko ito kaya napalayo ito mula sa ano ko. At nang lumingon ako ay nakita ko ang mukha ni Blue.

"Pucha, Blue! Pati ba naman dito sa bathroom ay chuchurvahin mo ako?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"You left the door open and I was about to take a shower. But then I saw you fully naked, that's why," walang kabuhay-buhay niyang sagot.

Nakakaloka. Nakakita lang ng nakahubad, mang-aano na.

"Ang perv ha! Umalis ka nga muna," pagtataboy ko sa kanya.

"Maybe we can shower together," he said, smirking. Tae na. May shower together pa talaga siyang nalalaman. Ano siya? Nagtitipid ng tubig kaya makikisabay maligo? Echosera siya ha.

"Ladies first! Ako muna ang maliligo kasi may klase pa ako. Ang hilig mo talaga," I grumbled habang tinutulak siya palabas ng bathroom.

Hindi ko ata keri 'yung may ibang naglilinis ng katawan ko.

Itinuloy ko na lang ang pagliligo at nang matapos ay ibinalot ko kaagad sa katawan ko ang towel na nandito.

Pagkalabas ko ng bathroom ay hindi ko nakita si Blue sa loob ng kwarto niya. Nasa loob kasi ng kwarto niya itong bathroom na niliguan ko. Nagtaka naman ako kung bakit siya wala. At dahil wala naman siya ay tinanggal ko na lang ang towel sa katawan ko para makapagbihis ako nang maayos.

Matagumpay ko namang naisuot ang bra at panty na nakuha ko sa closet niya. Ang dress naman ngayon ang isusuot ko.

I was about to zip the dress pero hindi ko maabot. Nasa likod kasi ang zipper eh pwede namang sa gilid na lang.

"I can help you," I heard Blue said. Nilingon ko siya and oh, nakaligo at nakabihis na siya. May CR ata sa labas. Di ko kasi napansin kagabi kasi diniretso ako agad ni Blue sa kwarto niya. Ni hindi niya man lang ako hinayaang i-explore ang condo niya. Masyado ata siyang naging excited.

I raised a brow at him. He will help me zip the dress? Eh baka hubarin niya pa.

"Baka matagalan ako. Instead na i-zip mo, baka i-unzip mo pa," I mumbled. Ang halay ng lalaking ito.

"No, I won't. But since you gave me that idea, why not?" He said. Kita mo na? Ang halay talaga eh!

"Naloloka ako sayo, alam mo ba? Masyado kang addict!" I murmured pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin habang pinipilit ko pa rin i-zip ang dress.

Narinig ko siyang nag-tsk and the next thing I knew ay siya na ang nag-zip ng dress ko.

"Why do you girls keep on complicating things?" He suddenly muttered and I was shocked. I just stared at him and I wasn't able to answer. Saan niya nahugot 'yon?

"Breakfast is ready. Eat before you leave," he said saka lumabas ng kwarto.

Hindi agad ako nakakilos. Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko.

Why do you girls keep on complicating things?

Bumenta talaga sa akin yung hugot na 'yon. In fairness, pwede niya yung i-tweet with #WhoGoat.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. And just like what Blue said, nakahanda na ang pagkain sa mesa. Kaya umupo agad ako at nagsimulang kumain.

Marunong pa lang magluto itong si Asul.

Nakita kong pumasok ng kwarto si Blue. Napansin niya kayang kinuha ko itong damit niya? Siguro. Pero hihiramin ko lang naman 'to. Isasauli ko rin naman.

Hindi ako sanay kumain nang mag-isa kasi nasanay akong kasama ko si Keanna. Pero keri na rin kasi gutom ako.

After eating ay iniligpit ko muna ang pinagkainan ko at hinugasan. Baka sabihin niyang nagbubuhay prinsesa ako. Napansin ko ring walang kahit ni isang katulong akong nakita. Mag-isa lang dito si Blue? So siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay?

Bigla namang nag-flash sa utak ko ang naka-topless na si Blue habang naglilinis. In all fairness, ang hot niya. By merely imagining it, I giggled. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Nakakalurks to the highest level.

Matapos hugasan ang mga pinagkainan ay napagpasyahan ko nang umuwi. Sa dorm pa ako uuwi kasi magbibihis pa ako ng uniform at papasok sa school.

Kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Blue at nagulat naman ako nang lumabas siya. Naka-office attire na kasi siya, as in naka-suit.

"Yes?" He queried.

"Uhm.. Uuwi na kasi ako. Magpapaalam lang," I answered.

"Ihahatid na kita."

"Nako, 'wag na. Magta-taxi na lang ako."

"I insist."

"Kaya ko namang umuwi 'no. You don't have to drive me home."

"Look, I'm just trying to be gentleman here. And as far as I remember, you're asking for a boyfriend," he stated.

"Oh tapos?"

"I'm just doing my job as a boyfriend," he replied at nalulon ko ata ang dila ko dahil wala akong maisagot.

Seryoso ba ito, Lord?!

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon