Chapter 16

4.5K 96 6
                                        

Chapter 16

Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na lang ako. But this tiredness I feel is something different. Para bang kahit napagod ako ay masaya pa rin ako.

I spent the day at his condo. Kanina ay nakatulog ako with him beside me. But when I woke up, I couldn't find him on the bed. Maybe he went to the bathroom to shower. Kaya pumunta ako sa bathroom to look for him kaso he wasn't there. I went to the kitchen because I thought nandoon lang siya at nagluluto ng pagkain para sa aming dalawa pero wala rin siya doon. What do I expect? Syempre hindi naman siya mag-aabala nang ganun for me. Asa ka pa, Kristy.

Lumapit ako sa ref para sana uminom ng tubig nang makita ko ang note na naroon.

I went to work. Go home and take a rest.

Para sa akin ba ang note na 'to? Wala naman kasing nakalagay na pangalan. Malay ko ba kung may iba siyang sinulatan nito. Marami na pa naman siyang dinadala dito. At ang sakit pa namang mag-assume.

But still, nag-assume pa rin ako na para sa akin 'yon kaya matapos kong uminom ng tubig ay nagbihis na ako at umuwi ng dorm.

I made it. Nagawa ko ang gusto kong gawin. Hindi ko nga lang alam kung matatapos na ba roon ang gulo sa isip ko. I know I might made a terrible mistake pero siguro naman may patutunguhan ang kung ano mang nangyayari, hopefully. Because right there, I know I'm in love with him and there should be a future for us. Sabi nga nila, there's always a way. Kung ayaw man ng tadhana, aba, pipilitin ko. Hindi naman siguro masamang sumubok.

I took a deep breath and decided to chase him until he falls for me. Mangyayari iyon. Nararamdaman ko.

"Kristy, ano na naman ba ang ginawa mo?" Salubong sa akin ni Keanna. Alam kong nag-aalala lang siya para sa akin kaya ganito siya kung umasta. And I totally understand. Kung ako man ang nasa posisyon niya, iyon rin siguro ang gagawin ko. Of course I love my best friend.

"I just did what I think should I do, Keanna," I said with a smile.

I am not really proud of what I did. Alam kong labag 'yon sa utos ng Diyos. I should preserve myself until marriage. Pero dumating si Blue. At binago niya ang lahat.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Keanna.

"Sana okay ka," sabi niya.

Ano man ang meron kami ni Blue ay hindi gaya ng kung anong meron sina Keanna at Raymond. Unang tingin pa lang sa kanila, alam mo nang totoo ang pagmamahalan nila samantalang sa amin ni Blue, I doubt it would be mutual. But who cares about mutual feelings? Sa panahon ngayon, hindi lahat ng ikinakasal ay may mutual feelings. I know I sound immature and illogical pero ito lang ang alam ko. He should be with me. Kasi nararamdaman kong para ako sa kanya at para siya sa akin.

"I'm okay. Wala kang dapat ipag-alala," I told her, kahit na hindi ko alam kung okay nga ba ako. Kung hindi man, I'll be fine eventually. I just need for this to work out.

"Kristina," sagot niya habang mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong nag-aalala ka. But please, let me handle this," I said.

"Sure ka okay ka?" She asked once again.

"Oo nga," I said as I wish for Blue and I's relationship to be like Keanna and Raymond's.

She then finally let it go and we went upstairs together.

"Lalabas kami ni Raymond mamaya. We'll do some shopping. Kasi naman I need a new dress for this weekend. Napa-paranoid na nga ako. Sama ka?" She queried.

Yeah. Makikilala niya na ang parents ni Raymond. Medyo maaga pa pero I could feel what they have is real. Kaya wala naman siguro akong dapat ipag-alala.

"Wag na siguro. Quality time niyo na 'yon together. At saka, tatawagan ko si Blue mamaya. Baka kasi lalabas rin kami," I said. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salitang 'yon. Siguro nga desperada na ako. Pero gaya ko, I know some of the people would do anything for love.

Matapos kong sabihin iyon ay agad nagsalubong ang kilay ni Keanna and stared at me like I did something wrong.

"Tell me what happened," she suddenly said.

"Anong what happened?" I questioned kahit na alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Nararamdaman ko pa nga ang pag-init ng pisngi ko.

"Okay. I'll get this straight. Did you have sex?" She intrigued and my eyes grew wide. May naiwan bang bakas si Blue sa katawan ko para malaman ni Keanna na may nangyari sa amin? At bakit parang hindi na awkward sa kanya ang pag-usapan ang mga ganitong bagay?

"Ha? Ahh.. W-wala. We just talked..."

"And kissed and got naked and had sex?" Pagputol niya sa sagot ko. Mas lalo pang nanlaki ang kanina pang nanglalaking mata ko.

"Ano ka ba, Keanna. Anong pinagsasabi mo?" I said, still denying it. Kasi naman nakakahiya. Baka pa isipin niyang ang cheap ko kasi ako ang nagsimula.

Which is really cheap. Shocks! Ako nga pala ang nagsimula!

"Asus. Magkakahiyaan pa ba tayo?"

"Kasi naman wala. Walang nangyari."

"Stop lying."

"I'm not lying."

God, I'm having a hard time convincing her.

"Wag kang sinungaling. Hindi ka pinalaki nina Tita na sinungaling. Masama 'yan. You know that," she mumbled which reminded me of the good character education my Mom taught me, which I didn't apply this time. My mom will surely get mad at me kapag nalaman niya kung ano man itong pinaggagawa ko.

"Okay, okay. Oo na! May nangyari," I finally said. Agad nag-iba ang facial expression niya.

"Was it good?" tanong niya na nagpainit na naman ng pisngi ko.

"Keanna!" I shouted then she laughed. Akala ko pa naman pagagalitan niya ako. Ang seryoso kasi ng 'mukha niya kanina. Earlier there was a tension tapos suddenly bigla na lang naging ganito ang mood.

"What?" She queried in the middle of her laughter.

"Akala ko pagagalitan mo ako," sabi ko habang nakayuko.

"Hello? Bakit naman kita pagagalitan eh mas nauna nga ako sayo 'no. Wala akong ipapangaral sa 'yo kasi pareho lang naman tayo."

"Hindi ka talaga galit?"

"No, I'm not. Nag-alala lang ako sayo. Hindi naman kasi biro ang pinagdaanan mong wet dreams," she grumbled and then laughed again.

"Keanna!" Nahihiyang sigaw ko. When will this end? Nahihiya na ako sa sarili ko.

"Sorry, sorry. I just can't help it," she answered as she tried to stop herself from laughing. "But it was good, wasn't it?"

"Yeah. It was good. It was good and I think I'm already used to it" I admitted to her, and to myself.

And I guess this would keep on happening.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon