Chapter 8

7K 208 8
                                    

Chapter 8

I tried to erase the thought away in my mind. Ayoko nang isipin because the more I think of it, the more it brings pain to my chest. Naks.

Bakit ganito ang nararamdaman ko gayung wala naman akong nararamdaman para kay Blue? I can't have feelings for him kasi kakakilala ko lang sa kanya, hindi ko nga siya ganun kakilala.

"Awww kawawa ka naman baby Kristy," Keanna teased. I rolled my eyes at her.

"Tumigil ka!" I hissed as I stood up. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin. Makauwi na nga lang sa dorm. Baka makita ko pa ulit si Asul dito.

Naglakad lang kami pauwi ng dorm. Tahimik lang ako habang salita naman nang salita si Keanna. Gusto ko pa naman sanang makapag-isip-isip pero ginugulo ni Keanna ang sistema ko. Kaya hindi na rin naging mapayapa ang paglalakad ko.

Pero ano ngayon kung may girlfriend si Blue? Wala akong pakialam. Bahala siya sa buhay niya!

Pero a part of me was really hurt by that thought. Siguro iyong ego ko ang nasaktan. At siguro dahil iyon sa may girlfriend yung lalakeng nakakuha ng virginity ko. Ang tanga ko kasi! Ang gaga ko! Napaka-uto-uto ko!

"Kristy!" Bungad ng isa kong boardmate pagkapasok ko sa lobby.

"Oh?" I asked. Masyado akong pagod para mag-entertain ng kung ano.

"Ay, sungit naman," he commented. "May nagpapabigay nga pala oh," he said at inabot sa akin ang isang large cup of Mocha Frappe na may tatak ng coffee shop na kinainan namin kanina.

Binasa ko ang note na nakadikit dito. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mabasa ang nakasulat dito.

Parang may kung anong kumiliti sa loob ng tiyan ko. Kinikilig ako!

"Salamat!" Sabi ko sa nag-abot sa akin ng kape. Agad akong tumakbo papunta ng kwarto at halos magtatalon rin ako sa kilig.

"Huy Kristy! Ano yan? Chika!" Sigaw ni Keanna na nakasunod sa akin.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay tumili agad ako kasi para na akong sasabog sa sobrang kilig.

"Ano yan?" Keanna asked. Iniabot ko sa kanya ang cup ng kape.

"Oh my God Keanna!" I shouted as I jumped for joy.

"Parang isang kape lang, ang saya-saya mo na eh kani-kanina lang wala ka sa mood," she commented.

"Basahin mo! Basahin mo!"

"Oh my!" She exclaimed after she read the note.

"Keannaaaaa, shet, kinikilig ako!"

"Hey Kristina. Ay, yun lang? Wala nang kahit ano?" Keanna asked. Inikot-ikot niya pa ang cup at may kung anong hinanap. "Baka may 'I love you' na nakalagay," she added.

Kinuha ko mula sa kanya ang kape at tiningnan ulit ang note na nakadikit sa cup ng mocha frappe kanina. 'Hey Kristina' lang ang nakasulat pero ang laki na ng impact sa akin.

Alam kong kay Blue ito nanggaling dahil nakita kong itong-ito talaga ang bitbit niya kanina.

"Are you sure kay Blue yan nanggaling?" Tanong ni Keanna.

"Oo. Ito yung nakita kong in-order niya kanina. At kita mo naman ang tatak ng cup oh. Dito kaya tayo nagkape at dito ko nakita si Blue kanina," I stated.

"Naks. At sumaya ka naman? Parang kanina lang ang lungkot mo nung sumaging may ibang babaeng pagbibigyan si Blue nun," she murmured and I couldn't stop myself from smiling. Parang kanina lang, ang gulo ng utak ko.

"Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kanya?" She suddenly asked.

"Ano ka ba. Nasiyahan lang ako kasi ako pala ang pagbibigyan niya nito. And it doesn't mean I feel something towards him," I mumbled.

"Well, if that's what you think," she muttered.

Tiningnan ko ulit ang note na yun.

"But it doesn't change the fact na hindi na ako virgin," I said and I heard Keanna laughed.

"Hindi talaga maka-move on?"

"Ikaw kaya mawalan ng virginity, tingnan natin kung makaka-move on ka agad."

"Huy! Naka-move on kaya agad ako!"

"At least ikaw, sa mahal mo yun naibigay."

"Hay nako, Kristy. Sa mundo ngayon, it doesn't matter na. Gumamit naman siya ng protection diba?" She mumbled and my eyes widened.

"Hindi ko alam. Nakalimutan ko. Ewan ko," I grumbled. Kinabahan ako bigla.

"Itanong mo nga," sabi niya at sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko.

"Ayoko nga! Nakakahiya!" I lashed and she laughed.

"Masyado ka kasing inosente. Wala ka bang natutunan sa sex education?" She grumbled. Nakakaasar na siya kaya ibinato ko sa kanya ang unan ko.

"Affected ka masyado!"

"Talagang affected ako kasi nawala ang isang bagay na hindi ko dapat basta-bastang iwinawala!"

"Oo. Sige na. I won't argue na," she said. Tumunog ang phone niya at may kung ano siyang binasa dito.

"Dinner na daw tayo sabi ni Raymond," ngiting-ngiti na sabi niya. If I know, excited siyang makalampungan ang boyfriend niya.

Agad na nagbihis si Keanna at nagpaganda pa samantalang ako ay hindi na nag-abala. Nag-white shorts lang ako at over-sized na shirt.

"Bilisan mo na, Keanna! Gutom na ako," reklamo ko. Nakaharap pa rin kasi siya sa salamin.

"Maghintay ka nga. Malapit na 'to," she murmured.

Naghintay pa ako nang five minutes bago natapos si Keanna. Para namang kung saan kami pupunta eh kakain lang naman kami ng hapunan.

"Hi babe!" Agad na bungad ni Keanna sa boyfriend niyang nakaupo sa may sofa ng lobby.

Talk about PDA. Duh.

"Saan tayo magdi-dinner?" Tanong ni Raymond.

"Kahit saan basta kasama ka," Keanna replied and she giggled.

My God, Keanna! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!

We ended up eating sa isang restaurant near the dorm. Gutom na kasi ako kaya wala na silang nagawa.

Hindi kami gaano nagtagal doon dahil hindi ko na kinaya ang kacorny-han ng dalawa kaya nag-aya na akong umuwi.

Naglakad pa rin kami pauwi. Nasa harapan ko ang dalawa na walang tigil sa paglalampungan. Jusko, hindi na nagsawa.

Nang makarating sa may gate ng dorm ay nagulat ako nang may tinawag si Raymond na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Uy, Blue! Ba't ka nandito?" Raymond mumbled. Napatingin ako sa harapan at nakatingin na sa akin si Keanna na nanlalaki ang mga mata.

Pucha, Blue. Patahimikin mo na ako!

Nakita kong diretsong tumingin sa akin si Blue. Napatingin rin sa akin sina Keanna at Raymond. And my heart drummed crazily inside my chest.

"Please excuse us for a while," Blue said as he grabbed me to his car.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon