Chapter 25
Pagkatapos na pagkatapos agad ng klase ay agad na nagpaalam sa akin si Keanna na mauuna na siya kasi may lakad pa sila ni Raymond. Iyong dalawa palagi na lang sinasabing may lakad. Alam ko naman anong nangyayari kapag sinasabi nilang may lakad sila. Kunwari pa. Magchuchukchukan lang naman yun if I know.
Naiwan ulit akong kasama si Gelo pauwi. Isa rin itong makulit na 'to. Kanina pa ako kinukulit na samahan siya sa mall.
"Sige na. Minsan lang ako magyaya eh," sabi niya pa habang sinusubukang magpa-cute. Nakakarindi kaya ayun at sinapak ko.
"Di nga gagana iyang pagpapacute mo. Kadiri 'to," sabi ko. Umakto naman siyang parang nasaktan sa sinabi ko. Hilig talaga umarte eh hindi naman marunong. Nagmumukhang trying hard talaga itong mokong na 'to.
"Ba't ang sama mo sa akin?" Tanong niya.
"Kulit mo kasi," sagot ko sa tanong niya. "At saka baka sunduin ako ni Blue," dagdag ko.
As if on cue ay biglang tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko sino nagtext ay si Blue lang pala. Ang sabi ay di niya ako masusundo ngayon kasi may importanteng meeting raw siya. Nalungkot naman ako bigla.
Ewan ko ba. Feeling ko nagiging clingy na rin ako kasi hinahanap-hanap ko si Blue. Parang gusto ko lang siya laging kasama. Di ko naman alam na ganito pala ako ka-clingy. Di ako na-orient ng katawan ko.
Sino ba naman kasing hindi maghahanap kay Blue? Eh katawan pa lang nakakalaway na. Nagiging manyak na nga ako.
I shrugged those thoughts away nang pitikin ni Gelo ang noo ko. Nakalimutan ko sandali ang presensya niya kasi nagtext ang pogi kong boyfriend. Naks.
"Problema mo?" Tanong ko habang hinihimas ang noo kong pinitik niya. Sadista rin 'to eh.
"Di mo na ako pinansin eh."
"Aba. Responsibilidad ko bang pansinin ka all the time? Feeler nito," I said. He said something pero hindi ko iyon narinig. Nang tanungin ko naman siya kung ano iyong sinabi niya ay hindi niya naman ako sinagot. Hirap rin kausap nito minsan.
"So ano na? Uwi ka na?" Tanong niya nang makarating na kami sa may gate.
"May meeting raw si Blue eh," I said sadly. Nakakalungkot talagang di ko man lang mahaplos boyfriend ko. Nagkita naman kami kagabi pero feeling ko ilang taon na kaming hindi nagkikita.
Itong katawan ko talaga, ang landi! Mana sa akin.
"Tara na lang sa mall. Ayoko pang umuwi ng dorm. Nakakabagot lang," sabi ko. Agad namang nagliwanag ang mukha ni Gelo.
"Ayun!" He said excitedly. "Wait for me here. Kunin ko lang kotse ko," he said before he ran away.
Ilang minuto lang akong naghintay at dumating na si Gelo.
"Hop in, lady!" Gelo said nang maibaba ang window ng kotse niya.
"Lady ka diyan," I said while slipping inside his car.
In all fairness naman sa sasakyan niya, halatang rich kid. Ang bango rin ng loob at ang linis. Didn't know most neat and clean pala itong isang 'to.
"Naks. Taray ng car. Ang linis ha," komento ko nang makaupo na sa front seat.
"Of course. Nakakahiya naman sa chics na sasakay kung marumi ang kotse ko," he said.
"Ang chicboy mo talaga!" I muttered na tinawanan niya lang.
"Seat belt," he said saka ko naman agad na inayos ang seat belt. Kung makautos naman 'to. Wala man lang gentleman side. "Di ako chicboy ha. Loyal 'to."
"Loyal daw," I mocked. "Malay ko ba ang dami mo nang pinaiyak. Pano ako maniniwalang loyal ka?"
"Try me," he replied. Agad akong napatingin sa kanya at nakita ko ang nakakaasar na ngiti niya.
"Gago!" Bulyaw ko na tinawanan niya lang ulit. "Ano bang gagawin mo sa mall?"
"We'll see."
"Libre mo 'ko ha. Ikaw nagyaya."
"Sure."
Saglit kaming natahimik na dalawa. Pero kahit papaano ay hindi naman awkward. Naging komportable na nga talaga akong kasama si Gelo. Nakakapagtaka nga kasi mukhang ang bilis namin naging close. Maybe because feeling close rin talaga siya.
Nang makarating kami ng mall ay dumiretso agad si Gelo sa cinema.
"So niyaya mo ako para lang manuod ng sine, ganun?" Tanong ko.
"May ticket na kasi ako. Dalawa. Bigay ng tito ko. Sayang naman kung di magagamit," sagot niya. Tumango na lang ako. At least libre.
"Bili kang popcorn. Cheese ha," sabi ko.
Buti na lang at masunurin si Gelo at bumili nga ng popcorn. May cola pang kasama.
Action iyong movie na papanoorin namin kaya alam ko nang hindi ako gaganahan manuod kasi hindi ko genre. Iyong popcorn na lang lalantakin ko tapos kunwari manonood.
Nang makapasok sa cinema ay agad kong kinain ang popcorn. Wala pa ngang ilang minuto ay naubos ko na. Napilitan tuloy akong tumutok sa screen. Kaso ang sakit sa mata nitong mga nagbubugbugan. Kaya nakatulog ako.
Nang magising ako ay tapos na ang movie. Wala na masyadong mga tao sa loob. Medyo na-guilty naman ako kasi tinulugan ko lang 'yung movie. At sa shoulder pa talaga ni Gelo ako sumandal.
"Bakit naman di mo 'ko ginising? Natulugan ko tuloy yung movie," sabi ko nang makaupo na ako nang maayos.
Narinig kong tumawa si Gelo and the next thing I knew ay ginulo na niya ang buhok ko.
"Alam ko namang hindi ka interesado kaya hinayaan ko na," sagot niya. "Tara dinner?"
"Libre mo ha," sabi ko na tinawanan niya lang ulit. Ang hilig tumawa ng isang 'to.
Nang makalabas kami ng cinema ay agad akong nag-inat. Na-stiff neck ata ako.
"San mo gusto kumain?" Gelo asked. Sandali akong nag-isip pero nakakahiya namang magdemand eh siya ang manlilibre.
"Buffet?" Sagot ko. He laughed at my reply.
"Akala ko sasabihin mo 'ikaw bahala'. Sasagutin sana kita nang 'wala namang 'ikaw bahala' na kainan dito," sabi niya. Tuwang-tuwa pa siya habang sinasabi yun.
"Ha-ha. Funny," I replied. "Buffet na tayo ha."
"Sure, lady."
"Tigilan mo nga ako sa lady-lady mo na yan," I mumbled, na tinawanan niya lang ulit.
Pero agad naman akong natuwa nang makarating na kami sa buffet restaurant. Agad kaming naghanap ng table saka nilagay roon ang bag ko para hindi na makuha ng iba. Mahirap na, baka maagawan pa kami. Marami pa namang mang-aagaw ngayon.
Pero wag lang talaga nilang aagawin ang Blue ko.
Ay, ang landi.
Nang makakuha na kami ng pagkain ay masaya akong bumalik sa table namin na nasa isang corner.
First spoon pa lang ay nasarapan na ako. Ang sarap talagang masarapan! Ang saya!
Masaya akong kumakain nang mapansin ko si Gelo na may tinitingnan kung saan.
"Anong meron?" Tanong ko saka sinundan ang tinitingnan niya.
Saka ako nawalan ng gana nang makita ko si Blue sa kabilang restaurant na may kasamang babae.
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
أدب نسائيThings happen when it's supposed to happen.