Chapter 11

5.3K 159 6
                                    

Chapter 11

"Bitawan mo nga ako!" I shouted. Kanina niya pa ako hinihila. Hindi ko naman alam kung saan niya ako dadalhin. Pero putek, ang sakit na ng pulso ko. Papatayin ata ako nito.

Kahit pa sabihing ang laki ng pasasalamat ko sa kanya kasi iniligtas niya ako mula sa mga kababalaghan na pumapasok sa isip ko, wala akong pakialam. Nag-exert ako ng effort para lang maiwasan siya. Tapos mababalewala lang?

Kung movie lang 'to, siguro ang saya kasi hinahabol ka ng lalakeng bida. Pero hindi ito movie eh. Hindi nakakahaba ng buhok ang habol-habulin ka ng isang gwapong lalakeng nagngangalang Blue. Kasi naman, hindi niya ako hinahabol dahil mahal niya ako, hinahabol niya ako dahil kailangan niya ng mapapasukan. Ang gago lang.

"Why are you running away from me? Why are you avoiding me?" He asked in a serious tone. Nakakunot ang noo ko habang tinitingnan siya. Hindi niya pa rin ba gets?

"Diba sinabi ko na sayo last time? I want this to stop," I said with conviction.

"Why? Did I do something wrong?" He asked.

Oo! May mali kang ginawa! Ginagawa mo akong prostitute at pinagsasamantalahan mo ang katangahan ko!

"Alam mo, ang insensitive mo," I said. I suddenly have the urge to cry. Parang gusto ko na lang umiyak sa harap niya para lang tigilan niya na ako. Baka naman kung sakali ay makonsensya siya.

Napatigil siya sa paghila sa akin and faced me, with his brows connecting to each other.

"Wala ka bang pakiramdam? Hindi mo ba maramdaman na ayaw ko na? Sinabi ko na sayo diba? Ano bang gusto mong gawin ko para tigilan mo ako?" I lashed at him. Binitawan niya ang kamay ko. And walked around, his hand touching his forehead. Wag siyang magkakamaling dramahan ako. Hindi na ako mag-papauto.

"Ano? Ipipilit mo pa rin ang gusto mo? Ipipilit mo na naman kahit na ayaw ko? Ha?" I added.

"I seriously don't want this to stop," he said, his voice serious.

"Ano ba 'tong laro mo?" I asked, my voice shaky. Tulo na nang tulo ang mga luha ko but I didn't mind. Gusto ko na lang matapos 'to. Ayaw ko na ng mga laro niya. Kasi alam kong sa aming dalawa, ako ang mahina. At kung ipagpapatuloy namin 'to, I might fall and I might get hurt. At ayaw kong masaktan.

"This isn't a game," he grumbled. Gago siya. Ako pa lolokohin niya.

"This isn't a game? Alam mo ba kung ano yang mga pinanggagawa mo? Oo, you got me. Nauto mo ako, at nagpadala naman ako. Pero Blue, hindi na tama 'to," I said. He tried to move closer to me pero inunahan ko na siya at umatras ako palayo sa kanya. If possible, I don't want him to touch me.

"You're breaking the deal." It's not a question, it was obviously a statement. Pero wala akong pakialam. Wala naman kaming kontratang pinirmahan kaya may karapatan pa rin akong umtras at bawiin lahat ng sinabi ko.

"Yeah. I'm breaking it. Dapat nga sa simula pa lang, di na ako pumayag," I grumbled. Napailing lang siya and turned his back at me.

"If that's what you want," he said. "Ihahatid na kita, delikado sa daan," he added.

--

Fck, ang OA ng dating ko kanina. May paiyak-iyak pa akong nalalaman. Pero okay na rin yun. At least pumayag na siya na itigil na namin itong kagaguhang ginagawa namin.

Gusto ko mang mahiya sa kanya pero kinapalan ko na lang ang mukha ko at sumunod sa kanya. Might as well take this last chance. Gabi na rin naman kaya pumayag na akong ihatid niya.

Nobody talked for the whole ride. Pareho kaming walang imik habang nasa daan. Ang awkward tuloy. But I just shrugged it off my mind. Ang importante ay makarating ako ng dorm safely.

Nang makarating sa dorm, I want to thank all the gods for letting me go home safely. Pasalamat na rin at na-convince ko si Blue na tumigil na.

"Thank-"

"Don't thank me yet." Napalingon ako sa kanya. Napakunot-noo akong tumingin sa kanya.

"Bababa na ak-"

"No." His voice was full of authority na para bang kapag narinig mo, matatakot at mapapasunod ka na lang nang wala sa oras. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. I'm afraid that he might do something not fun.

"Kailangan ko nang buma-"

"I said no." He said it firmly. Puta, ano na naman ba ang tumatakbo sa utak ng taong 'to?

"Bakit ba?" Medyo pagalit na tanong ko.

"What do you want me to do for you to stay?" He suddenly inquired which made my mouth hang open. Seriously? He's asking me this?

"I thought we're settled."

"No." He said. He tilted his head to look at me. "I'm making you stay. I'm making you stay like you have no option, Kristina. Just tell me whatever that can make you stay."

"Wala. Wala, Blue. Kaya tumigil ka na sa kahibangan na 'to," I murmured.

Aalis na sana ako ng sasakyan pero hindi ko mabuksan ang pintuan. It was locked. And God, this is making me crazy and nervous. Wag siyang magkakamaling gumawa ng kung anong kahalayan.

"Palabasin mo ako dito," I grumbled.

"No," he said firmly. Pinilit ko pa ring buksan ang pinto pero ayaw pa rin nitong bumukas.

"Ano bang-"

And I wasn't able to move when he kissed me. So hard na para bang nahihirapan akong wag siyang halikan pabalik. Hindi ko alam kung anong ginagawa sa akin ni Blue. Sa tuwing hinahalikan niya ako, para akong nawawala sa sarili at nalulunod na lang sa mga halik niya. I don't want this to continue.

When he stopped kissing me, I thought he'll finally let me go. Pero nagulat ako nang patakbuhin niya ang sasakyan away from the dorm.

"Saan mo ako dadalhin?!" Sigaw ko. I tried to open again the door pero naka-locked pa rin ito.

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pagda-drive. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang magdasal na sana wala siyang masamang gagawin.

Ilang minuto ang dumaan ay huminto kami. Tumingin ako sa paligid at nakita kong andito kami sa harap ng building kung nasaan ang condo niya.

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan habang ako ay biglang kinabahan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinila palabas.

"Ano na naman ba?!" I asked when he dragged me inside.

"For the last time," he said as we entered the building.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon