Chapter 22
"Mommy?" Surprised and nervous as I am, iyon lang ang nasabi ko. Agad niya akong niyakap at medyo ilang sandali pa nang ma-realize ko na required pala akong yakapin siya pabalik kasi baka isipin niyang hindi ko siya na-miss. Pero nabigla talaga ako! Wala naman kasi siyang pasabi na dadalaw siya ngayon! Shocks!
"Aren't you happy to see me?" Tanong niya.
"Masaya po! Bakit ka nga po pala bumisita?" Shocks! Nasa labas pa naman si Blue! How am I supposed to handle this situation? Naks. English. At naks, may panahon pa talaga akong magbiro gayung naiipit ako sa isang sitwasyong hindi ko alam kung paano takasan.
"Hindi ba pwedeng nami-miss kita? Matagal ka nang hindi umuuwi ng bahay eh. Saan nga pala si Keanna? Bakit mukhang hindi ata kayo magkasama?" Sunod-sunod na tanong niya. Shiz. Somebody please rescue me!
"May lakad po. Mami-meet niya na kasi tonight 'yong parents ng boyfriend niya," I answered truthfully.
I-text ko na lang kaya si Blue at sabihing hindi ako matutuloy kasi sumakit ang tiyan ko?
"Really? How about you? Kailan ka ba magbo-boyfriend? Para naman may maipakilala ka na sa amin ng daddy mo," she said and I almost swallowed my tongue. Kung alam mo lang, Mommy. Kung alam mo lang.
Shit. Iti-text ko na lang talaga si Blue.
"Saka na 'yan, Mommy kapag nakita ko na si Mr. Right," sagot ko.
Neknek mo, Kristy!
"Well, you got it right. Mas mabuti 'yan para hindi mo muna maranasan ang masaktan. Saka na 'yan kapag kaya mo na. At saka isa pa, iba na rin makipag-relasyon ang mga lalaki ngayon! Aba, iilan lang sa kanila ang seryoso, karamihan eh katawan lang ang habol sa isang babae. Nako Kristy ha, you're not like that. You deserve more than that. Kaya 'wag ka munang magpaloko sa mga lalaki. Minsan kasi ginagawa lang nilang parausan ang mga babae which is really, really wrong," mahabang litanya ni Mommy. At kung sinuswerte ka nga naman, tinamaan pa talaga ako sa sinabi niya. And I kind of feel hurt. Bakit parang sumikip ang dibdib ko?
Naalala ko na naman ang kung anong meron sa amin ni Blue, which is very confusing. Hindi ko alam kung talagang gusto niya ba ako o gaya ng sabi ni Mommy ay parausan ako lang para sa kanya. Heto na naman ako sa pag-iisip ng bagay na 'yan.
I tried to shake it off my mind at ibinigay na lang ang atensyon kay Mommy. Baka mapansin pa niya pag-iba ng mood ko.
"Saan ka nga po pala matutulog ngayon? Medyo alanganin ng umuwi ng bahay," I asked instead. Buti na lang ay hindi niya napansin ang pag-iba ko ng topic.
"Well, I just dropped by to see you. Ang totoo niyan eh pupunta talaga ako sa kaibigan ko. She just arrived from Australia at nandoon lahat ng mga kaibigan namin. Kaya baka doon na rin ako tutuloy for tonight," she replied.
We chatted for more minutes bago siya nakatanggap ng tawag from her friend and that's when she finally said goodbye. Thank God at hindi talaga siya nandito to sleep over.
Matapos umalis ni Mommy ay agad na akong tumakbo papuntang kwarto at agad na nagbihis. Hindi na rin ako masyadong nag-effort na mag-ayos kasi medyo natagalan na ako at baka naiinip na si Blue sa labas. Buti na lang talaga at hindi sila nagkita ni Mommy kundi lagot ako. Hindi ko pa man din alam kung paano ko ipapakilala si Blue. Alangan namang sabihin kong friends with benefits kami? Edi lalo akong dead kay Mommy.
"Sorry natagalan," agad na sabi ko nang makabalik ako kay Blue. As usual ay hindi siya sumagot and just started the engine.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Magdi-dinner daw somewhere. Pagdating sa kanya ay hindi na siguro ako mag-aabalang magtanong at baka ma-deadma lang ako.
Bigla ko ulit naisip ang sinabi ni Mommy kanina. Feeling ko sobra-sobra na ang guilt na nararamdaman ko ngayon. Alam kong mali pero pumayag ako at pinagpatuloy ko pa. Medyo may katangahan lang talaga ako. Pero anong magagawa ko eh mukhang nasasanay na ako? Mahirap pa namang baguhin ang nakasanayan na.
We stopped at a restaurant I'm not familiar of. Pero mukhang isa iyon sa mga mamahaling restaurant. Wow. Hindi ito usual ah?
Bababa na sana ako pero nabigla ako nang pigilan ako ni Blue. He didn't say anything kaya nagtaka ako. Later on ay nakita ko na lang siyang bumaba ng sasakyan niya and he opened the door for me. Inilahad niya rin sa akin ang isang kamay niya at tinanggap ko naman iyon. Inilalayan niya akong bumaba ng sasakyan at mukhang ingat na ingat pa siya na para bang ayaw niya akong magasgasan o ano, which is new to me.
Sabay kaming naglakad papasok ng restaurant. The waiter opened the door for us at namangha ako sa ganda ng interior ng restaurant. Napaka-elegant! Shiz, bakit mukhang ang romantic naman ata ng ambiance dito? At isa pang shiz, magpo-propose ba ng bagong deal itong si Blue kaya niya ako dinala dito?
Napatingin ako sa paligid at mas lalo akong namangha since the place and the stuff inside this restaurant look so expensive. Ang formal ng mga tao sa paligid. Buti na lang at observant ako kasi napaka-formal ng suot ni Blue kanina kaya nagsuot rin ako ng something formal para naman bumagay ako sa kanya. At bakit hindi ko alam na nag-e-exist pala ang restaurant na 'to? Ang ganda ah! At mukhang masarap ang mga pagkain. Madala nga minsan si Keanna dito, pati na rin pala si Gelo!
Lumapit kami sa isang table and Blue even pulled a chair for me. Nako, nagpapaka-gentleman na naman 'to para maka-score sa akin mamaya. Akala niya hindi ko alam ha? At bakit hanggang ngayon ang tahimik pa rin namin? Kailangan ko na bang i-break ang ice? Ah, bahala na.
"Naks ha, ang gentleman mo ngayon," I commented after we finally took our seats. Agad siyang napatingin sa akin and I guess medyo nagulat siya kasi finally ay dumaldal na ako pero syempre hindi ko iyon nakita sa expression niya. Hula ko lang 'yon. "Nagsalita na ako ha? Nakakapagod palang maging tahimik," I added.
Lumapit sa amin ang isang waiter to give us the menu at hindi naman gaanong nagtagal ay pareho na kaming nakapili ng order ni Blue.
"Are you expecting anything to happen tonight? Kasi mukhang nag-prepare ka ata," I said after the waiter left. Tiningnan niya lang ako with his usual stare. Ano pa bang inaakala ko?
"Alam mo naman sigurong hindi ako manghuhula para mahulaan ang kung ano mang tumatakbo sa isip mo 'no?" I mumbled again after hearing no reply from him. Itong lalaking 'to talaga! Baka mamaya maputulan ko na 'to ng dila eh! Wala naman kasing gamit kasi hindi naman siya nagsasalita.
Magli-litanya pa sana ako but he suddenly spoke.
"Fine. I brought you here because I was expecting for something to happen tonight. But it's not what you think. I didn't do all these stuff for me to get laid. I did this because I want you to know that from this day forward I'll be the better man. I finally able to think about things and this time it hit me. This is not supposed to happen but you and I let this happen. I know what we did, well, what I did, was wrong. And this time I want to make it right. Kristina, you said you're starting to have feelings for me, and I think I feel the same way too," he murmured. Hindi ako nakapagsalita. Maybe I was too overwhelmed. I was too surprised that it made me speechless.
For an instant, I felt special. Kasi ang haba ng sinabi niya! Ngayon lang siya nagsalita nang ganoon kahaba at ka-deep!
Humaygad, kinikilig ako!

BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
Literatura FemininaThings happen when it's supposed to happen.