Chapter 10
I woke up early. Too early that I don't know where to go kasi medyo madilim pa. Pero ayaw kong maabutan ako ni Keanna kaya naglakad-lakad na lang ako somewhere. Just to be away from her. Nakakaasar kasi ang mga tanong niya sa akin. It's making me feel uncomfortable. Konti na nga lang at mapipikon na talaga ako.
Naka-uniform na ako at dala ko na rin ang bag ko kahit alas kwatro pa lang ng madaling araw. Alam kong mukha na akong tanga pero wala akong pakialam. Mas gugustuhin ko pang mapagkamalang baliw dahil sa aga kong pumasok kesa mabaliw at maasar ako sa mga nakakalokang tanong ni Keanna.
Last night, nang makaalis na sina Blue at Raymond, hindi ako tinantanan ni Keanna. She asked me a lot of questions that I don't want to answer kasi naiinis lang ako. But she never stopped. She even asked me what really happened between me and Blue 'that night'. Hindi lang basta tanong. Nagdemand pa siya ng complete details. Gaga talaga.
I tried to close my eyes but I had trouble sleeping. Binabagabag kasi ako ng mga hindi makabuluhang tanong ng best friend kong walang ibang ginawa kundi kulitin ako. But still, I didn't give up. Hindi ko siya sinagot kaya hindi nagtagal ay tumigil rin siya. But I'm so sure na sa oras na makita niya ako ay iyon agad ang itatanong niya. Kaya ako umiiwas.
Also, gusto ko ring tumakas. Napagkasunduan kasi nilang mamaya na lang daw kami magla-lunch together. Which I really disagree. Hindi pa ako handang harapin ulit si Blue nang mas matagal. Feeling ko mababaliw na ako any moment. At kung hindi ko na matatakasan, aba, tatakas pa rin ako. Hahanap at hahanap pa rin ako ng paraan. Hangga't may buhay, may pag-asa! Gora lang nang gora! Matatapos rin ang lahat ng ito.
Kanina pa ako palakad-lakad sa gilig ng kalsada. Close pa yung gate ng school kaya hindi pa ako makapasok. So I just decided na magkape muna sa McDo and maybe to have my breakfast.
Nagpalipas lang ako ng oras doon and when the sun finally came, agad akong dumiretso sa school at sa Library tumambay. Hindi naman ako mahilig magbasa pero nagawi ako sa may Fiction area kaya kumuha na lang ako ng libro at nagbasa. Mas mabuti na rin 'to. At least medyo mababawasan ang boredom ko at ma-divert ko sa ibang bagay ang atensyon ko na pilit kino-corrupt ni Blue.
Pero para akong nadaganan ng maraming bato at nabalewala lahat ng ginawa ko nang tumabi sa akin si Keanna. Kahit kailan talaga itong si Keanna! Lagi niya na lang akong iniipit sa mga bagay na ayaw kong maipit. She should help me to make everything easy pero siya pa itong nagpapahirap sa akin. Siya pa mismo ang tumutulak sa akin kay Blue.
"Ang aga mong umalis. Wala tuloy akong kasamang nag-breakfast," she said while pouting.
"May kailangan kasi akong gawin kaya maaga akong umalis," I replied without looking at her. Naka-focus lang ang mga mata ko sa binabasa ko.
Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko siya, only to see she's also reading what I'm reading.
"Wow. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga ganyan," she murmured while eyeing the book but I just ignored her.
"Yung lunch mamaya ha? Wag mong kakalimutan." At pinaalala pa talaga. Pero kahit naman ipaalala niya bawat minuto ay pilit ko pa ring kakalimutan. Bahala sila. Basta ayokong maipit sa isang sitwasyon kung saan makakasama ko nang matagal si Blue. Mas lalo lang akong mahihirapan.
Mahihirapan magpakipot at magpigil.
"Titingnan ko. Baka kasi may gawin ako." Sige lang, Kristy. Ubusin mo na lang lahat ng excuse na pwede.
"Ay, hindi pwede yan. Isantabi mo muna ang kung ano man 'yang gagawin mo."
I let out a deep sigh. Makulit talaga. Malapit na akong mapuno.
"Ewan. Sige, aalis na ako," I said as I hurriedly stood up. Hiniram ko muna ang libro para matapos ko namang mabasa. Sayang naman at nasimulan ko na, tatapusin ko na lang. But when I went out of the Library ay sumunod siya sa akin.
She keep on asking questions again. But I didn't entertain her questions. Hinayaan ko lang siyang magtanong nang magtanong.
"Kristy!" I heard somebody called my name kaya I looked around to look for the owner of that voice. And I saw Karen, running towards me. She's one of my groupmates in our subject History.
"Ano yun?" I asked.
"Mamaya pala natin gagawin 'yung group project natin. Lunch break," she mumbled and I almost thank all the gods for saving me. Thank You, Lord! This is a blessing in disguise! Karen is an angel in disguise!
"Okay. No problem," I said smilingly. At least I already have a valid excuse.
"So, I'm sorry, Keanna, I really can't go," I said and she frowned. At least hindi ako magi-guilty kung hindi man ako magpunta. At hindi nila ako mapipilit.
--
Hindi nga ako nakapunta, which is a really good thing. Hindi ko rin alam kung natuloy ba sila o ano. Pero sobrang okay lang talaga sa akin na hindi ako pumunta.
Halos pagabi na ako nakalabas ng school kasi hindi kinaya ng lunch break namin na matapos ang group project namin. Kaya naglaan rin kami ng oras after our class para matapos yun. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa group project na ito!
Nauna nang umalis ang mga groupmates ko kaya ako na lang ang natira. Medyo matatakutin ako pero kakayanin kong tahakin ang madilim na daan. Naks. Mukhang tunog-makata na ata ako ngayon.
Pero kahit anong positive thoughts ang isipin ko ay sumasagi pa rin sa utak ko ang takot. Pabilis nang pabilis ang lakad ko dahil kung ano-ano na lang ang naririnig ko. Nanginginig na nga ang mga tuhod ko at nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Para akong aatakihin sa puso anytime. Naalala ko pa naman yung mga kwentong kababalaghan na nangyari daw dito. Bakit ba kasi nakikinig ako sa mga pananakot nila. Pakshet. Kaya tumakbo na lang ako dahil sa takot.
Pero agad akong napasigaw nang may humablot sa akin.
"You really have the guts to stay until night in your school just to escape, huh?"
Sht. That voice. Sht.
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.
