Chapter 17

4.4K 112 1
                                        

Chapter 17

"Ano? Wala na bang bumabagabag sayo?" Tanong ni Keanna habang naglalakad kami papuntang classroom.

"Thankfully, wala na. Iyon lang pala talaga ang hinahanap ko," I answered saka ko siya narinig na humagikhik sa tabi ko.

"Tigilan mo nga 'yan, Keanna," naiinis na sabi ko sa kanya. Eh kasi naman nakakairita ang hagikhik niya. Akala mo naman parang high school na kinikilig kasi pinansin ng crush niya. Nakakarindi.

"What's wrong? Natatawa lang ako sayo kasi di ka na nga virgin pero ang inosente mo pa rin," she said. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa sinabi niya. Grabe siya.

"Grabe ka naman. Tapos pwede pakihinaan naman ng boses mo. Marinig pa tayo ng iba diyan at ma-chismis, kakalbuhin talaga kita," I hissed at her.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. Nang lingunin ko siya ay ganun na lang ang gulat ko nang makita ang mukha niya. Para kasi siyang natatae na ewan.

"Anong nangyayari sayo?" I hurriedly asked. Ilang beses pa siyang lumunok before screaming like a baby.

"Shet, bukas ko na pala makikilala ang parents ni Raymond. Kristy, hindi ko kaya," parang naiiyak na sabi niya.

I looked at her with my knitted brows. Kita sa mukha niyang kinakabahan siya. Kaya pala mukhang tungkol sa akin lang lahat ng pinag-usapan namin kasi iniiwasan niyang pag-usapan ang tungkol sa meet up nila ng parents ni Raymond.

"Akala ko pa naman ready ka na," I murmured as I took my seat. Kakarating lang namin sa classroom.

"Iyon nga. Akala ko ready na ako. Pero habang papalapit nang papalapit kinakabahan na ako. Paano kung may masabi akong hindi maganda sa harap ng parents ni Raymond? Madaldal pa naman ako. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung paghiwalayin nila kami? Paano kung-"

"Can you please stop?" I interrupted. Naks, ang taray ko ata.

"Kristy... mababaliw na ata ako," she mumbled.

"Gaga! Tumigil ka. Wag kang mag-alala, magugustuhan ka ng parents ni Raymond," I grumbled.

"How can you be so sure?"

"'Cause you're such a cute tactless lady," sabi ko sabay pisil ng magkabilang pisngi niya.

"Waaaaaah! Iyon nga, I'm so tactless," nag-aalalang sabi niya.

"Just be yourself, ano ka ba. Kaya nga kita naging best friend because you're just natural. Hindi ka plastic," I stated. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. From her hysterical face, a smile was pasted on her lips.

"Talaga?"

"Yup," I said.

"Mahal din kita, Kristy!!!!" She suddenly lashed as she threw herself at me. Niyakap niya ako nang mahigpit samantalang ako ay halos hindi na makahinga.

"Teka," I mumbled but she didn't listen.

Ayaw mong humiwalay ha? Sige, masusubukan mo ang lakas ni Kristina!

Inilayo ko ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg ko as I stood up and distanced myself from her with all the force I could exert. Nagtagumpay nga ako sa pag-alis ng mga braso niyang nakapulupot sa akin but ended up lying on the soft floor.

In fairness, ang soft ng floor.

"Grabe ka, girl. Ang lakas mo ha," I murmured. Nasa sahig pa rin ako. But as I looked at her, her eyes were wide. Kahit ang mga kaklase ko ay nakatingin sa direksyon ko. Bakit kaya?

Naramdaman ko ulit ang malambot na inuupuan ko. Okay, baka may naupuan lang akong bag ng kaklase ko kaya sila nagtitinginan. Kaya nilingon ko ito and found a guy!

Holy sht! Kailan pa naging bag ang tao?

"Oh my gosh!!! Sorry po!" Dali-dali akong tumayo at tinulungan ang lalaki na tumayo rin pero imbes na makatulong ay natumba ulit ako sa harap niya. Eh kasi naman ilang kilo ba ang taong 'to?

"Sorry po ulit!" Sabi ko nang makatayo ulit.

Hindi ko na siya tinulungan kasi tumayo na rin siya nang kusa. Nagpagpag pa siya ng damit bago tumingin sa akin.

He looks unfamiliar.

Tinitigan niya ako. Shet, mukhang aawayin niya ata ako.

Pero bago nangyari 'yon ay dumating na ang prof namin. I sighed in relief.

Umupo na ulit ako sa upuan ko at tumingin na sa harapan. But I can't help but think about who that guy was. Ngayon ko lang kasi nakita nag mukha niya. Is he a transferee?

I was full of wonders nang sikuhin ako ni Keanna.

"Grabe ka ah. Sinadya mo atang banggain si Koya. Kristy, may Blue ka na ah," she whispered teasingly.

"Excuse me. Hindi ko nga alam na may tao pala sa likod ko. Malay ko ba na may mababangga pala ako. Wala naman kasi akong mata sa likod," I defended.

"Asus. At sa isang hottie pa ah," panunukso niya.

"Hindi ko nga sinadya 'yon. Ikaw kasi eh. Kung makayakap ka parang papatayin mo ako," I rebutted.

"Defensive," she murmured.

"Sino ba kasi 'yong lalaki kanina? Shiftee ba o transferee?" Tanong ko.

"Naks, curious ka pa ah," she said teasingly again.

"Hindi nga. Ngayon ko lang kasi nakita ang mukha niya," sagot ko.

"Oo, transferee raw 'yan from somewhere. Di ko alam kung saan galing. Kalilipat niya lang raw last week pero ngayon lang pumasok," she answered. At bakit mukhang updated ata siya?

"Wow, updated?"

"Eh kasi naman po, hottie. Alam mo na, kapag may masarap na transferee, usap-usapan agad sa buong university. Bakit parang hindi ka updated? Ah, alam ko na. Kasi pre-occupied ka dahil sa pagnanasa mo kay Blue," sunod-sunod na sabi niya.

"Grabe ka," I commented. "Ano name niya?" I asked. Pero hindi na siya sumagot at parang nahihiyang tumingin palayo. Problema nito?

Umayos nalang ako sa pag-upo at tumingin na lang sa harapan. But I could see someone on my peripheral vision. And that's when I realized na katabi ko pala iyong lalaki kanina at ganun na lang ang hiya ko nang maalalang pinag-uusapan pala namin siya ni Keanna kani-kanina lang, which I bet ay narinig niya. No wonder bakit bigla na lang huminto sa pagdaldal si Keanna.

Pinigilan kong 'wag siyang lingunin kasi ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko. But I could see him smiling from my peripheral vision.

What a shame, Kristy.

Nagsimula na ring mag-discuss ang prof namin kaya nagkaroon ako ng rason para huwag isipin ang kahihiyang nangyari. And I think I succeed because for the whole lecture ay nawala iyon sa isip ko.

Palabas na kami ng classroom nang mapansin kong wala na 'yong lalaki kanina kaya medyo nakahinga na ako nang maluwag.

Iyon nga lang, nang makalagpas ako ng pinto ay saka naman siya lumitaw sa harap ko, with his teasing smile.

"I'm Gelo," he said. Matapos sabihin iyon ay naglakad na siya palayo.

Naalala kong tinanong ko nga pala si Keanna kung anong pangalan which is probably why he told me his name.

Narinig niya nga talaga kami.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon