I saw my friends dining at this restaurant. I was outside. Kararating ko lang but I stopped near the entrance to watch them talk with smiles on their faces. Hindi nila alam na umuwi ako for a quick vacation.
I managed to ask Keanna through chat earlier where they will be at dinner. Sumagot naman siya without asking why. Nasanay na siguro na even if I was far away, I always ask their whereabouts. Basta kasi magkakasama sila ay tumatawag ako para makipag-video call. Para kunyari andoon rin ako. They're probably wondering why I still haven't called now. Napangiti na lang ako. I'm sure they'll be surprised.
They were seated at the far corner of the restaurant kaya siguro hindi nila ako napapansin. Busy rin kasi sila sa pag-uusap. Kaya naisipan kong lumapit na. I can't wait to see their reactions.
Dahan-dahan lang ang lakad ko. 'Yong apat naman ay panay pa rin ang pag-uusap at tila hindi pa nararamdaman ang presensya ko.
"Hindi pa ba tumatawag si Kristy?" I heard Rainie asked. Nakita ko namang kinuha ni Keanna ang phone niyang nakapatong lang sa mesa.
"Wala pa," she replied. "Nasaan na 'yong bruhang 'yon? Nakakalahati na natin ang pagkain."
"Baka nasa work pa," sabi naman ni Raymond.
"Sunday rin doon, baka nakakalimutan mo," sagot naman ni Keanna.
"Oh," like Raymond just realized it. "Right."
"Baka may ka-date?" Gelo butted in.
"Siya? May ka-date? Hindi nga niya ini-entertain 'yong kanong nanliligaw sa kanya 'don eh," Keanna mumbled.
"May irereto pa naman sana ako sa kanya," Rainie said. "'Yong ikinuwento ko sa inyong photographer na na-meet ko sa isang workshop. Kilala niya kasi si Kristy. Crush na crush siya 'non. Sayang."
Nakakunot-noo akong pinipigilan ang ngiti ko. Ang sayang marinig ulit ang mga boses nila in person. Pero saglit rin akong napaisip kung sino 'yong lalaking tinutukoy ni Rainie. Marami naman kasi kaming kaklase noon na may crush sa akin. Char.
"Feel ko ayaw niya pang mag-date. Ang strong, independent woman 'non. Wala na atang makakatibag," Keanna said.
"I'm proud of Kristy," Gelo suddenly mumbled. Konting hakbang na lang ay malapit na ako sa kanila. But hearing him say it made me stop on my tracks. "She's indeed a strong woman. I can't imagine the pain she went through. But look at her now. Such an inspiration."
Parang may kung ano akong naramdaman sa sinabi niya. I was touched by his words. Nararamdaman ko tuloy ang pangingilid ng mga luha ko.
They were sitting at a table good for four. Keanna's back was facing me. Si Raymond naman ay nakaupo sa tabi niya. Sa isang side ng table rin si Gelo while Rainie was the one facing my direction. Pero hindi pa rin nila ako napapansin. Gusto ko na ngang matawa.
"I'm so proud of Kristy too," Keanna mumbled.
"That woman... She's a great woman," sabi naman ni Raymond.
Ano ba 'yan. Masyado na 'kong nata-touch sa mga sinasabi nila. Saglit akong napayuko to breathe in and out. And when I looked up, I saw Rainie looking at me.
"Kristy..." Rainie mumbled. "I think I'm seeing her now," parang wala sa sariling sabi niya. Sabay namang lumingon sa direksyon ko ang tatlo. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nila.
"Oh my God!" Sigaw ni Keanna saka dali-daling tumayo at tumakbo sa akin. She welcomed me with a big hug. Sumunod naman ang tatlo pero hindi agad nila ako nayakap kasi parang ayaw na akong bitawan ni Keanna. When she let go, napansin kong umiiyak na pala siya.
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.