Chapter 24
"Oh my gosh! Really?!" Pasigaw na sabi ni Keanna. Grabe siya maka-react nang sinabi kong kami na talaga ni Blue, as in officially.
"Hinaan mo nga boses mo," suway ko sa kanya.
Papunta kaming classroom for our first morning class. Ngayon lang kasi kami nagkachika ni Keanna kasi hindi umuwi ang gaga nung weekend. Ang sabi ay kina Raymond na siya nagstay. Not sure kung sa bahay ba nila Raymond o sa condo nito. Ginaganahan na talaga siya. Di man lang napapagod.
"Gaga ka. Masaya ako para sa 'yo," she said. She suddenly hugged me. "Dalaga ka na talaga," natatawang dagdag niya. Lumayo ako mula sa pagkakayakap niya and made a face.
"Gaga ka rin," I replied. Nagtawanan na lang kami na parang mga baliw sa daan.
"Kumusta nga pala meet up niyo ng parents ni Raymond?" Tanong ko.
"Okay naman. Feel ko tanggap naman ako ng angkan nila," natatawang sagot niya.
Tiningnan ko siya nang maigi at nakita ko ngang masaya siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.
"I'm happy for you," I uttered. Agad naman siyang napatingin sa akin nang nakakunot ang mga kilay.
"Ay? Magda-drama ka ba?" She asked.
"Ito naman. Parang sinabi ko lang na masaya ako para sa 'yo," I muttered. "Masaya talaga ako para sa ating dalawa kaya wala akong rason para mag-drama. Masaya ako kasi okay na kami ni Blue. At masaya rin ako para sayo kasi tanggap ka ng parents ni Raymond. Masaya ako kasi sa wakas, nahanap mo na ang match mo kahit na nakakarindi kayo sa tuwing naglalandian kayo sa harap ko," I said. Totoo yun. I'm genuinely happy right now.
"Ang saya natin. Ang lusog ng lovelife natin. Sana ganito palagi," she mumbled. Natawa naman ako sa sinabi niya. Gaga rin 'to eh.
Nakarating na kami sa classroom at naabutan namin si Gelo na tutok na tutok sa phone niya.
"Busy ah. Anong pinagkakaabalahan mo?" I commented. Nabigla naman ako nung agad niyang tinago ang phone niya na parang natataranta.
Nakakunot-noo akong umupo sa tabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ang weird niya. At nakakatawa rin ang mukha niya. Para siyang nahuling gumagawa ng krimen.
"Anong ginagawa mo? Mukha kang tanga," sabi ko na pinagtawanan naman ni Keanna.
"At ba't ka namumula?" Dagdag naman ni Keanna.
"Wala," sagot ni Gelo.
"Anong wala?" Tanong ko. Nakita ko yung phone niya sa bulsa niya kaya sinubukan ko iyong kunin pero mabilis siyang nakakilos kaya hindi ko nakuha. May pagka-ninja naman pala itong isang 'to.
"Wag ka nga. Makita mo pa porn collection ko diyan," he said na nagpalaki ng mga mata ko.
Oh my God! Kaya ba siya parang natataranta nung naabutan namin siyang nakatutok sa phone niya? Kasi nanonood siya ng porn?
Omg, ganun ba siya ka-dry?
"Kadiri ka, Gelo!" Sabi ko. Natawa lang naman siya.
"Grabe. Ang aga pa, Gelo," komento naman ni Keanna.
"Ang tigang nito," dagdag ko pa.
"Wow. Sorry naman sa may sex life ha?" He suddenly said. Agad naman akong napalingon sa kanya nang nanlalaki ang mga mata.
Did he know? Sandali, ba't niya alam na nagsi-sex kami? Did he even know may boyfriend na ako? Halata ba? Halata ba yung sinasabi nilang after sex glow?
"Hinaan mo nga boses mo. Machismis pa tayo," Keanna grumbled.
"Alam mo?" I mouthed.
"Oo, alam ko," he replied. "Madalas kitang makitang pumapasok sa condo unit nung lalaking sumundo sayo last time."
"Paano mo nakita? Sinundan mo ba ako?" I asked. Nahiya tuloy ako. Parang feeling ko marami siyang alam tungkol sa akin. Feeling ko alam niyang nagsi-sex kami ni Blue. Feeling ko naririnig niya akong umuungol. Ugh. My head!
"Baliw. Bakit naman kita susundan?" Sagot niya saka nag-iwas ng tingin. "May unit rin ako doon at doon ako nakatira. Ang feeling nito."
"Chismoso ka rin eh!" I lashed.
"Kasalanan ko bang nakikita kitang pumapasok dun sa condo?" He mumbled. Agad kong tinakpan ang bibig niya. Nagsisidatingan na kasi mga classmates namin at baka ma-chismis pa ako nang wala sa oras.
"Okay, okay. Pwede wag muna natin pag-usapan? Feeling ko nahuhubaran ako," I murmured.
"Ay? Horny, teh?" Keanna commented.
"Gaga," was all I said. "Gago ka rin," baling ko kay Gelo. Tumawa lang naman ang gago.
"Sa susunod wag ka nang mangchismis. Maghanap ka na lang ng girlfriend mo para may ka-sex ka rin," I whispered in his ears. Nang lumayo ako ay saka ko napansin ang pamumula ng tenga niya. Ay, sensitive?
"Hindi naman ako naghahanap ng girlfriend para may ka-sex. I'm not like that," he replied. Natahimik naman ako.
A part of me thought sana ganyan rin si Blue. Pero naalala kong sinabi niyang hindi naman yun ang habol niya sa akin, which I believe half-heartedly. Mahirap paniwalaan pero pinili ko pa ring paniwalaan.
"And besides, the girl I like isn't available yet," dagdag niya. Agad naman akong na-curious at napatingin sa kanya. Ohh, I didn't know he's liking someone pala.
Nilingon ko siya at maging si Keanna ay naging interesado rin kasi inilapit niya talaga ang sarili para makinig sa pinag-uusapan namin.
"Hala, sinetch?" She questioned.
"Isn't available yet? So hinihintay mong maging single, ganun?" I asked.
"Yeah," he replied. Nginitian niya kami but the kind of smile na hindi umaabot sa mata. Nalungkot tuloy ako para sa kanya. Kasi paano kung hindi na yun maghiwalay? Edi naghihintay siya sa wala?
"Sana maghiwalay na sila para magka-love life ka na," sabi naman ni Keanna na tinawanan lang ni Gelo.
"Ano ba 'yan. So kailangan pang ma-broken hearted nung girl para lang sumaya ka?" I mumbled. Parang ang sama naman kasi. I don't know if it's really good or bad. Pero kasi, how can he wait for a girl to be broken para lang makapasok siya sa buhay niya? Parang ang selfish naman? Okay sana kung hindi matino yung current boyfriend nung girl.
"Ganun talaga. Kailangan niya munang masaktan para ma-realize niyang that guy doesn't deserve her."
"Ay? Ang taray. Bakit ba? You think the guy's not right for her?" I asked. Kung makapagsalita kasi siya parang ang dami niyang alam.
"Yeah. I can feel it. It takes one gago to know one," he said while looking at me.
"Eh sure ka ba na ikaw deserve niya?" I queried and he suddenly smiled. Ayan na naman iyang ngiti niyang parang malungkot.
"I will make myself deserving of her."
"Edi agawin mo na lang," Keanna said. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nag-advice pa, hindi naman tama.
I heard Gelo chuckled saka ginulo niya pareho ang mga buhok namin ni Keanna kaya nasapak ko siya.
"Kung pwede nga lang agawin ko na lang siya," he said sadly while looking at me.

BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.