Chapter 30

3.1K 59 0
                                        

Chapter 30

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nabigla ako but I was able to recover. Siguro masyado talaga akong masaya kasama si Blue that I hurriedly said yes.

Impulsive, yes. Pero tatanggi pa ba ako? Lalayuan ko pa ba ang kasiyahan kung ito na mismo ang lumalapit sa akin?

My parents won't like it for sure. Kasi hindi naman ako pinalaking ganoon ng parents ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila kaya I decided not to tell them muna. Ayoko namang bigyan ng heart attack ang parents ko. Baka dadahan-dahanin ko muna. Sisimulan ko sa pagsasabing may boyfriend na ako.

Kaya nang makauwi kami mula sa bakasyon namin ay excited akong sinabi iyon kay Keanna.

Pagkarating ko ay nasa condo lang siya, kumakain ng popcorn habang nanonood ng series sa laptop niya. For sure ay busy si Raymond. Hindi naman kasi 'to siya nananatili ng bahay hangga't may free time ang boyfriend niya.

"Oh, you're back!" Bungad niya pagkakita sa akin. Agad ko siyang nginitian saka inilapag ang mga gamit ko sa sofa at tumabi sa kanya.

"Iba ata ang glow natin ngayon ah?" She commented.

Yumakap ako sa kanya, which she probably found weird kaya agad siyang lumayo sa akin.

"Ano 'yan? Ano 'yang payakap-yakap na 'yan? May ginawa ka bang hindi ko magugustuhan?" She asked. Sinagot ko lang ulit siya ng ngiti.

"Huy naki-creepyhan na ako sayo ha," she murmured.

"Ang OA nito," sagot ko. Kumuha na rin ako ng popcorn saka nakinood sa pinapanood niya. Games of Throne, eh.

"Ano nga? May nangyari ba?" Tanong niya. "Ay oo, malamang. May nangyari talaga."

Natawa na lang ako sa kanya.

"So ano nga? Something else happened?"

"Hulaan mo," sagot ko nang nangingiti.

"Huy girl, hindi ako manghuhula. Wag mo kong pahuhulain kasi hindi ka exams. Alam mo namang sa multiple choice lang ako magaling manghula," sagot niya.

"Gaga ka," natatawang sagot ko. "So ito na nga."

"Ano?"

"Uh... Blue and I decided to live together!!!" Masayang sabi ko. I was all smiles while waiting for her reply. Pero agad iyong nawala nang makita ang reaksyon niya.

Agad nawala iyong excitement na naramdaman ko. Para kasing hindi niya nagustuhan iyong sinabi ko.

"Keanna?" I nervously called.

"Hindi ba parang masyado naman atang maaga para mag-decide kayong magsama sa iisang bahay?" Sabi niya.

"Wala naman atang timeline para diyan eh. When you feel like it's something you want to do and you're happy, then go," sagot ko. Iyon kasi ang pinanghahawakan ko simula nung pumayag akong mag-live in kami ni Blue.

"Oo, I get that. Pero kasi alam mo yun, parang it's too early. You haven't met his parents yet. Ako nga hindi ko pa siya gaano kilala," she replied.

"Pero friends naman sila ni Raymond," I answered.

"Magkaiba 'yon eh. Ikaw ba kilala mo na talaga siya?"

Napaisip ako doon. Pero nung nakasama ko si Blue sa bakasyon, pakiramdam ko kilalang-kilala ko na siya. He's slowly showing his real self to me. Pwede naman naming kilalanin talaga ang isa't-isa kapag magkasama na kami.

"Andun na kami, Keanna. Dahan-dahan na niyang binubuksan ang sarili niya para sa akin. He's slowly showing his real self. Naramramdaman ko."

Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin. Pero dahan-dahan naman siyang napangiti kaya medyo napanatag na ako.

"Masaya ka naman ba?" Tanong niya.

"Oo. Sobra," I replied. Iyon naman kasi ang importante eh. Iyong kasiyahan namin.

"Sige na nga. Papayagan na kita. Pero paano mo sasabihin kina tita? We both know she won't like it," she muttered.

"I decided na wag muna sabihin sa kanila. Hahanap muna ako ng tiyempo," sagot ko.

"For sure magagalit talaga sina Tito at Tita niyan. Hindi ka pa naman nila pinalaking ganyan. Alam mo yan."

"Oo, alam ko. Di bale na. I can cover up for it pa naman. Basta cooperate ka rin ha," sagot ko. Ayaw ko namang magsinungaling. I suck at it. Pero iyon lang muna ang magagawa ko ngayon habang humahanap ng tiyempo.

"Nako yang mga kalokohan mo, Kristy ha."

Bigla namang may nag-door bell kaya nagkatinginan kami ni Keanna.

"Are you expecting for someone?" Tanong ko.

"Wala naman. May ginagawa si Raymond ngayon."

"Who could this be?" I asked.

Ako na ang tumayo para buksan ang pinto, iniisip who could it possibly be.

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Gelo.

"Oh, ba't ka nandito?" Tanong ko habang pinapapasok siya sa loob.

"Bawal bang tumambay dito?" Sagot niya saka naupo na sa sofa. Ang feel at home talaga ng isang 'to.

"Wow. Di busy?" Tanong naman ni Keanna. Naupo na rin ako sa sofa. Katabi ko si Gelo na katabi naman si Keanna.

"Nah. Boring nga eh," sagot niya as he picked some popcorn.

"Nagdala ka sana ng food," sabi naman ni Keanna.

"Pa-deliver tayo, gusto niyo?" Gelo asked.

"Yes, please! Pizza!" Agad na sigaw ni Keanna.

Agad na nag-order si Gelo. Nagpaka-spoiled naman si Keanna at nag-request pa ng kung ano-ano.

"So, what's up with you two?" Tanong ni Gelo matapos makapag-order.

"I just got home from Blue and I's vacation," sabi ko. I told them about the beach where we were at. At kung gaano ka-relaxing at kaganda doon.

"Sabihan mo nga si Blue isama kami next time. Daya niyo eh," sabi ni Keanna.

"Sure. Kung di na siya busy ulit."

Napansin kong natahimik si Gelo. Nakakapanibago. Madalas kasi siyang madaldal tapos biglang naging ganito katahimik.

"Uy, problema mo?" Tanong ko. Agad siyang napatingin sa akin. Iyong tingin na para bang gusto akong tunawin. Na-conscious tuloy ako.

"Iniisip ko lang kung isasama kami ni Blue, sinong isasama ko? May boyfriend ka, may boyfriend si Keanna. I don't want to be sad you know," sagot niya. Agad kaming natawa ni Keanna. Gago rin 'to eh.

"Iyan talaga problema mo?" Tumatawang tanong ni Keanna.

"Actually pinoproblema ko rin ang world peace. Pati ang kahirapan at corruption. Hirap nga eh," dagdag ni Gelo na mas nagpatawa sa amin ni Keanna.

"Baliw ka talaga," sabi ko na lang. Havey talaga mga jokes niya sa akin.

"Baliw sa kanya," he whispered, but I heard it. Agad akong napatitig sa kanya.

"Sinong 'sa kanya'?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. He just stared at me.

Ilang segundo kaming nagtitigan. Ako, pilit na humahanap ng sagot sa mukha niya. Siya, hindi ko alam.

Nang medyo napatagal na ang tinginan namin ay siya na mismo ang umiwas ng tingin.

"Nah." He just shrugged.

"Sino nga?" Pangungulit ko.

"Sinong 'sino nga'?" Tanong naman ni Keanna. Malamang she haven't heard what he whispered and what we talked about a while ago.

"Wala nga," he replied.

"Ang bad nito," I commented.

"Never mind nga kasi," he said. "Kayo talaga," he added saka ginulo ang mga buhok namin.

Agad namang may nag-doorbell.

"Baka pizza na 'yan," he said as he stood up to open the door.

Itong si Gelo talaga, ang raming sikreto.

I wonder if Blue has secrets too.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon