Chapter 13
What's on my mind is to run away. I want to run away not because I'm a coward, but because I don't want things between us to be more complicated. Gusto ko nang itigil ang kung ano mang nangyayari sa amin ni Blue because it might turn out worse. Kapag ipagpapatuloy ko, baka hanap-hanapin ko lang and that's the very last thing I want to happen.
After that night with Blue, ako na ang kusang umalis. I didn't even bother saying bye to him. Ayokong baka pigilan niya ako at magpapigil naman ako. Mahina pa naman ang resistance ko sa tukso. So I just left him without any word.
It has been weeks since it happened. Nag-focus na lang ako sa pag-aaral at ibinuhos lahat ng attention sa school, avoiding matters about him to come on my mind. Siguro nga duwag ako for not facing it. Pero kasi mali 'yon, and I don't want to compromise myself and my heart. I don't want to risk any feelings.
I took another sigh as I closed the book in front of me. I won't deny the fact na minsan ay pumapasok pa rin sa utak ko si Blue, like now. There are times kung kailan basta-basta na lang siyang pumapasok sa isip ko. I don't have any contact to him, which helps. But I also can't deny the fact na nabo-bother ako sa bigla-biglang pagpasok niya sa utak ko. Does this indicate something?
"Malapit ka na talagang bumingo sa akin, Kristy," Keanna suddenly spoke. I looked at her with bored look. Hindi na kami madalas magsabay papuntang school dahil sa tagal niyang gumising at bagal niyang kumilos. And every morning, she keeps on complaining about it. Bakit kasi hindi na lang siya magpasundo sa boyfriend niya.
"You know what, I have a suggestion," I said. Umupo siya sa katabi kong upuan and gave me a gaze.
"Ano?" She asked.
"Magpasundo ka na lang kay Raymond every morning. Tutal siya naman ang rason kung bakit ka natatagalan," I said. Gabi na kasi siya minsan kung umuwi dahil sa kaka-date nila ng boyfriend niya. At kaya rin ang tagal niyang matapos sa pag-aayos ng sarili dahil gusto niya laging maganda sa harap ng boyfriend niya, which I wouldn't do if I have a boyfriend. Aba, kung talagang mahal niya ako, ako pa rin ang pinakamagandang babae para sa kanya kahit na hindi ako nakakapag-ayos o ano.
"Well, okay rin. Pero geez, siya na naman ang mabo-bother ko?" She said while pouting.
"Why not? Kesa naman ako ang ma-bother?" I murmured. I opened my book again and continued reading. Whatever.
"You're not helping," she said.
"No, you're not helping," I said seriously. I heard her stifle a sigh.
"You know what, Kristy, you became boring and KJ ever since nag-break kayo ni Blue. Affected ka rin ba? Do you want me to help you with your moving on?" She murmured. After what happened between me and Blue that night, sinabi ko agad kay Keanna. But what I told her was of course filtered. Ang sinabi ko lang sa kanya ay ayaw ko na and that I already ended everything between us. Sinabi ko na lang that things didn't work out.
"No, thanks, Keanna. Hindi ko kailangang mag-move on. I'm over it," I said.
"You're over it?"
"Yes."
"I doubt it."
"Okay, think what you want to think. Basta ayoko na siyang pag-usapan," sabi ko saka tumayo na at naglakad na palayo pero nakasunod pa rin siya. I bet hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako napipikon.
"I see, you're still affected," she grumbled. Hindi ko na lang siya sinagot and just pretended I hear nothing. "Tanong pa naman nang tanong sa akin si Blue kung kumusta ka na raw," she added. Pagkarinig 'non ay napahinto ako sa paglalakad at awtomatikong kumunot ang noo ko.
This time ay nilingon ko si Keanna and arched a brow at her. Ang gaga ay ngumiti lang sa akin. Sarap kurutin sa singit.
"Wala pa rin akong pakialam," sabi ko at inirapan uli siya. Bahala siya. I won't give her the satisfaction of seeing my misery. Wait, what? Misery? Paano ako nagka-misery? Kung ano-ano na nga talaga ang naiisip ko. Palala na nang palala.
"Asus! Eh kita ko nga sa mga mata mo ang pagkasabik nang banggitin ko ang pangalan ni Asul," she teased.
"Hindi iyon pagkasabik kundi pagkairita. Ikaw Keanna ha, tigil-tigilan mo ako diyan sa mga Blue jokes mo," sabi ko na para bang inang pinagsasabihan ang anak. Hindi ko talaga alam kung paano natiis nina Tita at Tito ang kakulitan ni Keanna sa lahat ng bagay.
"Ayaw mo ng Blue jokes?" She said, faking sadness in her voice. "Okay, green jokes na lang para masaya," she added and even chuckled at her statement. Ewan ko rin kung paano natiis ni Raymond itong baliw kong kaibigan. At ewan ko rin kung paano nagtagal nang ganito ang pagkakaibigan namin.
"Ewan ko sayo," I mumbled. Mabuti pa sigurong 'wag ko na lang pansinin lahat ng kagagahan niya at baka maging gaga ulit ako.
"Pero seryoso Kristy, hindi mo nami-miss ang hotness ni Blue? Kasi ako, every second ay nami-miss ko ang boyfriend ko.. at ang mga ginagawa namin," she said and then giggled. Okay, I need to take a breath.
I do miss his hotness though. But that doesn't mean I'll go running back to him. Ayoko nang i-tolerate ang kabaliwan ko.
But as Keanna was talking about her and her boyfriend, Blue's image popped into my mind. And it wasn't just an image of him, but an image of him naked. Sinubukan kong i-divert sa ibang bagay ang isip ko pero walang effect. Hindi mawala sa isip ko si Blue at ang hubad niyang katawan, which makes me wonder if it's because Keanna mentioned him or if I am merely imagining him or what. Para bang nakadikit na sa kaibuturan ng utak ko ang litrato niya at ayaw nang mabura. What's worse is I am not just seeing his bare body on my mind, I can also feel the heat all over my body which drove me to the conclusion of missing his every touch and kiss.
Gosh, I'm horny.

BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.