Chapter 28
Nandito ako ngayon sa unit namin, packing my things up. Niyaya kasi akong magbakasyon ni Blue. Since the semester's finally over at wala masyado siyang work, we decided to spend a few days together. Ang sabi niya ay may rest house raw siya somewhere. Di ko alam saan yun. All he said is may beach daw. Kaya di na ako nag-inarte at pumayag na agad.
Ako lang ang nandito kasi nag-volunteer si Keanna na mamili ng mga kulang pa namin na gamit dito sa condo. Magkasama sila ni Raymond ngayon kaya di na ako magtataka kung bakit ang saya niya nung umalis siya.
Matapos makapag-impake ay chineck ko ulit kung may naiwan pa ba ako. Nang masiguradong okay na ay lumabas na rin ako. Sakto namang pagbukas ko ng pinto ay nasa labas na si Blue. Medyo nagulat pa ako na sinundo niya pa talaga ako. Kinikilig tuloy ako.
"Are you ready?" Bungad niya. Agad ko siyang nginitian at sinagot ng tanong.
Kinuha niya ang mga gamit ko at siya na ang bumitbit. Ang gentleman talaga ng boyfriend ko!
"This is going to be a long drive. You might wanna sleep," sabi ni Blue nang makasakay kami sa kotse niya. Napaisip ako. Actually mas gusto ko iyong matagal na biyahe. Ibig sabihin mas matagal kaming magkakasama ni Blue.
"Okay lang. Hindi naman ako antukin sa biyahe," sagot ko.
Nagsimula nang magmaneho si Blue habang ako ay nakaupo lang sa passenger's seat sa tabi niya at paminsan-minsan ay sinusulyapan ang kagwapuhan niya.
I giggled in my mind.
Naka-simpleng white v-neck shirt lang naman siya and pants. Pero kahit simple lang ang suot niya ay feeling ko para pa rin siyang rarampa sa runway sa lakas ng dating niya. Iyong tipong kahit siguro damitan siya ng gusot-gusot o sira-sira na damit, ang gwapo niya pa rin.
Pero syempre mas bet ko iyong wala siyang damit.
Shocks. Ang halay ko na talaga.
As usual ay hindi gaano nagsasalita si Blue kaya ako ulit iyong daldal nang daldal. Iniisip ko pa nga anong mga mangyayari sa aming dalawa sa rest house niya. I mean, yes, meron naman talagang ganun na mangyayari. Ang iniisip ko ay iyong mga mangyayari aside dun. Parang ang boring rin naman kasi kung puro tusukan na lang ang mangyayari. Ang dami na naming memories na ganun. Dapat ay may something unique and memorable naman na maganap.
"What about bonfire? Gusto ko ng bonfire!" Sabi ko.
"Sure."
"Tapos iyong tipong habang nasa bonfire tayo, pag-uusapan natin lahat ng pwedeng pag-usapan. Mga hugot natin sa buhay. Mga pinagdaanan natin. Mga achievements natin. Di pa kasi tayo nakakapag-usap nang ganun kaseryoso. Diba? What can you say?" Excited na sabi ko. Nilingon ko si Blue and I saw him nodding his head.
"I'm in," he simply said. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makarating na sa rest house niya para masimulan na namin ang pagbuo ng mga magagandang memories.
Sa sobrang excited ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang makarating na kami sa rest house.
Nang makababa ng kotse ay agad akong napatingin sa paligid. Namangha ako sa ganda. Unang tingin ko pa lang na-relax na agad ako. Napaka-relaxing! Feeling ko ayaw ko nang umuwi sa syudad at dito na lang tumira.
May isang lalaki ang tumulong sa pagbuhat ng mga gamit namin papasok sa rest house. Pero agad rin siyang umalis nang matapos siya sa pagbubuhat.
Pati ang rest house ay ang ganda ng interior. Everything screams luxury and wealth. Now I have an idea gaano kayaman si Blue.
BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
ChickLitThings happen when it's supposed to happen.