Chapter 36
It wasn't supposed to feel this way. Dapat ay masaya ako. Dapat ay ang kasal ko lang ang iisipin ko. But how come I still have this unwanted feelings lingering inside me? Na para bang isang malaking bagay ang nawala sa akin sa pag-iwas sa akin ni Gelo.
Mabuti siyang kaibigan. Kahit hindi naging maganda ang first impression ko sa kanya ay kahit papaano ay nagkaroon kami ng magandang pagsasamahan. Kaming tatlo nila Kristy. Kahit hindi pa ganoon katagal ang pagkakaibigan namin, ramdam ko pa rin na ang genuine ng aming friendship.
Hindi na ako aasang dadalo siya ngayon sa kasal ko. Nasa kanya iyon. Ayaw ko namang pilitin siya kung masasaktan rin lang naman siya. Kahit masakit para sa akin ang hindi siya makasama isa sa pinakamahalagang ganap sa buhay ko. Tama na ang sakit na naibigay ko sa kanya sa hindi ko pagbibigay ng pagmamahal na nararapat sa kanya.
Kasi mahal ko si Blue. At hindi tamang paasahin ko siya gayung may mahal naman akong iba. Ayaw ko nang ganoon.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Nervous?" Nangingiting tanong ng make up artist sa akin.
Kanina pa ako nakaupo dito at inaayusan nila. Sumasakit na nga ang leeg ko. Paano, mukhang lagpas isang oras na ata silang naglalagay ng make up sa akin eh hindi ko naman na kailangan ng makapal na make up. Keri na kahit manipis lang. Maganda na naman ako. Char. Baka mamaya niyan hindi na ako makilala ng mapapangasawa ko.
Sinagot ko lang ng ngiti ang make up artist kasi hindi ko naman maigalaw ang bibig ko sa takot na baka masira ko ang ginagawa nila sa mukha ko.
Nakita kong pumasok si Keanna sa kwarto kung nasaan ako. Tapos na siyang ayusan at ngayon ay nakasuot na ng gown.
Nakita kong dahan-dahan siyang umupo sa kama malapit sa akin kung saan nakikita niya ang mukha ko. Nakatingin lang siya sa akin like she wants to say something.
Hinintay ko lang na matapos sila sa pag-aayos sa akin at pagpapasuot sa akin ng wedding gown. Saka ko kinausap si Keanna na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.
"Ba't ganyan ka makatingin?" Tanong ko. Nakita ko lang siyang bumuntong-hininga saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Andito lang ako para sa 'yo palagi. Tandaan mo 'yan ha?" Nakangiting tugon niya. Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Para kasi siyang naghahabilin. Nakakakilabot.
"Anong drama 'yan?" Natatawang tanong ko.
"Wala lang. Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na may Keanna na bago dumating si Blue. Baka kasi makalimutan mo na ako," sagot niya. Mas lalong napakunot ang noo ko. Ang weird niya kasi.
"Ano ka ba? Syempre hindi kita makakalimutan. Best friend kita. At kahit na magkakaasawa na ko, best friend pa rin kita," sabi ko.
Binigyan niya lang ako ng ngiti saka bumuntong-hininga ulit.
Kung di ko lang talaga siya kilala, iisipin ko na talagang naiinggit siya sa akin kasi ikakasal na ako. Pero nah.
Saglit na lumabas ang mga make up artist saka naman pumasok ang mga photographers for the pictorial.
Pose lang kami nang pose doon, kasama si Keanna at ang ilan pang bride's maids.
"Anak," narinig kong tawag ni Mommy. Napatingin ako sa kanya saka ko nakita ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
"Mommy naman. Wag ka munang magdrama. Papangit ako," pabiro kong sabi. At the same time ay piniligilan ko rin ang huwag maiyak.
"I'm just happy for you, anak. Kami ng daddy mo," sabi niya pa. Napatingin naman ako kay Daddy na nasa tabi niya lang na para bang hindi makatingin sa akin.
Asus. Kung alam ko lang, naiiyak rin itong si Daddy eh. Pinipigilan lang.
"Mommy talaga," I just said.
The organizer then called the guests out. Ang sabi ay ilang minuto na lang ay magsisimula na ang ceremony. Kaya heto ako sa kwarto, pilit na pinapakalma ang sarili kasi kinakabahan.
"You'll be fine, Kristy," narinig kong sabi ni Keanna na siyang kasama ko lang dito sa kwarto.
"Kinakabahan talaga ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko," I said.
"Gusto mong ikuha kita ng tubig?" Alok niya. Nilingon pa niya ang coffee table sa tabi namin kung nasaan nakapatong ang isang pitcher ng tubig na ubos na. Ako ata nakaubos 'non eh.
"Pwede?" I asked.
"Sige, sige. Kukuha ako," sabi niya saka lumabas ng kwarto.
Sa kalagitnaan ng paghihintay ko kay Keanna at pagpapakalma sa sarili ay narinig kong may kumatok sa pinto. Agad akong napalingon doon. Ang akala ko ay si Keanna na 'yon pero ang assistant pala ng organizer.
"Ma'am, may gusto pong kumausap sa inyo. Hindi ko po sana papayagan kasi malapit nang magsimula ang ceremony pero kasi mapilit po," sabi nito. Napakunot naman ang noo ko. Wala naman akong naisip na pwedeng magpumilit na kausapin ako sa oras na 'to.
"Sino ba 'yan?" Tanong ko. Kinakabahan na kasi ako sa gaganapin na ceremony kasi paano kung matumba ako? Paano kung maapakan ko ang gown ko? O di kaya ay matapilok? Nakakahiya 'yon. Tapos dadagdag pa sa aalalahanin ko ang makulit na 'to na gustong kumausap sa akin.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto. Ang tanga ko pa kasi pwede ko naman papasukin na lang sa kwarto gayung hirap akong maglakad dahil sa haba at bigat ng gown. Kaso parang automatic na tumayo ang mga paa ko at nagtungo sa pinto.
"Nasaan ba siya?" Tanong ko. May kung anong tinuro ang babae kaya sinundan ko iyon. At laking gulat ko nang makita ko ang isang babae na kamukha ko. Kamukhang-kamukha ko.
Napakunot-noo ako. Hindi agad pumasok sa isip ko kung totoo ba ang nakikita ko.
Matapos ang ilang segundo ay agad na lang akong natawa.
"Prank ba 'to?" Tanong ko habang tumatawa. "In fairness, nakakawala ng kaba."
Nilingon ko ang assistant organizer at nakatingin lang siya sa akin ngayon na para bang nawiwirduhan sa galaw ko.
"Mirror ba 'to?" Tanong ko ulit. Itinapat ko ang kamay ko sa mukha ng kaharap kong kamukha ko pero hindi naman iyon sumusunod sa galaw ko. Kaya sinubukan kong hawakan ang ilong nito at nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko para ilayo sa mukha niya.
Nanlaki ang mga mata ko at parang may kung anong biglang gumulo sa isip ko. At parang may kung anong kakaibang kaba akong naramdaman sa loob ko.
"Kristy, ba't ka-" hindi naman natuloy ni Keanna ang sasabihin niya dahil napatingin siya ngayon sa harapan ko. Nanlalaki ang mga mata niyang nagpapalit-palit ng tingin mula sa akin at sa babaeng kaharap ko.
Bakit ko siya kamukha? At bakit siya nandito?

BINABASA MO ANG
And Then It Happened (Completed)
Chick-LitThings happen when it's supposed to happen.