"Tapos ka na ba talaga sa kaniya o hanggang ngayon ay hinahanap mo pa rin siya dahil gusto mong bigyan ng kumpletong pamilya ang anak niyo?"
Napabuntonghininga na lamang si Lazarus sa tanong na iyon ng kaniyang kapatid na si Leviticus habang sila ay nasa mini bar ng mansion nito.
Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa babaeng matagal na siyang iniwan dahil mas pinili nitong sumama sa iba kesa ang maging Ina sa kanilang anak na si Almiah.
"Hindi naman puwedeng magsinungaling ako habang-buhay sa anak ko," aniya.
He drunk one glass of whisky again before he continues. "Habang lumalaki siya, mas nangungulila siya sa pagmamahal ng isang ina," he sadly uttered. Nakaramdam siya ng awa para sa anak.
"So ano'ng plano mo ngayon?" Sumunod namang tanong ni Leviticus. "Hahanapin mo siya? E 'di ba nga ay ilang taon mo na siyang hinahanap? Hanggang ngayon ba wala ka pa ring ideya kung saan siya hahagilapin?" Dagdag pa nito.
That is also the reason why Lazarus thought that money is useless sometimes. Kahit ilang tao pa ang bayaran niya para hanapin si Almirah ay wala pa rin namang nakapagtuturo kung nasaan ang babae.
Palagi na lang siyang umaasa na isang araw ay ibalita sa kaniya na mayroon nang lead kung saan ito matatagpuan pero mahigit anim na taon na ang nakalipas ay wala pa ring Almirah na nakikita.
"If I have known that she was pregnant, dapat ay hindi ko na lang siya hinayaang umalis," puno ng pagsisisi niyang sambit habang inaalala ang huling beses na nakita niya si Almirah.
Nagpaalam ito noon ay babalik sa probinsiya para bisitahin ang kaniyang mga magulang. Kung hindi lang siya abala noon sa trabaho ay hindi niya ito papayagang pumunta nang mag-isa.
Lazarus regretted that moment. Palagi niyang sinasabi sa sarili niya na sana ay sinamahan niya na lang ito dahil kung gan'on ang nangyari, sana ay hindi na nahihirapan at nangungulila ang kaniyang anak.
Ilang buwan hanggang sa naging taon ang lumipas ngunit walang Almirah na bumalik.
Lazarus was aware that their set up was fucked up pero hindi niya inaasahan noon na kaya siyang iwan ni Almirah. He almost lost himself when she left, pero nagbago ang lahat nang dumating si Almiah.
She was just almost like a newborn when he saw her at his mansion's gate. Ang sabi ay iniwan doon kasama ang sulat na nagsasabing sa kaniya ang bata. At first, he doubted it so he's done blood testing, and it turned out positive. Almiah was her daughter. Gayunpaman, wala pa ring Almirah na nagpapakita.
"Kahit para sa anak niyo na lang sana, bro. Naiintindihan ko naman na baka hindi siya handang magka-anak dahil bata pa nga noon, pero sana ay sa mas maayos naman na paraan niya iniwan ang bata," Lev sounded so concerned when he said those words.
Dahil doon ay muling nabuhay ang galit na pilit pinakakalma ni Lazarus sa kaniyang kalooban. Ayaw niyang magalit sa Ina ng anak niya pero dahil umalis ito nang wala man lang pasabi, hindi niya maiiwasang kamuhian ito.
"Daddy..." Pareho silang napalingon ni Leviticus dahil sa boses na iyon ni Almiah. Kaagad na tumayo si Lazarus para daluhan ang anak na mukhang naalimpungatan na naman dahil sa masamang panaginip.
"Yes, baby?" Lazarus
"I had a b-bad dream again... My classmates were laughing at me because I have no M-Mama..." Humikhikbing sinabi ng kaniyang anak.
That made his heart break. Palaging gan'on na lang ang panaginip niya. Kung hindi naman ay ang pilit na pagkuha sa kaniya mula sa ama nito.
"Shh... It's just a bad dream, okay? It's not true," paliwanag niya sa bata ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"Tahan na, baby. Hayaan mo... mas gagalingan pa namin ang paghahanap sa Mommy mo, okay?" Si Leviticus naman ngayon habang sinusubukang patahanin ang bata.
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Her eyes were red from crying.
"T-Talaga po?" Her eyes were hopeful.
Tumango lamang si Leviticus saka nito marahang pinisil ang ilong ng bata.
"Thank you po, Tito Lev..." Anito bago muling unti-unting inantok sa bisig ng kaniyang ama.
Nagpaalam muna si Lazarus para maihatid ang anak sa kwarto nito. Sh he laid down his daughter, hindi niya maiiwasang makita ang hitsura ni Almirah sa bata. They look so alike. Parehong inosente kung tingnan, lalo na kung tulog. Habang lumalaki si Almiah, mas nagiging kamukha nito si Almirah.
"Hang in there, baby. I'll do everything to bring your Mommy back home. I promise you that," aniya habang marahang hinahaplos ang noo ng kaniyang anak.
Alam niyang hindi maayos ang set-up nila noon ni Almirah. She was just nineteen back then. Lazarus knew that she thought she can only offer her body in exchange of money. She needed it dahil sadyang naging malupit ang buhay sa kaniya noon. Dahil sa hirap ng buhay, nagawa niya ang isang bagay na hindi niya lubos maisip na kaya niyang gawin dahil sa labis na pagmamahal sa pamilya.
Kaya naman ipinangako ni Lazarus sa kaniyang sarili na kung hindi kayang hanapin ng mga taong binabayaran niya si Almiah ay siya mismo ang gagawa ng paraan para mahanap niya ito.
He will do everything to bring her back. He promised to find her before Almiah's sixth birthday.
Wala siyang sinayang na oras. Day and night, he'd look for her by going in different places he hoped she would be. Wala mang anumang magandang resulta, wala ang pagsuko sa listahan niya dahil desidido siyang mabigyan ng buong pamilya ang kaniyang anak.
He was hoping for the best, but one day. As he was driving back home, his phone rang. It was from Nana Telma—ang siyang nag-aalaga kay Almiah.
Kaagad siyang dinapuan ng kaba dahil inaasahan niyang baka tungkol na naman ito sa kaniyang anak. Pero pilit niya iyong isinasantabi at inisip na lang na hinahanap lang siya ng kaniyang anak.
When he finally picked up the phone, hindi niya inaasahan na mas nakagugulat pa palang balita ang ipararating sa kaniya ng kanilang kasambahay.
"S-Sir, si Ma'am Almirah po... narito sa bahay..."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...