Kabanata 30

1.4K 15 0
                                    

Maagang umalis ng bahay si Lazarus sa araw na iyon para personal na puntahan ang kaniyang mga magulang sa bahay ng mga ito para sa nalalapit na kasal nila ni Almirah.

Tatlong araw na lang kasi ay magaganap na ang pinakahihintay niyang kasal nila. In his mind, he's overjoyed and overwhelmed thinking that they would finally tie the knot after a very long time.

Ang kaniyang ama ang naabutan niya roon, pero gusto niya ring kausapin ang kaniyang Ina tungkol sa ilang mga mahahalagang bagay kaya hinintay niya itong makabalik dahil nag-shopping daw ito kasama na naman ni Ariella.

Habang naghihintay ay naisip nilang mag-ama na uminom muna sa mini bar ng mansion ng kaniyang mga magulang. Doon ay napag-usapan nila ang iilang bagay tungkol sa kaniyang Ina.

"Luckily, Almirah did not do anything after that call. Alam ko kung gaano kahaba ng pasensiya ng asawa ko pero kapag ipinagpatuloy nila ang ganoong gawain nila at naisip niyang kumprontahin si Ariella at Mama, wala akong gagawin para pigilan siya. Hindi ako kasing bait ni Almirah, Dad. Sana maintindihan niyo 'yon," aniya nang napag-usapan nila ang tungkol sa pagtawag ni Ariella gamit ang kaniyang numero at telepono kay Almirah noong nakaraang araw.

His father looked worried about what he just told him. Mukhang maging ito ay sumasakit na rin ang ulo dahil sa mga ginagawa ng kaniyang asawa.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit gustong-gusto niya kay Ariella." Umiling ito na parang hindi makapaniwala sa nakikita araw-araw.

Sa tuwing aalis ito para pumasok sa opisina niya, si Ariella na kaagad ang nakikita niyang kasama ng kaniyang asawa, hanggang sa pag-uwi ay sila pa rin ang magkasama.

Kahit pa asawa niya ito at kailangang intindihin, dumarating din siya sa punto na gusto na niya itong sukuan dahil hindi na nagiging maganda ang kagustuhan nito lalo na sa kaniyang mga anak.

She wants to control them, bagay na hindi naman gusto ng mga ito, maging siya bilang ama ng kanilang mga anak. For him, they are already on their right ages to decide or choose a woman they want to marry. Naniniwala rin kasi siya na hindi basta-bastang bagay lang ang pagpapakasal.

For it to work, two individuals should be in love with each other or at least care for each other at hindi dahil pinili para sa'yo, siya na ang dapat mong pakasalan.

"I was actually planning to cut ties with their company, to end all the partnerships and investments dahil hindi ko na rin gusto ang nangyayaring ito sa Mama niyo," he looked so concerned amidst having headaches on his wife's actions and decisions.

"I love your Mom but I won't tolerate such acts. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa kaniya lalo pa at mukhang obsessed na siya sa ideyang kailangang si Ariella ang pakasalan mo," dagdag pa ng kaniyang ama.

Inisang lagok ni Lazarus ang alak na nakasalin sa kaniyang wine glass. Mahal din naman niya ang kaniyang Ina, ngunit hindi naman ito papayag na diktahan siya nito. Kung palaging gan'on ang mangyayari, masasanay lang ito at gawin na ang gusto habang-buhay.

"I'm getting married in a few days, pero hanggang ngayon ay ipipilit niya pa rin iyon? There's nothing going on with me and Ariella and I hope she'd understand that. Kung hindi man, wala na akong magagawa dahil si ikakasal ako kay Almirah bago matapos ang taong ito at sa ayaw at gusto niya, mangyayari iyon kahit wala siya," mariin niyang sambit na tila ba isa iyong pangako.

"I will try to talk to her again tonight. Kumbinsihin ko siyang pumunta pero kung ako lang din ang tatanungin, gusto ko sanang kahit huwag na dahil baka mag-eskandalo pa." Dumapo ang isang palad ng kaniyang ama sa kaniyang likod. He gently caressed if as if he's telling him to listen to his advice.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon