Kabanata 3

1.9K 22 0
                                    

Ilang araw nang nakakulong lang sa bahay si Almirah pagkatapos ng umagang nasabi niya ang mga salitang iyon kay Lazarus. Lumalabas lang siya sa kaniyang apartment sa tuwing binibisita niya si Lola Melba sa bahay niyo para dalhan ng pagkain. Pagkatapos niya roon ay kaagad siyang bumabalik sa kaniyang apartment.

Hindi niya rin alam kung magtataka ba siya o matutuwang wala rin siyang narinig mula kay Lazarus sa mga nakaraang araw na iyon the reason why her life has been quiet for almost a week now.

She was paid  a hundred and sixty thousand after that night kaya ngayon ay hindi niya pa problema ang pera pero alam niyang darating ang araw na mangangailangan ulit siya kaya para maiwasan iyon at malaking halaga ang itinabi niya para sa kaniyang ipon.

Kaunting tiis pa para makaalis na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Wala rin namang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya babayaran ni Lazarus kaya naisip niyang ngayon pa lang ay maghahanap na siya ng mas matinong trabahong puwede niyang apply-an.

Iyong hindi na katulad ng ginagawa niya ngayon dahil hindi na siya gaanong baon sa utang.

Nakatingala lamang siya sa kisame ng kaniyang apartment at ninanamnam ang katahimikan at kapayapaan ng paligid. She closes her eyes to enjoy the moment kaya naman gan'on na lamang ang gulat niya nang tumunog ang kaniyang telepono.

Nang mahagilap niya ito, galing iyon kay Lazarus. She halfheartedly answered the call, but didn't utter a word. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang puso at damdamin niya mula sa mga narinig niya mula rito.

"Magkita tayo sa address na ipadadala ko sa'yo. Please be there at 6:00 PM," anito bago pinutol ang tawag.

Sa lahat ng sinabi ni Lazarus ang salitang "please" ang nangibabaw at rumehistro sa isip ni Almirah. He never heard him say that kaya gan'on na lamang ang gulat niya ngayon.

Ilang beses niya ring tinanong sa sarili niya kung totoo ba ang narinig niya o gumagawa na lang ng ilusyon ang utak niya dahil sa mga napagdaanan niya sa nakaraang araw.

Nasa kalagitnaan pa siya ng pagkagulat nang mag-beep ang kaniyang cellphone. She received a message from Lazarus.

Lazarus:

May ipadadala ako riyan para sunduin ka. Magkita na lang tayo sa La Grande Hotel. Kapag tinanong ka, sabihin mo lang sa reception na may reservation ka under my name.

Huminga siya ng malalim. Ilang minuto rin siyang natulala lang bago naisipang maghanda na. It took her nearly an hour to be ready. Tama namang bumusina ang sasakyang susundo sa kaniya.

Dahil hindi traffic, kaagad silang nakarating sa address na ibinigay ni Lazarus sa kaniya. As she entered, she was immediately assisted by the staff.


"Good evening, Ma'am! Do you have a reservation?"

Tipid siyang ngumiti. Ayaw man sana niyang banggitin ang pangalan pero kailangan para makapasok na siya sa loob.

"Oo. Under the name L-Lazarus Montreal," her voice trembled a bit as he mentioned his name.

Nagliwanag ang mukha ng receptionist. May kung anong sinabi pa ito bago sumenyas sa isa pa nilang kasama.

"Good evening, Ma'am. This way to Mr. Montreal's reserved room." Iginiya siya ng isang babaeng staff. Hindi na siya nagtanong at sumunod na lang. Halos isang linggo rin silang hindi nagkita kaya may pakiramdam na siya kung ano na naman ang mangyayari.

With that thought, Almirah prepared herself. Inaasahan niyang sa isang silid siya nito dadalhin at hindi nga siya nagkamali.

Ano pa nga ba ang gagawin nila rito kung hindi iyon na naman?

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon