Kabanata 28

1.2K 15 0
                                    

"Ang sakit ng tiyan ko, Lazarus... parang manganganak na yata ako..." Bakas sa mukha ni Almirah ang sakit na kaniyang nararamdaman habang panay ang hinga nito nang malalim.

She tried sitting on the bed but everytime she moves, lalo lamang niyang nararamdaman ang kirot kaya hinayaan niya ang kaniyang sarili na mahiga na lamang sa kama.

Sa bawat pagpatak ng segundo ay mas bumibilis ang pintig ng kaniyang puso. Malamig sa buong silid ngunit unti-unting namumuo ang pawis sa kaniyang katawan. She clutched on the bedsheets to gather some strength and courage to fight the burning pain she's feeling.

Sa nakalipas na buwan ay naging maayos naman ang lahat. Naging normal lang naman ang kaniyang pagbubuntis at walang gaanong kumplikasyon.

Ang tanging payo lamang ng Doktor sa kaniya ay iwasan niya ang stress, matulog sa tamang oras at kumain ng mga masusutansiyang pagkain.

"W-What?" Gulat na sambit ni Lazarus nang magising ito mula sa pagkakaidlip. Nanlalaki ang mga nito ay bakas ang pagkakataranta.

"I think the baby is ready to come o-out!" She almost exclaimed habang dahan-dahang hinihinas ang kaniyang tiyan.

Natatarantang tumayo si Lazarus para kunin ang cellphone para tawagan si Dra. Almedes. Madaling araw na kaya gan'on na lamang ang pagdarasal ni Lazarus na sana ay gising pa ito.

"Hang in there, baby. I'm gonna call Dra. Almedes now," nanginginig ang boses niyang sinabi habang pinipisil ang kamay ni Almirah na tila ba kaya nitong pawiin ang sakit na kaniyang nararamdaman.

Hindi naman iyon ang unang beses na manganganak si Almirah pero iyon ang unang beses na nahirapan siya. Noong kay Almiah naman ay hindi siya nahirapan.

It was also her wish to deliver the baby at home. Ang gusto pa nga niya ay kumadrona na lamang pero hindi pumayag si Lazarus.

Aniya ay napagbigyan na niya ito sa hiling nitong sa bahay manganak kahit pa gusto sana nitong sa hospital kaya hindi na ito pumayag sa huling hiling ni Almirah na hindi Doctor ang magpapa-anak sa kaniya.

Lazarus silently thanked the heavens nang sumagot naman sa tawag si Dra. Almedes. Sinabi nito na darating siya kaagad. Minutes later, dumating nga ito kasama ang isang mid-wife at nurse.

Almirah labored for almost thirty minutes bago sinabi sa kaniya na lalabas na ang bata. Lazarus never left her side as she pushed the baby out. Nakailang ire din siya bago niya tuluyang nailuwal ang isang malusog na batang lalaki.

Almirah was still exhausted when Dra. Almedes congratulated them for the safe delivery of their baby, ngunit kahit pa ano'ng pagod at sakit na naramdaman niya ay worth it iyon lahat, lalo na nang narinig niya ang iyak ng kanilang anak.

Kahit pa hinihila na siya ng antok ay nilabanan niya iyon para lamang makita ang kaniyang baby na ngayon ay nililinisan na ng nurse at ng midwife na tumulong sa pagpapaanak sa kaniya.

For Almirah, the moment was fulfilling, especially that it is her first time hearing a baby cry after giving birth, isang bagay na hindi niya naranasan noon kay Almiah dahil kaagad itong nakatulog pagkatapos niyang mailabas ang bata.

It still haunts her, one of the reasons why amidst being so tired, she can't let herself sleep.

Humigpit ang pagkakasalikop ng kamay ni Lazarus sa kaniyang kamay kaya pansamantala siyang napatingin doon. Kahit pa may luha sa kaniyang mga mata sa pinaghalong pagod at tuwa ay nagawa niya pa ring ngumiti rito.

"Thank you so much, baby... I love you," mahina nitong sinabi habang hinahalikan ang kaniyang kamay.

"I love y-you..." she weakly said, hinihila na talaga ng antok.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon