They are not totally okay with each other, but at least they are civil. Iyon ang importante ngayon para kay Almirah.
Nabawasan ang bangayan, pero may mga pagkakataon pa ring mayroong silent war sa pagitan nilang dalawa. Most of the times, it's because of petty reasons pero walang petty petty sa kanila kung pareho nilang ayaw magpatalo sa isa't isa.
"Hindi ko naman sinabing papaliguan ko 'di ba? Ang sabi ko lang ay babantayan ko! Bakit ba nagsisimula ka na naman ng away diyan?" Asik ni Almirah kay Lazarus nang pigilin siya nito sa pagsama sa kanilang anak para maligo.
Napahilamos na lang ng palad sa mukha si Lazarus. Siya na naman ang may kasalanan gayong nagpapaliwanag lang naman siya.
"Inaaway ba kita? Hindi naman 'di ba? All I was just saying is that our daughter is very independent at ayaw niyang tinutulungan siya sa anumang bagay lalo na kapag kaya niya namang gawin mag-isa," he explained once again pero sadya yatang hindi maganda ang gising ni Almirah dahil inirapan lang siya nito bago iniwang mag-isa sa kanilang silid.
Sinundan niya ito dahil paniguradong pupuntahan na naman nito ang anak nila.
"Amirah," he called her name nang namataan niya ito sa hallway. Tama nga ang hinala niya dahil papunta sa kwarto ni Almiah ang daang tinatahak nito.
"Tapos na siyang maligo kaya hayaan mo na ako. Pupuntahan ko lang dahil magpapaalam akong may pupuntahan mamaya habang nasa school siya," anito habang mas lumalaki at bumibilis ang bawat hakbang.
"Saan ka pupunta, kung gan'on?" Binilisan din nito ang lakad para masabayan siya.
"May kailangan lang akong asikasuhin pero hindi ko sasabihin kung ano at saan. I trust na hindi mo naman itatakas ang anak ko habang nasa school siya kaya confident akong umalis ngayon. Besides, papabantayan ko rin," dagdag pa nito habang palapit na sila sa silid ng anak.
"Ano'ng oras ka babalik?" Mas kalmadong tanong ni Lazarus ngayon.
Nasa tapat na sila ng pinto ng silid ni Almiah nang lingunin niya ito. "I don't know," she replied. "Pero baka hindi ako makabalik kaagad dahil importante iyong pupuntahan ko. Iiwan ko rito si Teri kasama ng dalawang bodyguard para makasigurado na nandito pa rin kayo pagbalik ko."
Hindi kaagad nakapagsalita si Lazarus habang si Almirah naman ay kumatok muna bago sinimulang pihitin ang knob ng pinto para mabuksan iyon. When she successfully opened the door, she was greeted by silence. Pumasok siya roon at tinawag ang pangalan ng anak.
"Yes, Mommy?" Biglang lumitaw ang bata mula sa banyo. Nakapagbihis na ito ng uniform nang lapitan siya nito.
"I have something to tell you," panimula nito. Sinalubong niya ang anak at nang nakalapit na ay lumuhod ito sa harap niya. Hinawakan nito ang magkabila niyang braso saka pinakatitigan sa mga mata.
"Mommy has to leave for an important errand, but I promise to be back. Will that be okay to you?"
Sandaling nag-isip ang bata bago ito napabaling sa likod ni Almirah. Alam niyang nasa likod lang niya si Lazarus kaya hindi na siya nag-abalang lumingon pa. She just patiently waited for her daughter's answer.
"Will it take you long to finish that errand, Mommy?" Sa halip na sagutin ay isang tanong ang ibinato nito sa kaniya.
Napaisip din siya. She calculated the days she's going to spend for that errand. Kung tama ang kalkulasyon niya at magiging maayos ang lahat, kakayanin iyon ng dalawang araw lang, maximum na iyon kaya maaaring mas mapa-aga pa.
"Two days, baby..." she answered and her daughter pouted. She expected her to say no but then she nodded.
"Okay po... just come back here after you're done with your errands, okay?" Almiah sadly said.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...