It was the biggest day for Almirah and Lazarus.
Their wedding day has finally came, at minuto na lamang ang hinihintay ni Lazarus para legal niyang matawag si Almirah bilang kaniyang asawa.
He waited for that very moment to happen. He dreamt, prayed, cried, and bled for that to happen at ngayong mangyayari na ay walang mapagsidlan ang sayang kaniyang nararamdaman.
"Wala pa nga pero naiiyak ka na? Paano pa kaya kapag naglalakad na papunta sa'yo? Edi pumalahaw ka na ng iyak niyan?" It was his brother Leviticus who spoke beside him. Siya kasi ang groomsmen nito kaya ngayon ay nakukuha pang mang-asar sa kapatid.
"I don't care on whatever you say, Lev. Kahit bumaha pa rito dahil sa pag-iyak ko, wala akong pakialam," aniya nang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa malaking pinto ng simbahan na napalilibutan ng iba't ibang makukulay na mga bulaklak.
Natawa na lamang si Leviticus sa sinabi ng kaniyang kapatid. Tinapik niya rin ito sa likod bilang pagpapakita ng suporta rito. He was just happy for his brother that he's finally marrying the girl of his dreams.
Pinaghalong kaba at tuwa ang nararamdaman ni Lazarus sa mga oras na iyon. Iba't ibang scenario na rin ang pumapasok sa isip niya habang bagot na naghihintay. In his mind, he wanted everything to happen fast. Habang naghihintay, hindi niya maiwasang pansinin kung gaano kabagal ang pagpatak ng oras.
As he waited, he can't help but to think of her running away from him again. Iniisip niya na paano kung hindi siya nito siputin? Pero naisip niya na hindi rin. Almirah wouldn't do that because she loves him. Iyon pilit niyang ipinapaalala sa kaniyang sarili.
Nasakalagitnaan palang ng pagtatalo ang kaniyang isip nang marinig niya ang anunsyong dumating na ang bride. Lazarus blew a loud sigh of relief as he heard that dahil mabuti naman at sinipot siya nito.
Inayos niya ang kaniyang sarili; tumayo siya nang maayos at huminga nang malalim. Pilit niyang nilalabanan ang iba't ibang emosyong kaniyang nararamdaman.
Wala pa man ang bride pero nakakasilaw na ang click ng camera ngunit tama lang naman para hindi nito ma-agaw ang moment ng bride. Hindi pa bumubukas ng pinto pero sobrang bilis na ng pintig ng puso ni Lazarus.
Isang araw din kasi silang hindi nagkita ni Almirah dahil kailangan nilang sundin ang pamahiin na bawal magkasama sa iisang bahay o makita ng bride at groom ang isa't isa bago pa man ang kasal kinabukasan. Labag man iyon sa loob ni Lazarus ay wala siyang nagawa dahil kailangan.
The sound of the door opening was enough for Lazarus' world to stop revolving. Tila ba nagbukas ang pinto ng langit sa sandaling iniluwa na nito si Almirah na nakasuot ng isang mahaba at maputing gown.
Nakayuko ito noong una at dahan-dahang nag-angat lamang ng tingin noong tuluyan nang mabuksan ang pinto ng simbahan.
Lazarus' tears automatically dropped like a slow drop of rain after a whole sunny day. Kaagad naman siyang inabutan ng panyo ng kaniyang kapatid.
Almira's parents were walking with her. Parang may kung anong humahaplos sa puso ni Lazarus habang nakikitang nakangiti ang mga ito habang palapit sa kaniya kasama ang kanilang anak.
Alam niyang ipinangako niya sa ama nito noon na aalagaan at mamahalin niya si Almirah hangga't nabubuhay siya pero hindi siya magasasawang ipakita at iparamdam sa kaniyang magiging asawa ang kaniyang intensyon. He plans to fulfill his promise of forever to her, for he feels like it's his only mission in this world he's living in.
Ilang minuto lang namang naglakad palapit sa kaniya si Almirah, but for him... it felt like forever.
"Sir," he formally called her father who's eyes were now moist. Gan'on din ang Ina nito na mas emosyonal naman dahil hindi na nag-abala pang itago ang kaniyang paghagulhol.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...