Kabanata 18

1.1K 16 0
                                    

Their life was back to normal when they got back to the Philippines.

Naiiwan siya sa bahay samantalang si Lazarus naman ay pumapasok sa opisina lalo pa at maraming mga gawaing naghihintay sa kaniya roon kahit pa dalawang araw lang naman siyang nawala.

"Manang, ano po bang paboritong ulam ni Lazarus?" Tanong niya sa kasambahay nang maisip niyang sorpresahin ito. Nagbilin kasi ito na late siyang makakauwi mamaya dahil sa workload sa opisina na kailangang habulin bago ang deadline.

Napangiti muna ang matanda bago ito sumagot sa tanong ni Almirah. "Wala naman talagang paborito iyong si Senyorito, Mirah. Kahit anong ulam naman ang ihain mo sa lamesa ay kakainin ng batang iyon," nakangiti nitong sinabi.

Lihim siyang napangiti. "Magugustuhan niya po kaya kapag sinigang at kare-kare?"

"Ay oo naman, hija. Matutuwa iyon kapag nalaman niyang nilutuan mo siya ng pagkain!" Anang mayordoma sa tonong nasasabik. Wala pa man pero tila ba nakikita na nito ang magiging reaksyon ni Lazarus kapag nakauwi na ito mamaya.

With that thought, Almirah decided to cook him dinner. Hindi na niya ito sinabihan dahil balak niya nga itong surpresahin. Palagi rin naman kasing kumakain ito sa bahay kaya siguradong hindi masasayang ang iluluto ni Almirah para sa kaniya.

Habang naghahanda ay pumasok naman sa kusina ang kanilang anak. She immediately went to Almirah to give her a kiss and hug. Katatapos lang din kasi nitong maligo pagkatapos maglaro sa labas.

"Are you gonna cook Daddy dinner?" Matinis ang boses na tanong ng anak. Binalingan niya ito at tumango habang malapad na nakangiti. Thinking about his reaction later excites her. Kaya naman na-i-inspire siyang magluto.

"Really, Mommy?" Gulat na tanong ng bata habang nakatingin sa lahat ng gagamitin sa pagluluto. "Can I help po?" Tanong nito na nag-puppy eyes pa habang nakalabi.

Almirah nodded as she gently pinched her red cheeks. "Sure, baby..." she said as she kissed her forehead.

Iyon ang ginawa nilang mag-ina habang Wala pa si Lazarus. Some of the house helps are even offering help but they are determined to cook Lazarus' dinner by themselves.

Alas siete na nang natapos sila sa pagluluto at dahil wala pa naman si Lazarus sa bahay ay naisip ni Almirah na mag-shower muna to freshen up herself. She took her time hoping that Lazarus would be home when she's done, pero natapos na rin naman ito ay wala pa rin ang hinihintay nila ng anak.

She tried calling him, but he's not answering. Napabuntonghininga na lamang si Almirah habang ibinababa ang kaniyang cellphone.

Naiintindihan naman niya na sinabi nitong late siyang makakauwi mamaya pero sana naman ay sagutin nito ang telepono dahil nagsisimula na siyang mag-alala para rito.

Madalas naman kasi ay kahit sabihin niyang abala siya ay nasasagot pa rin nito ang tawag. Sa huli, sa halip na mag-isip pa ng negatibo ay naisip niyang puntahan muna ang kaniyang anak para samahan ito sa kwarto nito.

She just thought of spending her time with her daughter habang wala pa si Lazarus.

"Baby..." she called to get her daughter's attention. Nakaupo ito sa kama nang makita siya habang nanonood sa kaniyang iPad. Kaagad naman nitong itinabi ang hawak nang nakita siyang palapit.

"What is it, Mommy?" Inosenteng tanong ng kaniyang anak habang hinihintay siya nitong makalapit nang tuluyan sa kama.

"I just want to spend time with you while your Daddy's still not home," anito saka umupo sa paanan ng kama. Gumapang naman ang bata palapit sa kaniya kapangkuwan ay inihiga nito ang kaniyang ulo sa hita ni Almirah saka siya nito malapad na nginitian.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon