Kabanata 11

1.5K 22 0
                                    

Halos paliparin na ni Lazarus ang kaniyang sasakyan para lang mas mabilis siyang makarating sa kaniyang bahay.

At first, he felt happy that she finally came back after years, pero napalitan ang sayang iyon ng galit at pagkataranta pagkatapos niyang malaman ang dahilan kung bakit naroon si Almirah sa kaniyang bahay.

When he was informed that Almirah wants to take his daughter with her, he felt rage. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng ilang taon nitong pagtatago, bigla na lang itong babalik para kunin ang anak nila.

Pagalit niyang hinampas ang manibela nang naabutan siya ng red light. Segundo lang naman kung tutuusin ang aabutin, but for him it felt like eternity to wait for the green light to show up.

He sped up once again when it finally allowed him to go. Ilang beses niyang ipinagdasal na maabutan niya pa roon sa kaniyang bahay ang kaniyang anak, pati na rin si Almirah.

When he finally arrived home, nagmamadali siyang bumaba sa sasakyan. May nakaparada ring sasakyan doon pero hindi niya na iyon pinansin dahil sa pagmamadaling makapasok.

"Where's my daughter?" Tanong niya sa mga kasambahay na kaagad namang itinuro ang kwarto ng kaniyang anak.

Nagmamadali niya itong tinungo kahit pa may sasabihin pa dapat si Nana Telma sa kaniya. Every step he takes screams urgency.

Sarado ang silid ng anak kaya nang mahawakan niya ang doorknob, kahit nanginginig pa ay mabilis niya iyong nabuksan.

"Princess..." It was his first word as he entered his daughter's room, ngunit sa halip na ang anak lang ang makita ay tila ba tumigil ang kaniyang mundo nang nakita ang matagal na niyang hinahanap.

Nang nabuksan niya ang pinto ay siya namang paglingon at pagtayo ni Almirah sa tabi ng natutulog na anak nila sa kama. Based on what Lazarus could see, umiyak ang bata kanina at baka nakatulog lang dahil na rin dito.

Nagtama ang kanilang mga mata. Walang sinumang nagsalita ngunit bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata nila. From being surprised, unti-unting umigting ang kanilang mga panga dahil sa kontroladong galit sa isa't isa. Na kung wala lang ang anak nilang natutulog sa kama ay kanina pa sila nagsigawan at nagsumbatan.

Dahil ayaw ni Lazarus na magising ang anak ay kalmado siyang lumapit sa paanan ng kama, palapit kay Almirah.

He promised himself before that if he ever saw her again, he'd greet him with a tight embrace, pero naglaho iyon kanina nang nalaman niyang gusto nitong kunin ang kanilang anak sa kaniya.

"Hindi ako papayag sa gust—"

"Ang kapal ng mukha mo kung gan'on. Sinong may sabi sa'yo na kailangan ko ng opinyon at permission mo para makuha ko ang anak ko?" Tiim bagang na putol sa kaniya ni Almirah. Mahina lang iyon, ngunit mariin ang pagkakabigkas ng bawat salita.

"You'll have to kill me first bago mo makuha ang anak ko sa akin." He equalled her sharp gaze.

"If that's what you want, then you should start digging your grave now, Montreal. Babawiin ko ang anak ko mula sa'yo at sisiguraduhin kong makukuha ko siya sa ayaw at sa gusto mo."

Pagak na natawa si Lazarus sa sinabing iyon ni Almirah. Hindi siya makapaniwalang napailing na lamang dahil ibang iba na talaga ito sa dati niyang nakilala.

"Where did you get the nerve to say that, huh? Ikaw pa ngayon ang nagbabanta sa akin matapos mong mawala ng ilang taon at ngayong nakabalik ka na, gusto mong kunin sa akin ang bata na parang walang nangyari? The fvck you are for that?"

She wanted so bad to slap him for that. Hindi nito alam ang rason niya kung bakit siya umalis kaya wala itong karapatan para husgahan siya ngayon.

"Matapos mong itago sa akin ang anak ko, may lakas ng loob ka ring paratangan ako ngayon? Kung alam ko lang na buhay ang anak ko, sanggol pa lang siya ay bumalik na ako rito!"

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon