Kabanata 9

1.4K 24 0
                                    

"Daddy!"

Matinis ang boses na pagtawag sa kaniya ng kaniyang anak na babae dahilan para lingunin niya ito. Mas lumaki naman ang bawat hakbang niya para salubungin ito habang naka-ukit ang malapad na ngiti sa labi.

He got off of work early today para masundo ang anak. Gan'on naman ang madalas niyang ginagawa nang nagsimula itong mag-aral pero nitong mga nakaraang araw kasi ay ang kapatid niyang si Lev lang muna ang sumusundo dahil sa pagkakaroon ng busy schedule.

Dahil tapos na ang sunod-sunod na meetings ay mas may oras na ulit siya para makasama si Almiah.

He crouched to reach for his daughter. Binuhat niya ito at kaagad naman siyang pinupog ng halik ng bata.

"I'm back as your driver, princess. Are you happy to see me?" Lazarus asked his daughter as he kissed her cheek. The kid giggled as her smile grew wider.

"I'm so happy po, Daddy! Akala ko po kasi si Tito Lev na palagi ang susundo sa akin," she replied.

Ginulo naman ng ama ang kaniyang buhok saka ito muling nagtanong. "Bakit? Ayaw mo na bang ang Tito Lev mo ang sumundo sa'yo?"

"Not really, but... you're a better driver than him so like you more than him. He drives so fast and sometimes he doesn't even wear his seatbelt!" Pagsusumbong ng bata sa kaniyang ama.

Lazarus started walking towards their car. Sumenyas na lamang siya sa teacher ng kaniyang anak dahil ayaw niya iyong putulin sa pagkukuwento.

"Really, huh? Do you think we should tell your Tita Marah about it?" Nagtaas ng isang kilay si Lazarus sa anak bilang pagtatanong.

Sandaling nag-isip ang bata bago nakasagot sa tanong ng ama. "I don't want him to get scolded and punished, but for him to learn his lesson, then I think we should let Tita Marah know para hindi niya na po ulitin. Palagi po kasi siyang binibilinan ni Tita Marah pero he won't listen, e. So I think deserve niya naman pong maisumbong 'di ba, Daddy?"

Natawa na lamang si Lazarus sa ka-inosentehan ng anak. Naiiling niyang ibinaba ito sa passenger's seat saka sinuotan ng seatbelt. Nang masiguradong maayos na itong nakatali ay itinuko niya ang magkabilang palad sa upuan para mas kausapin pa ang anak.

"Oo naman, princess," pagsang-ayon niya sa sinabi ng anak. "Now give Daddy a kiss before we go," anito saka itinuro ang kaniyang pisngi. Kaagad namang lumapit ang bata para gawaran siya ng halik sa pisngi na kaniyang hinihingi.

Mas natawa pa si Lazarus nang paalalahanan siya ng anak tungkol sa pagmamaneho. She reminded him to wear his seatbelt and to drive safely para hindi raw ito matulad sa kaniyang Tito Lev na lagot sa kaniyang Tita Marah.

"Daddy, ang sabi po ni Teacher Ann, very good daw po ako kasi maganda iyong assignment kong drawing. She also said I'm creative because I know how to color my art neatly!" Masayang balita ni Almiah habang nagmamaneho na si Lazarus.

Hindi pa nga sila nakakalayo sa school pero marami na kaagad itong kwento. Gayunpaman, he enjoys listening to her stories.

"Really? That's nice, princess! Ang galing naman ng baby ko," malapad ang ngiting sinabi ni Lazarus sa anak.

His daughter proudly nodded. Ipinakita pa nga nito ang tatlong star na nasa likod ng kaniyang palad.

"Dahil very good ka, pupunta tayo sa bookstore to buy whatever book you want," he happily informed his daughter. Kaagad na nanlaki ang mga mata at namilog ang bibig ng bata.

Mahilig kasi ito sa mga libro kaya gan'on na lamang ang reaksiyon niya sa sinabi ng kaniyang ama. At the her age, kahit kinder 2 pa lang siya at malawak na ang kaniyang bokabularyo. Dapat nga ay saleng pusa lang siya noon pero dahil matalino ang bata ay na-accelerate ito.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon