Kabanata 10

1.5K 21 0
                                    

When Lazarus called one of his hired investigator for an update, muli na naman siyang nakaramdam ng disappointment dahil wala pa rin itong maibigay na positibong balita tungkol kay Almirah.

Palagi na lang siyang umaasa na kahit katiting man lang na impormasyon ang ibigay sa kaniya pero wala pa rin. He thought that he was just wasting his money for paying them for giving him nothing. Ilang beses na siyang nagpapalit-palit ng investigator pero palaging bigo ang mga ito sa paghahanap sa target.

"Dalawa lang 'yan, e. It's either incompetent ang mga binabayaran mo, o magaling talagang magtago si Almirah," said Leviticus when they were out drinking. Naiwan muna ang mga bata kay Marah dahil wala rin namang pasok ang mga ito kinabukasan.

When it's weekend, Almiah stays on Leviticus' house to spend time with them. Umuuwi lang pagsapit ng Linggo.

"Imagine, it's been over five years pero wala man lang tayong ideya kung nasaan siya?" Pagak na natawa pa ito habang umiiling. "I admire her for staying hidden that long," dagdag pa nito.

"Gan'on na ba talaga niya ka-ayaw ng koneksyon sa bata na pati sarili niya ay tinago niya ng ilang taon na ngayon?" Lazarus uttered bitterly. Hindi niya maiwasang masaktan para sa anak niya. She's so pure and kind and she doesn't deserve to be treated that way.

"Kung ayaw talagang magpakita, bakit hindi mo na lang hayaan? Sabi nga nila, mahirap hanapin ang ayaw magpakita. O baka naman alam niyang hinahanap mo siya kaya nagtatago pa lalo?"

Napabuntonghininga na lamang si Lazarus sa sinabi ng kapatid.

In his mind, he has two reasons why he's looking for her. Kung magiging makasarili lang siya, gusto niyang hanapin si Almirah dahil gusto niya ang dalaga para sa kaniyang sarili, pero dahil naaawa siya sa kaniyang anak, pilit niyang isinasantabi ang bagay na iyon. Kahit bumalik na lang si Almirah para sa anak nila at hindi na para sa kaniya.

"She's not that heartless to leave our child just like that. Kilala ko siya, Lev. Hindi siya gan'ong klase ng tao." Inisang lagok niya ulit ang laman ng kaniyang glass. He winced when he felt the alcohol on his throat.

"So naniniwala ka na may rason siya kaya niya nagawang iwan si Almiah sa'yo?"

Ang katahimikan ay naging sapat ng sagot para kay Leviticus para maintindihan na gan'on nga ang paniniwala ng kaniyang kapatid.

"Kahit ayaw niya sa bata, bakit naman iiwan na lang ng gan'on? Naniniwala ka pa rin talaga kahit may sulat-kamay niyang kasama noong natapgpuan mo ang bata sa labas ng bahay mo?" It was as if Leviticus was trying to convince him into feeling something.

"Kilala ko siya, Lev. Almirah is not like that. I still believe something's wrong with everything that's happening. Hindi niya magagawa ang gan'on sa anak namin," Lazarus insisted. Humigpit ang hawak nito sa kaniyang glass habang madilim na nakatingin sa kawalan.

"That's possible though," Lev somehow agreed to his brother. Bahagya tuloy siyang napaisip.

"Come to think of it. Kung tutuusin, sobrang liit lang ng Pilipinas. You already used your connections, but she's still nowhere to be found. Hindi kaya there is someone who's hiding her from us? Someone... powerful and rich enough?"

Nagkatinginan silang dalawa. He's actually considering that possibility noon pa man. Pinili niyang iyon na lang ang isipin kesa naman sa maisip niya na baka kaya hindi nila ito mahanap ay dahil patay na ito. He's still hoping that one day he'd see her again.

Gabi na nang nakauwi sila kaya tahimik na sa buong bahay. His brother parted ways with him as he needed to go to bed while he was left alone in the living room to think about what his brother said.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon