Kabanata 5

1.6K 19 0
                                    

"Bakit hindi mo sinabi na iyon pala ang dahilan kung bakit uwing-uwi ka palagi?" He asked after a long stretch of silence between them.

They're now inside his car parked just in front of her apartment. Doon sila dumiretso pagkatapos nilang ihatid si Lola Melba sa bahay nito.

"Hindi mo naman kasi kailangang malaman lahat tungkol sa akin," she replied. "Ayoko na ring madamay pa ang Lola sa ginagawa ko," she added.

"Dapat sinabi mo pa rin para alam ko."

Mapait siyang napangiti. "Okay lang 'yon. Tapos na rin naman, e. At saka… pagpasensiyahan mo na rin kung maraming kwento ang Lola tungkol sa akin. Iniisip niya lang siguro na malaki ang utang na loob niya sa akin gayong kusa ko namang ginagawa ang pag-aalaga sa kaniya. Ako pa nga iyong may utang na loob sa kaniya dahil kung hindi sa kaniya ay mas mangungulila talaga ako sa pamilya ko."

"Sa tingin ko nga ay kailangan ko pa siyang pasalamatan."  Nagpakawala ang lalaki ng isang malalim na buntonghininga. "If it wasn't because of her, hindi ko pa malalaman kung gaano ka kabuting tao. I am really sorry for those hurtful words I said to you before."

"Okay na nga 'yon," natatawa nitong sinabi saka nito nilingon si Lazarus. "Hindi ka naman siguro nag-so-sorry ngayon para magawa mo ulit sa susunod ang mga nagawa mong mali, hindi ba?" She gently smiled at him. "Para mapatawad ka ng iba, siyempre patawarin mo na rin muna ang sarili mo kasi kahit hingi ka pa nang hingi ng sorry kung hindi mo naman pinapatawad ang sarili mo, palagi mo pa ring maiisip iyong kasalanan mo sa iba."

Natigil lamang sa pagsasalita ang dalaga nang mapansing nakatitig lamang sa kaniya si Lazarus.

"May dumi ba sa mukha ko? Bakit ganiyan ka makatingin?" Salubong ang kilay niyang tanong. She tried to wipe her face with her right palm to check pero wala naman siyang nakapang kung ano kaya mas lumalim ang kunot sa kaniyang noo.

"Nothing," Lazarus replied. "I mean, I was just… I was just wondering how can you say those words when I know your life has not always been that easy? You forgive so easily. You always see and think about things positively. How can you say such powerful and encouraging words when you've been hurt by it? Paano mo nagagawa ang lahat ng iyon?" Puno ng hiwagang tanong ni Lazarus.

Simple lang naman ang sagot doon ni Almirah, pero nasa tao na iyon kung paano niya iyon tatanggapin.

"Ang dami mo namang tanong, pero sige…" napailing na lang ito habang nangingiting inoorganisa ang mga salitang dapat niyang sabihin.

"Naniniwala kasi ako na iba't iba ang pananaw ng mga tao. May mga taong madaling magpatawad at merong hindi. Iyong mga hindi marunong magpatawad, hindi mo naman sila masisisi dahil may pinanggagalingan din naman sila, pero ako? Iniisip ko na lang na ano bang gagawin ko sa sama ng loob? Kapag ba hindi kita pinatawad sa mga nasabi mo sa akin, makakapag-move on ako? Ako lang din naman kasi ang mahihirapan, e. If I let myself be terrorized by your words, ako ang talo, but if I forgive and move on… ang taong nanakit ang talk kasi hindi ko hinayaang hilain niya ako pababa."

Titig na titig lamang sa kaniya ang kasama pero para makapagpatuloy siya ay hindi siya nagpaapekto sa mabibigat nitong pagtitig sa kaniya.

She loves to talk a lot, and to have someone who's willing to listen to her is a dream come true.

"Sa pagiging positibo? Wala naman akong choice. Ang baba na nga ng tingin ng ibang tao sa amin, mag-iisip pa ba ako ng negatibo?" Tanong nito sa kaniyang sarili. Umiling ito bilang sagot sa sariling tanong. "Iba't iba rin naman kasi ang pag-iisip ng mga tao, pero pinipili kong maging positibo dahil alam kong makatutulong iyon sa akin. Ayokong lunurin ang sarili ko sa problema. Sa halip na mag-focus ako sa kung anong wala ako, mas pinipili kong pahalagahan kung anong mayroon ako."

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon