Kabanata 27

1K 22 0
                                    

"Bakit parang gumagwapo ka ngayon?" Wala sa sariling tanong ni Almirah isang araw na namamahinga sila sa gazebo na nasa hardin ng kanilang mansion. Nakaunan ang ulo ni Almirah sa tiyan ni Lazarus at hinahaplos naman ng huli ang kaniyang buhok.

"Tss. Iyan ka na naman sa mga pa-ganiyan mo. Kapag pinatulan ko 'yan mamaya may masabi ka na naman, o baka maasar ka tapos sa sofa mo na naman ako patulugin," natatawang ani Lazarus.

Hindi naman kasi iyon ang unang beses niya iyong sinabi sa loob ng isang linggo. Simula nang makabalik sila mula sa Isla ay palagi na lang siya nitong pinupuri, inaasar, o pinanggigigilan.

"Totoo naman kasi!" Pagsusungit kaagad nito. Humaba pa ang nguso na para bang may kung anong hindi nagustuhan sa sinabi ni Lazarus.

Natatawang yumuko si Lazarus para sana bigyan ng halik sa labi si Almirah ngunit iniwas nito ang kaniyang mukha.

"Parang hindi pa naniniwala e nagsasabi naman ako ng totoo..." bulong nito habang hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Kaya nga... bakit ka pala nakasimangot diyan? Naniniwala naman ako sa sinabi mo, e. Kaya ka nga nahulog sa akin 'di ba?" Gatong na lamang sana niya sa trip ni Almirah pero para mas maling desisyon na sabihin pa iyon dahil hindi rin nagustuhan ni Almirah ang mga salitang kaniyang ginamit.

Itinulak nito ang kaniyang sarili palayo kay Lazarus para makaupo ito. Lanlilisik ang mga mata niyang hinarap si Lazarus na para bang may kung ano itong hindi katanggap-tanggap na ginawa kaya siya nagpupuyos sa galit ngayon.

"So iniisip mo naman ngayon na nagustuhan kita kasi sa tingin ko ay gwapo ka? Ano'ng akala mo sa akin? Sa mukha nagbabase?" Tila nanghahamon ng away nitong tanong.

Napakunot na lamang ng noo si Lazarus kasabay ng pagkakamot sa batok. Lately, he just can't seem to understand her, especially her sudden mood swings. Minsan, masaya at tumatawa ito pero mamaya naman ay nagagalit na o umiiyak kahit wala namang nakakaiyak.

"Well, I'm not saying that-"

"Ano'ng I'm not saying that? Kasasabi mo nga lang tapos magdedeny ka pa?"

Napahilamos na lamang ng palad sa kaniyang mukha si Lazarus dahil sa tinuturan ni Almirah. Hindi na siya nagsalita dahil ayaw niyang lumaki pa ang kanilang sagutan.

"Okay, okay... fine. I'm sorry for saying that," paghingi na lamang niya ng tawad para matapos na, pero nang subukan niya ulit itong hawakan ay inilayo lang nito ang kaniyang sarili sa kaniya.

"What did I do again?" He's becoming frustrated each passing second. Lalo lamang niya itong hindi maintindihan dahil bigla na lang siya nitong sinusungitan at inaaway nang walang dahilan.

"Naiinis ako sa'yo!" Padabog nitong sinabi bago ito tumayo. Humalukipkip ito habang nakasimangot na nakatingin kay Lazarus.

Lazarus deeply sighed. Dahan-dahan itong tumayo para aluin ang nagsusupladang si Almirah.

"Care to tell me what's the problem? You've been changing moods so easily lately, baby. May nagawa ba akong mali? What's causing you to be moody, hmm?" nag-aalala nitong tanong habang lumalapit kay Almirah.

He carefully held her elbows when he got closer. Lazarus silently thanked the heavens when Almirah did not try to protest. Hinila niya ito palapit sa kaniya. His hand then crawled to her hands. Pinagsalikop niya ito sa kaniyang kamay. He then lifted it until it reached his lips, then gently kissed her soft hands.

"Why do I make you upset, baby? I want to know so I would know how to adjust..." he whispered while her hand is still close to his lips. Almirah could feel his hot breath on her hands.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon