Kabanata 26

1.1K 15 0
                                    

"Absent ka na nga nang absent sa opisina mo, balak mo pang mag-extend sa bakasyon?" Kinurot ni Almirah ang kaniyang tagiliran habang nasa kusina ito ng kaniyang bahay sa Isla kung saan sila nagbabakasyon ngayon.

"Ano namang problema?" Depensa naman ni Lazarus. "Gusto ko na ngang mag-resign pero naaawa lang ako kay Lev at Papa. Kapag ginawa ko 'yon, siyempre mahihirapan silang mag-adjust," dagdag pa nito.

Isinandal ni Almirah ang kaniyang likod sa sink, sa tabi ni Lazarus kung saan niya inihahanda ang lahat ng gagamitin sa pagluluto ng kanilang hapunan. She crossed her arms as he asked him a follow-up question.

"E bakit kasi naiisip mong mag-resign?" Umarko ang isa niyang kilay habang nakatingin dito. Pansamantalang tumigil naman si Lazarus para bigyang kasagutan ang tanong niya.

"Simply because I want to finally settle in life. I have enough money now to afford a married life, and since I have that already... gusto ko namang magkaroon ng sapat na oras para gampanan ang magiging papel ko bilang asawa at ama ng magiging mga anak pa natin," he straightforwardly said.

Lihim na napangiti si Almirah sa sinabi niyang iyon. When he said he has a plan, alam niyang hindi pa iyon ang buo. Para itago ang nararamdaman ay pinilit ni Almirah na pagtaasan ito ng isang kilay.

"Mga anak pa natin?" Pangagaya niyo sa huling mga salitang binanggit kanina ni Lazarus.

"Yup. I plan to have plenty of kids running around our house. Our mini versions," he proudly uttered as if he'd seen the future kaya ito confident na gan'on nga ang mangyayari.

"You really have plans, huh?" panunuya niya rito dahil parang matagal na nitong hinihintay na mangyari ang lahat ng sinasabi nito.

His brows wiggled up and down as he smirked on her. "Of course. I told you I was just waiting for you to come back."

"What about if I didn't come back?" Hamon niya rito. Sinusubok kung hanggang saan nito kayang sabayan ang panunuya niya.

"Then I may have to search the whole world just to find you and get you back in my arms," he answered that made Almirah's heart pound faster than the usual.

In the back of her mind, she's just hiding her emotions as he knows well how to say words that would assure her her future with him.

"Sus, hindi ka naman ganiyan dati, e. Noong first time nga nating magkita, parang wala sa'yo ang ma-inlove sa tulad ko," pag-aalala niya sa nakaraan.

Takot na takot pa siya noon. Hindi sigurado sa mundong pinasok. Puno ng pag-aalinlangan pero dahil sa pangangailangan ay nagawa niyang lunukin ang kaniyang pride.

"That's because I wasn't even sure on what I was doing!" Natatawang pagtatanggol ni Lazarus sa kaniyang sarili. "Imagine, I hired a person just to satisfy my carnal needs?" Naiiling nitong dagdag.

"Buti pala natagalan kita 'no? Napakasungit mo pa naman," si Almirah habang inaalala pa rin ang mga nangyari noon.

The first time they did it, she begged herself not to cry. Ilang beses niya ring naisip noon na umatras pero dahil sa matinding pangangailangan ay nagawa niyang ibigay ang kaniyang sarili sa isang estranghero kapalit ng malaking halaga.

"Bakit naman hindi? I was at least considerate," ani Lazarus.

Napairap na lamang si Almirah sa sinabing iyon ni Lazarus. Hindi niya naman maipagkakaila iyon pero sa tono kasi nito at tila ba nagyayabang.

"Wala naman kasi akong experience talaga! First ko ring gawin kaya hindi ko pa alam ang ginagawa ko," Almirah said to save herself.

During their first night, aminado naman si Almirah na nangangapa siya sa lahat ng gagawin. Sa inosenteng gulang na labing-siyam, hindi na niya kailangang sabihin pa na siya ay birhen dahil halata naman iyon sa kawalang-muwang niya sa pakikipagtalik noong unang gabi nilang ginawa iyon.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon