Kabanata 24

981 18 1
                                    

Base sa narinig ni Almirah mula kay Dessa, ang Ina ni Lazarus ang dahilan kung bakit siya nawalay nang matagal sa kaniyang anak.

Ayaw niyang maniwala ngunit hindi malayo ang posibilidad na iyon lalo pa at gan'on na lamang a ng galit nito sa kaniya.

Ang tanging tanong na lamang ni Almirah ngayon ay kung siya nga ay dahilan kung bakit napaniwala siyang namatay ang anak niya noon, paano nito nalaman na buntis siya gayong hindi niya naman sinabi iyon sa kahit na kanino?

Maging kay Lazarus noon ay hindi niya iyon sinabi, maging sa mga magulang niya ay hindi rin kaya hindi pa rin niya tuluyang magawang paniwalaan ang sinabi sa kaniya ni Dessa.

Hindi niya rin alam kung paano siya nakabawi sa gulat at iba pang emosyon matapos ng usapang iyon. Ang alam niya lang ay nakakapanghina at hindi pa rin kapani-paniwala ang lahat.

Kahit hindi maganda ang relasyon nila ni Mrs. Montreal, ayaw pa ring tanggapin ng isip niya ang gan'ong posibilidad. She wants to deny the fact that she might be the mastermind of all the things that happened to her in the past, but if that's really what happened... hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.

"M-Manong, puwede po bang huwag niyo muna akong ihatid sa bahay?" Nanghihina niyang sinabi nang ilang minuto rin siyang natahimik sa loob ng sasakyan.

The driver glanced at her on the rearview mirror of the car, bakas sa mga mata nito ang pag-aalala sa nakikitang kalagayan ni Almirah.

"Sige, Ma'am," tugon naman ng driver.

Napasandal na lang si Almirah sa likod ng upuan habang marahang ipinipikit ang kaniyang mga mata. Ilang hingang malalim pa ang kaniyang ginawa para pag-isipang mabuti ang tungkol sa binabalak niyang gawin.

"Manong," tawag niya ulit sa atensyon ng driver, kaagad naman siyang nilingon nito.

"Ano ho 'yon, Ma'am?"

Almirah swallowed the bile on her throat. "Doon po tayo sa bahay ng mga magulang ni Lazarus," aniya na ikinagulat ng driver dahil alam niya ang tungkol sa nangyari nang huling bumisita ang Ina ni Lazarus sa bahay nito.

"H-Ho?" Hindi makapaniwalang tugon pa nito na mas humigpit ang hawak sa manibela ng sasakyan. "Sigurado po ba kayo, Ma'am?" paglilinaw pa nito dahil alam niyang kung kasama lang nila si Lazarus ay hindi ito papayag sa gustong mangyari ni Almirah.

Tango na lamang ang naitugon ni Almirah dahil binubuo na niya sa kaniyang isip ang lahat ng tanong na gusto niyang sabihin sa ina ni Lazarus kapag narating na nila ang bahay ng mga ito.

Kung hindi niya gagawin ang kaniyang binabalak ay habang-buhay siyang magsisisi dahil maaaring hindi niya malaman ang totoo. Wala siyang pagsisisihan ngayon dahil kahit gaano pa manaig ang kaniyang pangamba, tatanungin niya pa rin ang ginang kahit alam niyang maaari itong magsinungaling sa kaniya.

May pag-aalinlangan pang tumango ang driver bago nito pinausad ang sasakyan. Mabagal lang din ang patakbo na animo'y ayaw siya nitong makarating sa kanilang destinasyon at kung si Almirah lang ang tatanungin ay gusto na niya kaagad ang makarating sa kanilang pupuntahan.

Nang sa wakas ay nakarating sila sa gate ng mansion ay kaagad silang hinarang ng mga security at nagtanong kung ano ang kanilang pakay na para bang hindi sila kilala ng mga ito.

Naiintindihan naman iyon ni Almirah lalo na at para din naman sa seguridad iyon ng mga nakatira doon.

"Gusto ko lang pong makausap si Mrs. Montreal," ani Almirah na siyang kumausap sa isa sa mga security.

Tumango ito at may kung anong pinindot sa tainga. Sinabi nito ang pangalan ni Almirah at ang pakay nito bago sinabing maghintay lang sandali dahil ipinapaalam pa sa kanilang amo ang pagpasok nila.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon