Kabanata 8

1.4K 19 1
                                    

Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung hindi mo naman inaasahan ang pagkawala nito. Hindi madaling kalimutan ang mga alaalang binubo ninyong magkasama at hindi rin madaling mag-adjust sa buhay na wala na sila.

Ilang linggo na simula nang maiburol ang kaniyang Lola Melba pero ni minsan ay hindi magawang ngumiti ni Almirah. She just lost a very special and important person in her life kaya walang makapapawi sa sakit na nararamdaman niya sa oras ng pagluluksa.

"Hey... ilang araw ka nang hindi maayos na nakakakain. You should at least eat," it was Lazarus. Ilang beses niya na itong kinumbinsing matulog at kumain nang maayos pero hindi niya iyon magawa dahil mabigat pa rin ang kaniyang loob sa pagkawala ng kaniyang Lola Melba.

"Gusto ko munang mapag-isa, please?" Mahinang pakiusap ni Almirah saka nito pinunasan ang luhang nakatakas na naman sa kaniyang mga mata. She's been crying almost all the time, pero hindi pa rin nawawala ang sakit.

Sa tuwing naiisip niya na wala na ang matanda ay bumabalik lang lahat ng sakit kasama ng mga masasayang alaala nila kasama ang isa't isa.

Walang imik na umalis si Lazarus. Ilang beses niya nang sinubukan pero hindi naman siya nito pinakikinggan kaya ngayon ay hahayaan niya na lang muna. Naiintindihan niya rin naman kasi kung bakit gan'on ito dahil naranasan niya na rin iyon nang pumanaw ang kaniyang Lolo na pinakamalapit sa kaniya.

As she was crying, bigla na naman niyang naramdaman ang pagbaliktad ng kaniyang sikmura kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo dahil naduduwal na rin siya.

Hindi rin iyon ang unang beses na nagkagan'on si Almirah. She's been having morning sickness two two consecutive days now.

Lumuhod siya sa tapat ng inidoro para doon sumuka. Wala pa nga siyang nakakain ngayong araw pero gan'on na lamang kung magsuka siya. Pakiramdam niya ay lalabas na ang lahat ng laman loob niya dahil simula kahapon ay pabalik-balik siya sa banyo para magsuka.

Iyon din ang dahilan kung bakit gusto niyang mapag-isa. Mayroon siyang hinala kung bakit siya nagkagan'on at gusto niya iyong kumpirmahin ngayong araw. Magpapaalam siyang uuwi na muna mamaya para makabili ng pregnancy test kit.

Isang linggo na rin kasi siyang hindi dinadatnan. Regular naman noon ang kaniyang dalawa pero ngayon ay nagmintis kaya lalo siyang naghinala at kinabahan.

Mabilis siyang ifilush ang kaniyang suka nang marinig ang pagbukas at sarado ng pinto sa kwarto ni Lazarus. Kaagad siyang tumayo at inayos ang kaniyang sarili. Mabuti na lang kanina ay naisarado niya pa ang pinto kaya hindi nakikita kung anong ginagawa niya sa loob ng banyo ngayon.

"Almirah?" He called her name from outside. Napapikit muna si Almirah at humugot ng isang malalim na hininga.

"B-Bakit?" She replied as she was trying to calm herself down. Hindi pa man siya nakakapag-pregnancy test, alam na niyang may kung anong mali sa kaniyang katawan. Kaya naman ngayon pa lang ay binubuo na niya ang kaniyang plano.

"Marah is downstairs, she wants to see you," aniya kaya nang sa tingin ni Almirah ay maayos na siya, dahan-dahan niyang pinihit at hinila pabukas ang pinto ng banyo.

When she finally got out of it, she was greeted by Lazarus' worried pair of eyes.

"Sige... bababa na tayo kung gan'on," she said in her trembling voice.

Sa pag-iisip na dahil pa rin iyon sa pag-iyak dahil sa pangungulila ay hinayaan siya ni Lazarus ngunit ang hindi nito alam ay iyak na iyon ng kaba at pangamba na baka buntis ang dalaga.

Walang imik siyang sinundan ni Lazarus nang pababa na sila para kina Marah. Sa sobrang dami niyang iniisip ay muntik pa siyang matisod sa hagdan at kung hindi lang naalalayan ay baka na-aksidente na ito.

The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon