Palubog na ang araw nang nakauwi si Almirah. Sunod-sunod din ang tawag at text sa kaniya ni Lazarus nang sa wakas ay mabuksan niya ang kaniyang telepono.
Hindi muna siya umuwi nang manggaling siya kanina sa bahay ng mga magulang ni Lazarus dahil natatakot siya na baka sa mag-ama niya maibaling ang kaniyang emosyon, she didn't want that to happen so she told her driver to driver her at a nearest shore.
Nagpalipas siya ng ilang oras doon to reflect on what she said and did. Wala siyang anumang pinagsisisihan doon. Sinabi niya lang ang laman ng kaniyang puso, ang mga hinanakit na ilang taon niya ring kinimkim.
Bakas din ang pag-iyak sa kaniyang mga mata ngunit wala siyang magagawa dahil kapag hinintay niya pa iyong mawala, baka pa mas hanapin siya ni Lazarus o ng anak nila.
"Si Lazarus po?" iyon ang kaagad niyang tanong sa isang kasambahay nang may nakasalubong siya pagkauwi.
The house help looked at her with pure worry in her eyes. Siguro ngayon ay napansin na nito na kagagaling niya lang sa matinding pag-iyak. Kung nakita iyon ng kasambahay, ano pa kaya si Lazarus?
"Nasa taas po, Ma'am. Kanina pa nga po tinatanong kung dumating na nga raw po ba kayo o hindi pa..." the house help informed her. Tumango lamang siya at nagpasalamat bago niya umakyat sa kanilang silid.
She was thinking of going to her daughter's room, pero dahil ayaw niya namang makita siya nito sa ganoong ayos ay sa kwarto na lamang siya nila ni Lazarus nagtungo.
Isang hingang malalim muna ang kaniyang ginawa bago niya pinihit at itinulak pabukas ang pinto.
Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok, nagulat na siya nang bigla na lang tumayo si Lazarus mula sa kama para salubungin siya. Kaagad nitong sinapo ang kaniyang mukha at nang nagtama ang kaninang mga mata ay napaawang na lamang ang labi ni Lazarus.
"W-What happened?" Nag-aalalang tanong nito habang patuloy na sinusuri ang kaniyang mukha na tila ba may hinahanap iyon doon na kung ano.
Hindi nakapagsalita si Almirah dahil hindi pa siya handang ipaalam ang nalaman niya kay Lazarus. Kung nagalit siya kanina sa Ina ni Lazarus, ano pa kaya ang mararamdaman ni Lazarus kapag nalaman niya ang totoo?
Aside from that, she just couldn't talk because she is sure that it will just trigger her tears. Marami na siyang naiiiyak sa araw na iyon at tama na iyon para sa kaniya.
All that matters to her now is that she already know the truth. Iyon lang naman ang gusto niyang marinig at malaman.
She bit her tongue to stop herself from talking. He looks worried but she just can't make him hate his mother more by telling him about what she did.
She may be mad at her, too, but she doesn't want their relationship to even get worse.
"Fvck... what happened, baby? Tell me, please?" He pleaded saka nito idinikit ang kaniyang noo sa noo ni Almirah. He sounded weak and vulnerable.
Umiling na lamang si Almirah. Buo na ang desisyon niyang huwag sabihin kay Lazarus ang nangyari sa araw na iyon. Kung malalaman man niya, ayaw niyang sa kaniya manggaling iyon. She wants him to know through his mother.
"Manong Jun told me you went to my parents' house," he said as he's back looking at her eyes.
Hanggang doon lamang siguro ang sinabi sa kaniya ng driver kaya ito nagtatanong ngayon. Gayunpaman, wala pa rin siyang balak na sabihin sa kaniya ang nalaman niya.
"May sinadya ako roon," she finally said, but it was a lie.
"Tell me what happened," he urged.
"We just had a normal conversation." Almirah had to swallow the bile on her throat. It was true though. Normal na pag-uusap na iyon para sa kanila dahil gan'on naman ang inaasahan gayong kinamumuhian siya ng Ina nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...