"Dalhin mo na lang sa ipadadala kong address ang mga gamit ko, Bonny. Yes, thank you and pasensiya na sa abala. Pakisabi na lang kay Arthur na medyo matatagalan pa bago ako makauwi dahil may importante akong aayusin. I'll make it up to him when I get home. Yes, bye."
Malalim na napabuntonghininga si Almirah bago niya inilapag ang cellphone sa bedside table.
"Who's Bonny and Arthur?" Bigla na lang sumulpot si Lazarus sa kaniyang likod. Kanina lang ay nasa CR pa ito at ni hindi niya man lang napansin na tapos na itong maligo.
"They're none of your business. Stop being nosy sa buhay ko. It's personal so I am not obligated to explain anything to you," she fired before sitting at the edge of the bed.
"I am just asking to make sure that they're not a threat to my daughter," mariin nitong sinabi.
"Bakit ko naman ipapahamak ang anak ko?"
Nagkibit balikat si Lazarus. "I don't know? I'm just making sure. Better safe than sorry," Lazarus said. Nang umangat na ang kamay nito upang tatanggalin ang pagkakabuhol ng tuwalya sa bewang nito, pasimpleng nag-iwas ng tingin si Almirah.
She silently uttered a curse inside her head. Hindi man lang ito nahiya na ipakita ang buong katawan niya sa kaniya! Mayroon silang past, pero iba naman na iyong noon sa ngayon. Ano man ang nangyari noon, para kay Almirah ay iba na sa ngayon.
Umirap na lang si Almirah habang inaayos ang parte ng kamang hihigaan niya kahit nakikita niya sa gilid ng mga mata niya na hanggang ngayon ay hindi man lang tinatabunan ni Lazarus ng kung ano ang kaniyang katawan.
"Hindi ba talaga puwedeng sa ibang kwarto ako matulog?" Paglalakas-loob na tanong ni Almirah.
Kapag kasi magkasama sila sa iisang kwarto, wala siyang privacy. Kaunting galaw, palaging mayroong Lazarus na nakaaligid sa kaniya.
"If you want this pretentious act to work for our daughter, dapat ay matuto kang makisama at mag-adjust. Hindi ba gusto mong bumawi sa kaniya? Aren't you willing to do anything for her?" Tunog nanghahamon pa ang boses ni Lazarus kaya naisampal na naman sa kaniya ang dahilan kung bakit siya nasa bahay nito.
Of course she's willing to do anything for her daughter! Kahit pa kasama sa lahat ang pagtulog niya sa iisang silid kasama ang lalaking kinaiinisan niya, gagawin niya para kay Almiah.
"Of course! I was just asking because I want to have my privacy. Tsismoso ka pa naman." Inirapan niya ito. Parang nabunutan pa ng tinik sa lalamunan si Almirah nang nakita mayroon na itong suot na gray cotton shorts. Kahit walang suot pang-itaas, mas mabuti na iyon kesa sa hubo't hubad kanina.
"Really, huh? Kailan pa ako naging tsismoso sa buhay mo? Pakialam ko sa buhay mo?" Matapang nitong sinabi dahilan para umarko ang kilay ni Almirah nang lingunin niya ito.
"Oh, really? Hindi ka tsismoso pero nagtatanong ka kung sino ang nakausap ko kanina? Wala kang pakialam sa buhay ko? Pakialam ko rin sa'yo? Baka ngayon ina-assume mo na gusto kita kaya ako nandito? Over my dead body! Para lang malaman mo, wala akong pakialam sa'yo 'no?!" Maarte nitong sinabi sabay irap ulit sa kausap.
Mas binibigyan lang siya nito ng dahilan para mainis sa kaniya. Her blood boils because of him. Hindi pa nga siya nag-iisang linggo sa bahay nito ay naiirita na siya sa pagmumukha nito.
"Matulog ka na nga lang. Ang dami mo pang sinasabi," pagsuko rin naman ni Lazarus. As much as he wants to counter her, pinigilan niya na lang ang sarili niya dahil alam niyang kapag pinatulan niya pa ito ay hindi sila matatapos sa pagbabangayan.
Walang salitang hinablot ni Almirah ang unan nito saka inilagay sa pagitan nilang dalawa. She then glared at him. "Hanggang diyan lang dapat. Walang lalagpas or else I'll kick your balls," pagbabanta niya rito pagkatapos ay nanlilisik ang mga matang tinitigan ito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...