Bago umuwi si Almirah mula sa site ay naisip niya munang dumaan sa mall para bumili ng pasalubong niya sa kaniyang mag-ama. Dahil nalaman niyang mahilig sa sweets ang anak ay sa isang café siya dumiretso para bumili.
The wind chimes echoed inside when she entered. Wala namang gaanong tao kaya naisip niya na mabilis lang siyang makakaalis. Kahit na tanghali pa lang ay gusto na kaagad niyang makauwi.
"Good day, Ma'am! May I take your order?" Malapad ang ngiting tanong sa kaniya ng isang babaeng nasa counter.
She looked up to see what dessert they offer. Ilang sandali rin niyang in-scan ang menu bago niya sinabi ang kaniyang order.
Chocolate lava cake, white chocolate raspberry cake, tiramisu layer cake at cinnamon crumb cake ang kaniyang in-order bago siya naghanap muna ng upuan habang hinihintay ang mga iyon.
Habang nakaupo sa pangdalawahang table, she took that time to send the pictures she'd taken earlier to her father.
After sending the pictures, ibinaba niya sandali ang kaniyang telepono para sana sulyapan ang counter kung naroon na ba ang kaniyang order ngunit halos mapasinghap siya nang nakita kung sino ang nakaupo sa kaharap na upuan ng kaniya.
"M-Ma'am..." Muli siyang napasinghap pagkatapos niyang sabihin iyon. She could feel her hands shaking and her heartbeat doubling its beat from the usual.
Kinailangan niya pang pisilin ang kaniyang palad sa ilalim ng lamesa para lang pakalmahin ang kaniyang sarili, ngunit gaano niya man kagustong pakalmahin ang naghaharumentado niyang puso ay hindi niya magawa, lalo pa nang mapatuon ang kaniyang mga mata sa mga bodyguard ng Ina ni Lazarus.
"My husband just told me that you were at our house the other day, huh? You think you're still welcome there?" Mrs. Montreal raised a brow on her. Her lips formed into a sarcastic smirk.
Lalo lamang siyang napipi dahil sa unang narinig mula rito.
Ito ang unang pagkakataong mag-uusap sila nang harapan at hindi niya pa alam kung paano niya ito pakikitunguhan ngunit sa huli ay titiisin niya ulit ang lahat ng sasabihin at panghuhusga nito sa kaniya dahil ayaw niyang makakuha ng atensyon mula sa ibang tao lalo pa at nasa pampublikong lugar sila.
She sighed dramatically before uttering words to her. "Pagkatapos mong iwanan ang anak ko noon, may kapal ka pa talaga ng mukha para magpakita roon? Tapos ngayon parang may balak ka pang umepal ulit sa buhay niya? Hindi pa ba sapat na iniwan mo na noon ang anak mo sa kaniya? Para ano? Para magpakasasa ka sa buhay dalaga habang ang anak ko at iniwanan mo ng isang malaking responsibilidad?"
As much as Almirah wants to tell her the reasons why she didn't show up for years to Lazarus, pinigilan niya na lamang ang kaniyang sarili lalo pa at wala sila sa tamang lugar.
Besides, she respects her daughter's grandmother so much na hindi siya makagagawa ng eskandalo kahit na mukhang iyon naman ang gusto nitong mangyari.
"Gusto mo rin talagang sirain ang pamilya namin, ano?" The old lady laughed dramatically. Hinayaan lang ito ni Almirah. "Muntik nang mawala sa sarili ang anak ko noon at ngayon, bumalik ka pa talaga? Ano na naman kayang balak mo ngayon?" Punong-puno ng panghuhusga ang tono nito, ang mga tingin din nito ay para siyang binabalatan nang buhay.
"Kung alam ko lang na babalik ka pa ngayon noon, sana ay ginawa ko na nga ang lahat para nawalan ka na ng dahilan para bumalik pa," mariin nitong sinabi habang mahigpit na nakakuyom ang kamao nito sa ibabaw ng lamesa.
Almirah had to bite her tongue to stop herself from talking back. Pilit niyang pinaalala sa sarili niya na hangga't kaya niyang tiisin, gagawin niya dahil mas nakahihiya kung mageeskandalo pa siya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...