After thirteen long and tiring hours, sa wakas ay nakarating din naman sila nang ligtas sa Italy and the first thing Almirah did was to tell Lazarus to check on their daughter. Nakausap naman nila ito at ipinangako na pagdating nila ay magbabakasyon silang tatlo bilang pambawi sa bata.
"Hintayin na lang natin saglit iyong sasakyan natin papunta sa bahay. On the way na rin naman daw," Almirah informed Lazarus while they were still on the plane. Bababa na lang sila mamayang nasa baba na rin ang ipinadala ng ama ni Almirah para sumundo sa kanila.
"How many years have you been here?" Kunot noong tanong ni Lazarus. She turned her head to look at him only to be met by a serious pair of eyes.
"Say three?" Hindi siguradong sagot ni Almirah.
Parang kailan lang din kasi nang malaman niya na taga-Italy pala ang kaniyang tunay na mga magulang. Napadpad lamang siya sa Pilipinas dahil itinakas siya ng dating kasambahay ng kaniyang mga magulang noong ipinanganak ito.
After years of searching for her, nahanap nila ito sa Pilipinas, pagkatapos asikasuhin ng ilang mga papeles ay dinala na rin sa Italya.
"Paano ka napadpad dito? Are your relatives here?" Sunod naman nitong tanong.
Kahit pa sa buong byahe nila kanina ay hindi ito nauubusan ng mga tanong. It was as if he's so curious about her life that he asks too many questions.
Ngumuso at bumuntonghininga muna si Almirah bago ito sumagot. "Taga-rito ang tunay kong mga magulang. Huwag mo nang tanungin ang buong kwento dahil mahabang usapan iyan kung sakali, pero dito sila nakatira. Majority ng business nila ay dito naka-base kaya dito na rin nila piniling tumira. Napadpad ako rito dahil sa kanila," she explained and Lazarus nodded.
Halos wala ring pinagkaiba ang naging karanasan niya sa kaniyang tunay na Ina. Inakala rin nito na wala na siya dahil ilang taon na simula nang nawala si Almirah sa kanila. Ilang palang nang nalaman nila na nasa Pilipinas ito na inaalagaan ng isang pamilya na ngayon ay kasama na rin nila sa Italy.
Ilang minuto pa lang silang nag-uusap nang tawagin sila dahil nasa baba na raw ang kanilang sundo. Nang nakababa sila, ang family driver nila ang unang nakita ni Almirah.
"Fratello!" Almirah ran towards their driver to give him a hug. Abot tainga ang ngiti nito dahil ngayon lang ulit sila nagkita matapos ang ilang buwan.
Buwan na rin kasi simula nang umuwi si Almirah sa Pilipinas dahil may balak na magpatayo ang kaniyang Papa ng negosyo roon at siya ang gusto nitong mamahala. Dahil hindi pa naman tapos ang bahay na ipinatatayo nila sa Pilipinas ay doon muna siya nakitira kina Arthur— ang anak ng kasosyo ng kaniyang ama.
"Welcome back to Italy, Signora!" Malapad na ngiting bati rin sa kaniya nito.
Kung hindi pa dahil sa tikhim ni Lazarus ay hindi pa sana nito puputulin ang kanilang yakap.
"You're with someone, Signora?" Nalilitong tanong nito kay Almirah habang nagpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa.
Kinakabahang tumango si Almirah bago sinenyasan si Lazarus na lumapit na siya namang ginawa nito.
"Uhm... Fratello, this is Lazarus, Lazarus this is our family driver, Fratello Antonio..." pagpapakilala nito sa kasama at gan'on na rin sa kanilang taga-maneho.
"You didn't mention to us that you have a boyfriend with you, Signora." Makahulugang ngumisi sa kaniya ang kanilang driver saka ito naglahad ng kamay kay Lazarus.
"He's not my fidanzato, Fratello..." pagtatama nito sa sinabi ni Antonio kanina. Dahil doon ay umawang ang labi ng huli. Muli itong tumingin kay Lazarus na mukhang naiinip na, lalo pa at ang ibang sinasabi ng dalawa ay hindi niya maintindihan dahil iba sa nakasanayan niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...