"Manang, pakiakyat po muna si Almiah sa kaniyang silid," bilin ni Almirah sa kasambahay na nagbabantay sa kanilang anak pagkatapos niya itong lapitan at mahalikan sa noo.
"Who's outside, Mommy, and why is she shouting?" inosenteng tanong ng kaniyang anak.
Almirah caressed her daughter's hair before shaking her head. "Let Mommy and Daddy handle it baby, okay? Just go to your room with Manang and we'll be there in a while," bilin niya sa anak na kahit nalilito man ay tumango na lang.
Nang nawala na sa paningin niya ang kaniyang anak ay saka lamang siya nagpasyang lumabas para daluhan si Lazarus na nauna na sa kaniya sa paglabas para awatin sa panggugulo si Dessa.
"Why can't you just love me back, huh? Okay lang sa akin ang may kahati basta ambunan mo lang din ako ng pagmamahal mo," the girl desperately said as she was kneeling down in front of him.
Iyon kaagad ang naabutan niya nang nakalabas siya sa mansion.
"Dessa, how many times do I have to tell you that I don't have any feelings for you? What we had before should be forgotten and be buried in the past!"
Lalong humikbi ang babae sa paanan ni Lazarus. Bilang babae, nasasaktan siya kapag nakakakita siya ng gan'on — nagmamakaawa para lang mahalin, nagiging desperada para lang sa kakarampot na pagmamahal na hindi naman kayang ibigay dahil ayaw ding ipilit ang hindi naman talaga gusto.
"Kung dahil 'to sa bagong babae mo, papayag naman ako na may kahati sa'yo, Lazarus... makikiusap ako sa kaniya at baka pumayag siyang kahit—"
"Are you out of your mind, Dessa? Sinong matinong babae ang papayag na may kahati sa pagmamahal at atensyon ng isang lalaki?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lazarus habang sinusubukang tulungan ang babae para makatayo ngunit panay lamang ang iling nito sa pagsubok ni Lazarus.
"I love you, Lazarus! Kahit noon pa, pero hindi mo lang nakikita. I want you in my life again, please... parang awa mo na, Lazarus. I need you in my life again," pagmamakaawa nito kay Lazarus.
To hear those words, parang dinudurog ang puso ni Almirah sa sakit. Hindi niya kayang makita ang isang babaeng umiiyak dahil lang hindi siya kayang mahalin pabalik ng lalaking gusto nito.
Pero hindi naman puwedeng basta na lang nitong hingiin ang pagmamahal dahil hindi naman iyon hinihingi, kusa iyong ibinibigay.
Kahit gaano pa man siya makaramdam ng awa para sa babae, wala siyang magagawa dahil hindi niya rin naman puwedeng pilitin si Lazarus na si Dessa na lang ang piliin.
Hindi niya hawak ang isip nito at kahit pa gaano siya kabait at kamaunawaing tao, hinding-hindi niya isusuko sa kahit na kanino ang ama ng kaniyang anak.
"You should leave, Dessa, before I call someone to pick you out here," banta ni Lazarus kay Dessa dahil mukhang wala rin itong balak na umalis sa kalmadong pakiusap.
Almirah to approach the two but she stopped herself. She wants them to talk about their issues instead of her meddling with it.
Nanatili lang siya roon habang pinapanood ang dalawa. Lazarus kept on explaining to her why they can't be together anymore, but she kept on insisting that they should still be together.
"Ano bang gusto mo? Ibibigay ko, Lazarus, just accept me in your life again. Hindi ko naman sinasadyang iwan ka noon, e. Na-realize ko na ngayon na mas maganda talagang tayo na lang ang magkasama at hindi ang magandang iyon. Tatanggapin ko kahit ano basta—"
"Dessa, you should stop now!" Pagalit na pinutol ni Lazarus ang dapat pa nitong sasabihin. Almirah could say that he's just holding back earlier, pero ngayon, tila ba naputol na ang litid ng pasensiya nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...