The girl named Dessa already left but Almirah still couldn't help but to pace back and forth while she's inside their room. The scene earlier made her feel anxious even when it shouldn't bother her most as the house helps assured her that Dessa and Lazarus' business with each other is long over.
Hindi niya mawaglit sa isip niya ang mga sinabi ng babae kanina. Na paano kung totoo naman pala lahat ng sinabi niya?
She shook her head to get that thought away from her head. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo lalo pa at wala pa namang paliwanag na galing kay Lazarus. She wants to give him the benefit of the doubt kaya huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili.
Hindi siya puwedeng mag-isip na lang ng kung ano-ano. Bago siya magalit o makaramdam ng ano pa, dapat ay marinig niya muna ang side ni Lazarus. From then, maybe she could tell who and what to believe.
Umupo siya sa paanan ng kama habang pinapakalma ang sarili dahil ayaw niyang abutan pa siya ni Lazarus na gan'on ang ayos kahit pa sobrang hirap para sa kaniya na kontrolin ang sarili sa pag-iisip ng ikakagalit niya.
Dessa's words kept on echoing inside her head. Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi niya nagawang tuluyang kalimutan ang mga sinabi nito kanina.
"You think he loves you, huh? Babalik at babalik siya sa akin dahil nangako siya na hindi niya ako iiwan. Kung nagawa niya sa akin, sinong makakapagsabi? Hindi malayong gawin niya rin sa'yo pagkatapos ka niyang pagsawaan," nakangising sambit ni Dessa sa kaniya matapos niyang banggitin na asawa siya ni Lazarus.
In the hopes that the girl would leave after hearing something from her, nakapagsabi pa siya na siya ang asawa ni Lazarus.
Akala niya pa naman ay matatakot ang babae pero tila ba natawa lang ito sa kaniya and it somehow insulted her. The girl was just so confident on what she's saying like she's been assured... or she's just purely delusional.
"Pagkatapos niyang pagpira-pirasuhin at gutay-gutayin ang puso mo, iiwan ka rin siya kapag wala ka ng pakinabang."
Her words were like tattoo embedded in her body and mind. Paano niya makakalimutan at iwawaksi na lang basta ang gan'ong mga salita na tila may pinanggalingan?
Paano niya iyon aalisin sa kaniyang isip gayong matatalim ang mga salitang binitawan sa kaniya?
Hindi rin siya natatakot para sa sarili niya. She's afraid that her daughter might get involved in this. Kaya rin hindi na niya ito binanggit kanina sa babae dahil baka makuha pa nito ang kaniyang atensyon at may kung anong balakin sa kaniyang anak.
"Almirah..." natigil lamang siya sa pag-iisip nang marinig ang kaniyang boses mula kay Lazarus na kapapasok lang sa silid at mukhang nagmadali kaya pa hinihingal.
Almirah doesn't know how to react or what to say. Nakapako lamang siya sa kaniyang tinatayuan. Nakikita niya naman si Lazarus pero tila ba nawalan siya ng lakas para lapitan ito dahil sa dami ng nangyari.
By the way Lazarus was looking at her, mayroon na siyang ideya na alam na nito ang tungkol sa nangyari kanina habang wala ito sa kaniyang bahay.
"I... I will explain," he said which confirmed her speculation that he already knew about what happened earlier.
Almirah swallowed the bile on her throat as she nodded. "Okay, and I want to listen. I don't want to judge as I don't know the story between you and that girl Dessa, but I hope it won't have anything to do with my daughter," aniya pagkatapos ay umayos sa pagkakaupo sa paanan ng kama.
Lazarus looks tired from work, pero kita naman sa mga mata nito na mas importante sa kaniya ang makapagpaliwanag kay Almirah sa halip na magpahinga.
"Ask me anything you want to know about," said Lazarus as he sat on a chair just in front of her.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...