"Sure ka na ba talaga sa desisyon mong isasama mo ako sa opisina mo? Confident ka talaga na wala akong makikita roon, huh?" Pang-aasar ni Almirah kay Lazarus nang paalis na si ang huli para sa pagpasok sa opisina nito.
As much as he wants her to go with him, hindi pa puwede sa ngayon dahil gusto niyang tutukan ang pag-aalaga kay Migo gayong hindi pa nakababalik ang mga mag-aalaga rito.
She wants to be hands on in gaming care of their son, especially that he's just growing so fast. Gusto niyang sulitin ang pag-aalaga rito ngayong bata pa ito.
"Of course. Takot ko na lang sa'yo kapag may nahanap ka nga roon. Kaya nga rin kita gustong isama sana para matigil ka na sa kaaasar mo sa akin," nakangising ani Lazarus habang inaayos naman ni Almirah ang kaniyang necktie.
"Malelate ka na kung hindi ka pa aalis ngayon. Hindi ba ay may meeting ka pa?" sa huli ay nasabi na lamang ni Almirah dahil baka makumbinsi pa siya ni Lazarus na sumama sa kaniya.
"Okay, okay... take care of yourself and the kids. Rest if must, you need that for our upcoming wedding," anito bago siya hinalikan sa labi.
Ilang sandali rin siyang nakatitig lamang sa sasakyan nitong papalayo bago siya muling pumasok sa bahay para asikasuhin na si Migo.
Tahimik ang bahay sa araw na iyon dahil mayroong pasok si Almiah, ibig sabihin lamang ay walang kalaro ang kanilang anak na lalaki kaya walang tawanang umalingawngaw sa buong pasilyo ng bahay.
"Ako na muna dito, Nelia. Magpahinga ka na muna," aniya sa pansamantalang nag-aalaga kay Migo nang makapasok siya sa nursery room.
Tahimik lang din naman kasi ang bata habang naglalaro kaya walang problema kung siya lang ang magbabantay dito.
"Sige po, Ma'am. Tutulungan ko na po muna sina Manang sa garden," paalam naman ni Nelia nang nakatayo ito. Tipid niya itong nginitian.
Lalo lamang tumahimik ang buong silid nang silang dalawa na lang ng kaniyang anak sa silid. Kung anong ikinaingay ni Almiah ay siya namang ikinatahimik ni Migo.
Tahimik lang itong naglalaro ng kaniyang laruang sasakyan kaya hinayaan ito ni Almirah ngunit ilang sandali rin ay nag-angat ng tingin sa kaniya ang bata at kaagad na gumuhit ang isang matamis sa ngiti sa labi matapos makita ang kaniyang Ina.
The baby tried his best to crawl to her. There was persistence and eagerness with his every move at para hindi na mapagod pa ay si Almirah na ang lumapit sa kaniyang anak.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ang anak para makatayo ito. He giggled as she was babbling random words to talk to her baby.
"Say Mama..." Almirah tried to make the baby talk but he just smiled at her. His mouth opened but only a random word came out so she tried once again.
"Say Mama... come on, baby. Say Mama..." nakangiti niyang pag-kausap sa anak. The smile on his face widened.
"Da-da-da-da!" The baby even clapped after babbling those words.
"Oh, you little one. Bata ka pa lang, alam ko na kung kanino ka magmamana. Daddy's boy ka rin, ano?" Natatawa niyang sinabi habang pinupupog ito ng halik sa mukha. Lalong lumakas ay hagikgik ng bata matapos niyang sambitin iyon.
Ilang minuto rin siyang nanatili roon bago siya nagpasyang patulugin na muna ang bata. Madali niya lang namang nagawa dahil inaantok na rin si Migo nang mga oras na iyon.
Malapit na rin ang uwian nina Almiah kaya binilinan niya na ang driver para maghanda dahil susunduin na nila ang bata. Ibibilin niya na rin si Migo sa mga kasambahay pansamantala habang wala siya sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
General FictionThere are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money...