Disclaimer: This story is purely a work of fiction.
—————
"Hoy Karina sabihin mo sa nanay mo magbayad na ng upa ngayon at kung hindi papalayasin ko talaga kayo! Mahiya naman kayo!"
"Opo!"
Sigaw ko habang tumatakbo pabalik ng bahay.
Nautusan kasi akong bumili ng sardinas nakita tuloy ako ni aling Paula.
Siya ang nagpaparenta sa tinitirahan namin.
Apat na buwan na kaming di nakakabayad.
Pagpasok ko sa bahay ay agad ko nang binuksan yung sardinas.
Nilagay ko ito sa kaserola at dinurog ang laman.
Nilagyan ko ng maraming sabaw at itlog.
Tapos pampalasa.
Walo kasi kaming magkakapatid kaya pang sampung tao itong sardinas na ito.
Mahirap ang buhay pero pinipilit naming iraos araw araw.
Walang trabaho si nanay at si tatay naman ay umeekstra sa bukid.
Nagtatrabaho naman sa palengke ang kuya kong si Rico.
Yung kasunod niya naman ay si kuya Jeko na nagtatrabaho naman sa construction.
Kasunod niya si ate Karen. Wala siyang trabaho dahil mahina ang puso niya at bawal siyang mapagod.
Pang-apat ako at naghahanap pa lang ng trabaho.
10 years ang gap ko sa mga kasunod ko.
Sila ang kambal na sila Elena at Arlina. 8 years old palang sila.
After nila ay kambal nanaman na sila Carlo at Carla. 2 years old palang sila.
Pinag-aaral talaga nila ako pero dahil lagi lang din naman akong bagsak at mahirap ang buhay ay sabi ko magdadrop out nako at magtatrabaho.
Sabi ko yung mga kambal na lang ang pag-aralin namin.
Pumayag din sila nanay dahil nakita nilang hindi na magbabago ang isip ko.
After kong kumain ay tinulungan ko na si ate na maghugas ng mga pinagkainan.
Tapos non ay naligo na ako at nagbihis.
Kinuha ko na ang mga gamit ko para sa paghahanap ng trabaho.
"Hoy Nerissa!!!!! Magbayad na kayo!!!!"
Palabas na sana ako ng pinto pero narinig ko ang boses ni aling Paula.
Pagbukas ko ng pinto ay may kasama na siyang mga taga barangay.
Agad na lumapit sa akin si nanay.
Si ate naman pinapasok sa kwarto yung mga kambal.
Buti nalang at wala na sila tatay at mga kuya ko dahil baka mas lalong gumulo.
Mainitin kasi ang ulo ng mga yun.
"Magbayad na kayo! Apat na buwan na ang binigay ko sa inyo na palugit! Sobra na!"
"Aling Paula sa makalawa sahod na ni Roland. Pangako magbabayad na kami."
"Ay hindi na! Tama na yung binigay ko sa inyo!"
"Aling Paula sige naman na po. Maghahanap na ako ng trabaho ngayon. Uutang ako. Wala na ho kaming ibang mapupuntahan. Maawa po kayo." Pakiusap ko.
"Apat na buwan na akong naawa sa inyo!"
Sa puntong ito ay nakapalibot na ang mga kapit bahay namin.
Maliit lang ang mga bahay dito kaya rinig talaga bawat kaluskos.
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.