Si Karina:Tumigil lang sa pag-iyak si Gina nang marealize niyang hinila ko siya palayo kay kuya habang hatak hatak ko ang maleta ko.
Pumunta muna kami sa apartment niya.
Bimili kami ng beer at tumambay kami sa sala niya.
Nagsindi ng yosi si Gina habang umiinom.
"Sorry Karina. Hindi kasi namin alam paano sasabihin sayo dati na kami ni Rico."
"Alam naman namin eh."
"Namin? Nino?"
"Kaming lahat sa bahay."
Natawa siya.
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Mas gusto kasi namin na sa inyo manggaling. Kaya nagulat talaga kami nung pinakilala ni kuya si.."
"Si Faye! Oo alam ko namam eh. Kasalanan ko rin naman bakit kami nagkaganito."
Lumuluha nanaman si Gina.
Uminom siya ng beer.
"Dahil nga magkapit bahay tayo dati ay lagi kong nakikita si Rico. Crush na crush ko siya eh. Tapos naging close pa tayo at laging magkasama. Nagsimula sa ngiti ngiti lang tapos nagkroon ng hi at hello tapos batian pagbirthday hanggang sa tumatambay na kami na kaming dalawa lang. Ayun tapos naging kami. Siya ang una ko sa lahat. First love. First kiss. Lahat."
"Wag mo nang ituloy yung mga first. Utang na loob."
Natawa siya.
"Masaya nga kami na masaya kayo ni kuya eh. Sabi ni nanay malamang malapit na daw kayong ikasal noon."
"Hindi nangyari eh."
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Madami pa dyan."
"Oo naman."
"Pero nagtatampo ako sayo! Sana sinabi mo sakin ang nangyari kay tito."
Inakbayan ako ni Gina.
"Ayoko kasing guluhin pa kayo."
"Ano pa't naging bestfriend mo ako kung hindi mo ako guguluhin?"
Natawa siya.
"Kaya love na love kita! Ikaw na lang jowain ko."
"O sige."
Niyakap ko siya at nagtawanan kaming dalawa.
"Kaso inlove ka na sa iba eh."
"Ako!?! Hindi! Kanino naman!?!"
"Eto ang pabebe nakakainis! Kay Ino siyempre!"
"Nako hindi."
"Yung ngiti mo kapag anjan siya iba!"
"Ganon ba yun?"
"Oo. Masaya kang makasama siya ganon. Yung ayaw mong mawala siya sa paningin mo kahit saglit."
Masaya naman talaga akong makita si Ino.
"Pero hindi ako bagay kay Ino. Hindi rin ako magugustuhan non."
"Gusto ka non at bagay kayo."
"Mayaman yun. Isa pa ito lang ako."
"Maganda ka Karina inside and outside. Matalino ka rin. Ang bilis mo ngang natuto mag-english!"
"Pero kasi...teka nga! Bakit ako ang pinag-uusapan natin? Dapat ikaw."
"Wala naman na akong ikekwento dahil narinig mo na lahat kanina!"
"Oo nga naman."
"Anong nangyari sa inyo ni Teddy? Hindi na kayo sing close nung dati ah."

BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.