Si Karina:Halos hindi ako nakatulog dahil sa pag-aalala kay Faye.
Pinaliguan ko na muna sila Carlo at Carla.
Si ate ang nagluto para sa amin.
Si kuya Jeko naman pumasok sa trabaho.
Pagdating ng hapon ay pinatulog na namin yung mga kambal.
Tumunog yung cellphone ko kaya dalidali ko itong kinuha.
Si nanay ang tumatawag.
Hindi ko ata kayang sagutin pero baka hindi kayanin ni ate.
Sinagot ko na lang.
"Hello Nay?"
Napatigil ako bigla at humarap kay ate.
Pinakinggan kong mabuti ang mga sinabi niya.
"Sige po nay. Pupunta lang ako sa bangko para magwithdraw."
Inend ko na yung tawag.
"Ano daw?"
Hinawakan ko sa balikat si ate.
"Yung puso mo ate ha."
"Ano nang nangyari Karina?"
"Huminga ka muna ng malalim."
"Okay."
"Ahmm..ligtas na si Faye."
"Mabuti naman."
"Pero wala na yung bata."
Napatigil si ate.
Pilit ko siyang pinapakalma dahil yung puso niya.
Pumikit si ate at huminga ng malalim.
Pinapakalma niya rin ang sarili niya.
"Pauwi na daw si kuya Jeko. Kailangan ko nang umalis ate para magwithdraw. Malaking pera kasi ang kailangan sa ospital."
"Okay. Sige. Mag-ingat ka Karina. Ako na ang bahala dito."
"Salamat ate."
Dali dali na akong nagbihis at lumabas ng bahay.
Dumiretso muna ako sa bangko para magwithdraw.
Hindi na kaya sa atm kaya naman kinailangan kong pumila dahil passbook ang gagamitin ko.
Nung turn ko na ay inabot ko agad sa teller yung papel at passbook ko.
"Ma'am ID na lang din po."
Hinalughog ko ang bag ko.
Nako!
"Miss naiwan ko kasi ang ID ko. Emergency po kasi talaga. Kailangan kong magwithdraw."
"Ma'am pasensya na kailangan po kasi namin ng ID."
Pano ba to!?!
"Please po talaga."
"Pasensya na ma'am."
Binalik na sa akin yung passbook.
"Emergency po kasi ito. Kailangan ko pong dalhin yung pera sa ospital."
Sarado na tong bangko kung uuwi pa ako at babalik.
Hindi ako aabot.
"Pasensya na po ma'am. Mahaba narin po yung pila."
Napalingon ako.
Oo nga!
Wala na akong nagawa kundi ang umalis.
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.