Nights with Mister Ten - 13

22 0 0
                                    


Si Karina:

Nagising ako nang biglang may liwanag.

Pagdilat ko ay bumungad sa mukha ko si doc Nikka na may hawak na flashlight.

"Sa wakas gumising ka din!"

"Anong nangyari?"

Tumingin ako sa paligid.

Nasa clinic ako.

"Isang buong araw kang tulog Karina! Naloka ako sayo!"

Napahawak ako sa ulo ko.

"Utang na loob matulog ka ha! Low blood ka na. Bibigyan kita ng vitamins."

"Opo doc."

Teka lang.

Paano ako napunta dito!?!?

Ang alam ko ay nasa room ako kasama si mr. Happy.

Napatingin ako kay doc Nikka.

"Binuhat ka nung client pababa kay Anne. Agad naman niyang tinawag si Teddy at dinala ka dito."

Huminga ako ng malalim.

Napahawak ako sa buong katawan ko.

Mukha namang wala siyang ginawa sa akin.

"Pinaalam ko na kay mama Luna. Umuwi ka muna sa inyo at magpahinga ng 2 days."

"Pero.."

"2 days Karina!"

"Aahhh okay doc."

Wala na akong nagawa.

Kumain kami ni Anne sa cafeteria bago ako umuwi.

Nakita ako ni Teddy at agad niya akong nilapitan at kinumusta.

Sinabi ko naman na pinapagpahinga ako ng dalawang araw.

Ayoko na sanang magpahatid pero hinatid parin ako ni Teddy sa amin.

Nakita siya ni nanay kaya naman pinapasok na nila siya.

Doon narin siya pinakain ng lunch.

Sa totoo lang nahihiya ako kay Teddy.

Akala mo naman kagandahan ako para tanggihan siya.

Tsaka napakabait niya parin sakin.

After nga namin kumain ay kalaro niya sila Carlo.

Para din siyang bata!

Nang mapagod yung mga kambal ay nagpaalam na si Teddy.

Sinermonan niya ako sa pagpapahinga bago umalis.

Nakakaloka siya!

Madalas na akong nasa Pensèe kaya hindi na ako sanay na nasa bahay.

Hindi ko tuloy alam anong gagawin ko sa bahay.

Naisip ko na lang maglinis.

Tama!

Maggegeneral cleaning nalang ako dito sa bahay.

Sinimulan ko ang mga kwarto sa itaas.

Tapos yung banyo sa taas.

Tapos yung hagdan.

Yung kusina.

At yung sala.

Gabi na nga akong natapos.

Tinawag na ako ni nanay para magdinner pero sabi ko magbibihis muna ako.

Pag-akyat ko ay nakita ko yung mga crayon nila Carla sa sahig.

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon